My Sister becomes my Enemy

14 13 10
                                    

My Sister becomes my Enemy

"Kambal!, Kambal!" Excited na tawag ko sa kapatid kong si Velyn, mas matanda sya sa akin ng isang taon but ayaw nya na tinatawag ko syang ate kasi daw mas maganda kung kambal nalang tawagan namin sa isat' isa para mas sweet daw.

"Oh bakit Kambal Elyn?" Parang natuwa sya ng makita nya ang itusura kong excited.

"Goshhh nikikilig akoo~" Kinikilig na sabi ko kay Kambal Velyn.

"Waaaah same" Tumili rin kagaya ko.

Oww same vibes kami hihi.

"Ikaw muna, dali na kwento kana" Excited na sabi ko kay Velyn.

"Ok ganito kasi yun." Sabi nya at nagsimula ng magkwento ng about sa boyfriend nya.

Sabi nya sinurpresa daw sya ng boyfriend nya doon sa favorite place nilang dalawa, nagdate sila at nag star gazing which is ginawa din sa akin ng jowa ko.

Awit same vibes talaga kami, hihi.

1, 2, 3 "Kyaaaaahhh" Nagtitili kaming dalawa  at nagtatatalon.

"Anyare? Anyare?" Nag-aapurang sabi ni mama ng marating nya ang kwarto namin ni kambal Velyn.

"Wala po ma" Sabay na sabi namin ni kambal Velyn, kaya nagkatinginan kami at biglang tumawa samantalang si mama binigyan kami ng naguguluhang tingin.

"Ayos lang po kami ma hahahaha" Natatawang sabi namin ni Velyn at tinulak ng mahina papalabas si mama sa kwarto namin.

"Sigurado ba kayo?" Naguguluhang sabi nya ng marating nya ang labas ng kwarto.

"OPO" Sabi namin ni Velyn.

Ng tuluyan nang nakaalis si mama ay nagpigil kami ng tawa.

"Pftt hahaha good night Kambal Elyn" Sweet smile na sabi nya.

"Good night Kambal Velyn" Binigyan ko rin sya ng sweet smile.

***
*KINABUKASAN*

"Uhm babe may sasabihin ako sayo" Nakangiting sabi ko sa Boyfriend kong si Aeron.

"Wow babe, mukhang maganda yata yan, sige ba ano bayun?" Nakangiting sabi nya sa akin.

"Hmm ipapakilala na kita sa parents ko ngayon ^_^" Masayang pagbalita ko sa kanya.

"Ahm ano kasi babe" Nagdadalawang-isip na sabi nya. Kaya bahagya akong nalungkot.

"Hayss sige na nga, matitiis ba naman kita?" Paglalambing nya sa akin.

"Talaga?" Biglang nagliwanag ang mukha ko.

"A huh" Nakatangong sabi nya.

"Awit thank you babe, i love you ^_^" Sabi ko at hinalikan sya sa lips.

"I love you too" Sabi nya ng matapos ko syang halikan at hinalikan nya ulit ako.

***

"Ahm sis, ipapakilala kona sayo yung boyfriend ko" Medyo excited na sabi ko kay kambal Velyn, ala kasi ngayon yung parents namin nandoon sila ngayon sa probince namin at bukas pa sila makakauwi, kaya hindi kopa mapapakilala sa kanila si Aeron, kaya kay Elyn ko muna ipapakilala at andito kami ngayon sa park. Dito kasi namin napag-usapan ni Aeron na ipakilala sya sa magulang ko, but ala pa sya. On the way palang daw.

"Totoo Elyn?" Di makapaniwalang sabi nya.

"Uh uhm" tumatangong nakangiting sabi ko.

"Awit excited na akong makilala boyfriend mo Kambal Elyn" Hinawakan nya pa ang kamay ko ng sabihin nya yan.

"Awit ako din hihi" Sabi ko at maya-maya lang dumating na si Aeron.

Ngiting-ngiti kong kinalabit ang kambal kong si Velyn na nakatalikod ngayon para humarap at makilala nya na si Aeron. Nakangiti ng humarap si ate kay Aeron but unti-unti itong nabura ng tuluyan na nyang makita si Aeron, para syang nakakita ng multo dahil sa reaction nya.

"Magkapatid kayo?" Naguguluhang tanong ni Aeron na sya ding nagpagulo sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ding sabi ko samantalang si kambal Velyn diparin makakibo.

"Sya" Biglang turo ni Kambal Velyn kay Aeron.

"Anong sya? Magkakilala ba kayo? Ow please someone tell me!" Sobrang naguguluhang sabi ko.

"S-sya ang bo- boyfriend ko" Nanginginig na sabi ni Kambal Velyn na syang nagpawala ng lakas sa akin.

"Nagbibiro kalang kambal diba? Diba? Sabihin mo kambal" Nanghihinang sabi ko.

"I'm not, Si Aeron din ang boyfriend ko Elyn" Mahinang sabi ni Kambal.

"A-Aeron, p-pinagsabay moba k-kaming dalawa?" Nahihirapang tanong ko kay Aeron na ngayon ay di makapaniwala sa nangyayari.

"I'm sorry" Umiiling na sabi nya na nakuha ko kaagad ang ibig sabihin.

"Y-you can g-give up him right?" Nanginginig na tanong ko kay Kambal na ngayon ay umiiyak na.

Alam kong selfish na hilingin ko sa kanya pero hindi ko kayang igive up nalang ng ganon si Aeron.

"I'm s-sorry Elyn b-ut i love him" humagulgol na sabi nya na syang nagpanganga sa akin.

"A-Aeron, Sino ba talaga ang m-mahal mo sa a-aming d-dalawa?" Umiiyak na nilapitan ko si Aeron at hinawakan ang kamay nya dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.

"I'm sorry Elyn but bago pa naging tayo, kami na ni Velyn" Nakayukong sabi nya.

"T*ngna ka walang hiya ka, all this time ginawa mo akong kabit?" Galit na di makapaniwalang sabi ko at pinaghahampas ang dibdib nya.

"Ikaw naman ATE isa kang malaking G*ga, mas pinili mo pa iyang lalaking yan kesa sa akin" Diniinan ko ang salitang Ate para marealize nya na hindi kami kambal, dahil simula ngayon ang kapatid ko ay kaaway kona.

A/N

Let me know your opinion:)

The Collection Of My One ShotsWhere stories live. Discover now