I'm Inlove with my bestfriend in R.P.W

20 16 9
                                    

"I'm Inlove with my Bestfriend in R.P.W"

"Pick a partner because by monday you'll do guys a partner act."

"Yes pawn"

"Ayt I'm excited"

"Uy partner tayo"

Announce ng founder namin dito sa sbh gc namin, habang nagkakagulo na yung ibang member sa paghahanap ng partner, ganun din ako dahil sabado na ngayon.

Fastforward*

This is the day kung saan gaganapin ang aming by pair activity at masasabi kong namomoroblema ako dahil dumaan ang linggo na wala akong nahanap na partner, lahat sila may partner na maliban nalang sa akin.

Hayss pano nayan, mahirap panaman ang punishment pag hindi gumawa ng act.

"Ok lang yan Ashly makakahanap karin." Pag e encourage ko sa sarili ko.

---

"Guys the activity will start at exact 3:00 PM". Founder

Patay 2:55 PM na at wala parin akong partner, napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan ng pag-asa.Binack konalang at sinubukan ko ulit maghanap at maya-maya lang may nag messege sa akin, walang gana ko itong binuksan.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa nabasa kong mensahe na nagmula sa isang chingchong name.

"Hi hmm pwede ba kitang makapartner sa act natin, wala pa kasi akong partner"

Dali-dali ko syang nireplyan. "Oo naman".

May partner narin ako sa wakas!

Fastforward*

Pagkatapos ng Act namin ay nagkakilala kami ni chingchong, nalaman kona JC ang nn (nickname) nya sa RW (Real World) at same age kami 17. Natutuwa ako sa tuwing my by pair activity kami, dahil hindi na ako nawawalan ng kapartner at yun ay si JC. Naging magkaibigan kami hanggang sa naging mag bestfriend ang turingan namin sa isa't-isa, pero nung isang araw lang ng marealize kona nahuhulog na ako at higit na sa kaibigan ang turing ko sa kanya.

---

"Uy Ashly, alam moba kung bakit nagdeact si Chingchong?"

"Ate Ash, nagdeact napo si kuya, alam mopoba kung bakit?"

Nagulat ako ng isa-isa nila akong tanungin ng ganyan kasi hindi ko alam na nagdeact si JC at para mapatunayan hinanap ko sa messege box yung name nya at tama sila, dahil facebook user nalang.

Dahil sa nalaman ko nawalan ako ng gana mag Rp mabuti nalang andyan si Asher at sya ang nag comfort sa akin hanggang sa maibaling ko sa kanya ang nararamdaman ko.

---
HE'S P.O.V

It's been 7 months when I deact my Rp account because of my grandma's died 'cause of Lung Cancer. Simula ng mamatay ang lola ko, nawalan na ako ng gana sa lahat at kasama na doon ang pag a rp, hindi kona nagawa pang magpaalam kay Ashly dahil wala ako sa sarili nyan that time. Pero nung isang araw lang ay bumalik na ako sa pag a rp, ganun parin naman walang nagbago, tinanggap parin ako ng pawn namin at ang ibang member kaya nakabalik ako sa sbh nayun pero para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon sa nalaman ko.

"Si.. Si Ashly may jowa na?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko ng makitang in a relationship sya sa pangalang Asher.

Simula ng makapartner ko si Ashly sa mga Activity namin ay alam ko sa sarili kong gusto kona sya.

"Sh*t I am late?"
---
ASHLY P.O.V

Week passed since bumalik si JC, sobrang saya ng malaman kong nakabalik na sya dahil miss na miss kona sya pero sobrang lungkot ko dahil magmula ng makabalik sya hindi na nya ako pinapansin kaya pinrangkahan kona syang tanong pero tila ba sasabog ang puso ko sa sunod nyang sinabi.

"I like you"

Sh*t bat ngayon pa?

"I like you too, but it's too late." walang pagpipiliang reply ko sa kanya at nag log out na.

---

Kanina pa ako nakatitig sa messege sa akin ni Asher kanina-kanina lang, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nabasa ko.

"Mag break na tayo, dahil sa simula palang alam kona na walang patutunguhan itong relasyon natin. Dahil kahit kailan hindi kita minahal, kaya sorry Ashly i hope you understand." Huling sabi nya at binlock nya ako kaya kahit gusto koman syang tanungin at sumbatan ay wala akong magawa.

---

"Ok kana?" Simpleng tanong pero tila ba sasabog ang puso.

"Oo naman" totoong ok na ako dahil isang linggo na ang lumipas at sa isang linggo nayun ay walang ibang ginawa si JC kundi i comfort ako, ayaw komang aminin pero alam ko sa sarili kona dahil kay JC kung bakit parang ang bilis kong makamoveon.

Hindi kaya.... gusto ko parin sya?

Aysh ewan!

---
JC's P.O.V

"Alam kona ang sagot sa tanong mo" Sabi nya na ang tinutukoy ay ang tanong kona, gusto mo parin ba ako?

Nanginginig ang kamay na tinype ko ang salitang "Ano?".

"Hindi na kita gusto." Simpleng sabi nya pero para bang gumuho ang mundo ko.

"Ok lang alam konaman , sorry sa pangungulit" Tila ba naiiyak na type ko sa keyboard ko.

"Dahil mahal na kita"

"Mahal na mahal"

Sh*t totoo ba ito?

"To-too?" Di makapaniwalang pagtipa ko sa keyboard.

"Oo sobraaa"

"Yes!" Napasuntok sa hangin na sabi ko.

"I love you❤"

"I love you too"

Langya kinikilig ako, ayaw komang aminin pero sobrang sarap sa pakiramdam na malaman na mahal ka ng taong mahal mo.

--
Let me know your opinion guys:)

The Collection Of My One ShotsWhere stories live. Discover now