Die

11 10 3
                                    

Die

"ZAEEEEEE ASAN NA YUNG ALAK NA PINABILI KO SAYO?" Dali-dali akong tumakbo papalapit kay tatay.

"Hmm tay k-kasi po, ala napo a-akong pera pambili" Nakatungong sabi ko, nakakatakot kasi si tatay pag galit lalo na pag hindi nasusunod yung gusto nya.

"ANO! Peste kang bata ka, ako na tatay mo pinagdidimutan mo!" Kinuwelyuhan ako ni tatay kaya bahagya akong nasakal.

"P-pero tay, ala napo t-talaga akong p-pera" Nahihirapang sabi ko.

"Wala ka talagang kwentang bata ka!" Galit na sabi nya at tinulak ako kaya tumilapon ako sa gilid saka sya umalis.

T*ngenang buhay to lagi nalang ba ganito? Araw-araw ako sinasaktan ng sarili kong tatay sa tuwing hindi ko agad nasusunod ang mga gusto nya.Hindi naman sya ganyan dati eh pero simula ng mangabit yung nanay ko nagkaganyan na sya, sa akin nya laging binubuhos yung sama ng loob nya kaya dikorin maiwasang magalit sa nanay ko.

Nakakabakla man pero diko maiwasang maiyak sa mga nangyayari sa akin.

***

"Ahm babe may sasabihin sana ako" Sabi ng girlfriend kong Si Syzy, mukhang malungkot sya kaya diko maiwasang mag-alala.

"Hmm bakit babe, may problema ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"A-ano kasi babe dikona kayang ipagpatuloy pa yung relasyon natin." Nahihimigan sa boses nya ang lungkot.

"Anong ibig mong sabihin babe?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Breaknatayo" tuloy-tuloy na sabi nya kaya medyo naguluhan ako pero maya-maya lang nakuha ko ang ibig nyang sabihin.

"B-break? B-bakit babe? May nagawa ba akong mali?" Naguguluhang tanong ko.

"Ayoko na sayo!, dahil ang hirap-hirap mo! Hindi mo kayang ibigay ang mga pangangailangan ko!" Sigaw nya sa akin at iniwan akong tulala.

"A-all this time, umasa ako na tanggap nya kung sino at ano ako. T-tapos n-ngayon" Napapailing na sabi ko.

"Arrg Life is so unfair!" Huli kong sinabi bago ko natagpuan ang sarili ko na inaayos ang lubid sa aking leeg.

"Wala kang kwentang anak!"

"Ang hirap-hirap mo!"

"Ang pangit mo!"

"Ang bobo mo at ang tanga mo!"

Biglang nagflashback sa aking isipan ang mga salitang nagpadurog ng husto sa aking pagkatao.

"Good bye world" lumuluhang sabi ko at tinulak na ang lamesang pinagtutung-tungan ng paa ko.

A/N

Let me know your opinion:)

The Collection Of My One ShotsWhere stories live. Discover now