Kabanata 5

2 1 0
                                    

Kabanata 5

Night Walk

"So, uhm... saan tayo?" tanong ko kay Apollo na kasabay kong maglakad.

He shrugged his shoulders and replied, "I don't know. Bago lang ako rito."

"So, it's up to me?" I asked, looking at him.

He gently smiled and nodded his head. "Yes, it's up to you."

Naglakad kami papunta sa suki namin nina Ezra, Nariel, Ana at Aziel na turo-turo. It is not like the ordinary turo-turo dahil meron itong maliit na tent kung saan pwede mong kainin ang binili mong pagkain.

This is the main reason why we love to eat here aside from 7/11. Kadalasan kasi, bago kami umuwi ay tumatambay muna kami sa kung saan para magpalipas ng oras. This place is the most convenient 'tambayan' for us.

While walking, I also called our driver and told him not to pick me up.

Syempre, magmomoment pa kami ni Apollo. Ayoko namang may third-wheel o epal sa date naming dalawa na ako lang ang may alam.

"Rielle, bakit ikaw lang?" tanong ni Kuya Sony nang huminto kami sa harap ng tindahan niya.

Siya ang may-ari ng tent na'to. Minsan siya ang nagbabantay, minsan naman ang asawa niya.

"Hindi po ba dumaan dito sina Aziel?"

"Parang hindi yata. Hindi ko napansin, ang dami kasing bumibili kanina."

Bumaling ang tingin ni Kuya Sony kay Apollo. Sandali niya itong tiningnan bago muling bumaling sa'kin.

"Boyfriend mo?" tanong niya at ngumiti nang nakakaloko.

Tumawa ako sa sinabi ni Kuya. "Hindi po. Hindi pa," I said and glanced at Apollo.

Nakapamulsa siyang nakatayo sa tabi ko. Nakataas ang kilay niya at nanatiling tahimik. He seems amused by my bluntness base sa multo ng ngiti sa sulok ng labi niya. I don't know why but I felt giddy just by looking at his expressions.

Tumawa si Kuya Sony sa sinabi ko. "Huwag mong pansinin si Rielle, bugos 'yang mga pinagsasabi niya," si Kuya habang nakatingin kay Apollo.

"Halata naman po," tugon ni Apollo at nginitian si Kuya.

Kumunot ang noo ko. Hindi naman ako bugos, ah. Sige, slight lang. Sinamaan ko ng tingin si Kuya Sony, sinisira pa yata niya ang prospect ko.

Isinawalang bahala ko ang nangyari at bumaling kay Apollo.

"Kumakain ka ba n'yan?" tanong ko sabay turo sa mga pagkain na nakadisplay sa mesa.

"Of course, I am."

I ordered a bunch of street foods. Merong siomai, kwek-kwek, lumpiang gulay, fishballs at tempura. Bumili rin ako ng sago't gulaman para sa inumin.

Nang akma na akong magbabayad ay bigalang hinawakan ni Apollo ang braso ko. Bumaling ako sa kanya at nagtataka siyang tiningnan.

"Ako na," turan niya 'saka inabot kay Kuya Sony ang bayad.

I tried hard to suppressed my smile. This is not the first time that someone treated me, but the fact that Apollo is the one who treated me feels different. Hindi ko nga lang matukoy kung bakit naiiba.

Pagkatapos magbayad ay pumasok kami sa loob ng tent at umupo sa mesang may dalawang upuan.

Maingay ang loob ng tent at puno ng mga estudyante na nagmemeryenda rin. May iilang kakilala pa akong nakita.

The moment Apollo entered the tent, the eyes of the girls looked twice at him. Sino nga ba'ng hindi? Parang gusto kong magsisi na dinala ko siya rito.

Apollo's looks did not suit this place. He is not suited to sit in a plastic stool, instead, he is more suited to sit on a leather and an elegant couch. He is not suitable to be in this small tent, he is more suitable to be in a five star hotel.

FearlessWhere stories live. Discover now