Can't believe

18 15 9
                                    

Can't believe

"May dumi ba ako sa mukha?" Nagtatakang tanong nya ng mamataan nyang nakatitig ako sa kanya.

Diko kasi maiwasang mapamangha na kasama ko ngayon ang kinauna-unahang babaeng nagtanggol sa akin nung high school.

>>>FLASHBACK<<<

"Jc pakopya ako ng assignment ah"

"ako din payat"

"Kami din nerdy boy"

Araw-araw ganyan ang binubungad sa akin ng mga classmate ko tuwing dumadating ako sa school.

I'm Jc Gozon 17 years of age and yes I'm a Nerd, I have this big glasses in my eyes and I brought everyday a many books in my arms.

"Ahm ano kasi..ano kasi dikona kayo pwedeng pakopyahin." Nakayukong sabi ko sa kanila.

"Anong hindi pwede! huh!" Lumapit sa akin ang isang kaklase kong lalaki at tinulak nya ako kaya napaupo ako at nabitawan ang mga hawak na libro.

"Yan kasi ang dimot-dimot."

"Tama lang sa kanya yan noh."

"Akala mo kung sino umasta, ang panget panget naman"

Bulungan ng mga kaklase ko, andito kami ngayon sa loob ng classroom.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo." Pilit kong pinupulot ang mga libro kong nagkalat.

"Aba! Loko ka pala eh." Inis na sabi nya at kinuwelyuhan nya ako, at pilit na pinatayo saka maya-maya lang bigla na nya akong sinuntok sa mukha kaya bahagya akong natumba at nahilo.

"Bwisit ka!" Umamba syang susuntukin ulit ako kaya napapikit ako, pero ilang minuto na ang lumipas wala akong naramdamang kamao na lumapat sa mukha ko, natatakot man pilit kong dinilat ang mata ko.

Bahagya akong natulala ng makita si Geyien ang S.S.G president dito sa school, na salo-salo ng isa nyang kamay ang kamao ni Jeric na syang lalapat sana sa mukha ko.

"Ulitin mopato Mr. Rayos at Di ako magdadalawang isip na patulan ka" Walang emosyong sabi nya, kaya bahagyang namutla sa takot si Jeric at ang mga kaklase ko na ngayon ay mga nakayuko na.

Si Geyien Billanueva ang tipo ng tao na matatakot kang makasalubong dahil sa kakayahan nitong panginigin ang tuhod mo gamit lang ang kanyang walang emosyong mga mata, ang sobrang lamig nito sa pananalita at higit sa lahat kaya nyang patumbahin ang limampung kalalakihan gamit lang ang mano-mano, kaya ganun nalang ang takot ni Jeric pati narin ang mga kaklase ko sa kanya pero ako lagi nalang ako namamangha at humahanga sa mga ginagawa nya.

"Kayong lahat magsilabas kayo, maliban sayo Jc." Cold na sabi nya sa mga kaklase ko na agad din naman syang sinunod samantalang ako, hinawakan ko ngayon ang mukha kong sinuntok ni Jeric kanina.

Grabe ang sakit!

"Patingin" Cold na sabi nya at hinawakan ang mukha ko at dahan dahang hinaplos ang sugat na malapit sa bibig ko.

Tug dug, tug dug, tug dug, tug dug.

Tila nagkakarerahang kabayo ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya.

"Masaket?" Maya-maya lang tanong nya ng gamutin nya ang sugat ko habang ang mga mata nya ay nakatuon sa pag-aayos ng kit.

"Medyo lang naman" Nahihiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin nang bigla syang lumingon sa gawi ko.

"Sa susunod kasi, wag kang papayag nalang na saktan kanila, dapat matuto karing lumaban" Tila huminto ang mundo ko ng bigla nya akong ngitian.

"Ah... ah eh thank you." Nahihiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Wew ang ganda nya grabe.

"So pano bayan, Mauna na ako?" Balik sa walang emosyong tanong nya.

"Sige... sige salamat" Nahihiyang saad ko.

Yun ang unang beses na nagkalapit kami ni Genyien hanggang sa nasundan pa ng nasundan hanggang sa umabot na sa puntong umamin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Nung una ang akala ko babastedin nya ako pero para akong nanalo sa lotto ng dahan-dahan syang tumango ng tanungin ko sya ng "wi.. will you be my gir.. girlfriend?"

>>END OF FLASHBACK<<

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na ang S.S.G President na kinatatakutan nungg high school kami ay syang 4 years girlfriend ko.

"Ang ganda mo talaga" Nakangiting saad ko.

"Sus nambola kapa" Umirap na sabi nya at nag-iwas ng tingin pero nahuli kopang nag blush sya.

Ang kyut.

Simula ng maging kami ni Genyien marami nang nagbago tulad ng nagiging showy na sya sa nararamdaman nya habang ako naman marunong ng mag self deffence.

"Oo nga pala babe para sayo" abot ko sa kanya ng isang paper bag na agad naman nyang tinanggap.

"Ano toh?" Sabi nya na ang tinutukoy ay ang paper bag na binigay ko sa kanya.

"Buksan mo" nakangiting saad ko kaya binuksan nya ito.

Maluha-luha sya ng makita nya ang laman na agad nyang nilabas.

Isang Sketch kung saan ako ang gumawa. Sketch na mukha nya.

"Maraming... salamat babe" Naluluhang saad nya kaya niyakap ko sya.

"Sssh tahan na, para sayo talaga yan" pag-aalo ko sa kanya at hinarap ang mukha nya sa akin.

"I" Kiniss ko sya sa noo.

"Love" Kiniss ko sya sa ilong.

"You" Dahan-dahan kong hinalikan ang labi nya na agad naman nyang ginantihan.

>>The end<<

Let me know your opinion guys:)

The Collection Of My One ShotsWhere stories live. Discover now