CHAPTER 2

258K 7.6K 2K
                                    

"Goodmorning, Ma'am," pakinig kong bati ng mga empleyado sa unahan dahilan para mapaangat ang paningin namin ng mga kasama ko.

Achetbir's grandmother is walking towards our table. Agad kaming tumayo nang nakalapit s'ya sa amin at bahagyang yumuko.

"Goodmorning, Ma'am," magkakasabay na sambit namin nina Serah at Feya saka inangat ang paningin sa kanya.

Ngumiti ang ginang at sinenyasan ang dalawa kong kasama na umupo.

"Busy ba ang aking apo, hija?" maamong tanong niya sa 'kin.

"Ahmm. Hindi po masyado, Madam," magalang na tugon ko.

Nagawa pa nga akong ipatawag para lang makipagtalik. Iniwasan kong mapangiwi dahil doon.

"Okay. Thankyou." Tipid s'yang ngumiti at saka tumalikod para maglakad patungo sa opisina ni Achetbir.

Marahan akong yumuko at nagpakawala ng hininga. Achetbir's grandmother is kind. Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan kapag nagkakaharap kaming dalawa. Pakiramdam ko'y anumang oras ay pupwede kaming mahuli ni Achetbir.

"Ang bait talaga ni Madam, ano?" chika ni Feya.

Napangiti ako at tumango bilang pagsang-ayon.

"Feeling ko nga paboritong-paborito ka niya, Jandie," wika naman ni Serah.

My lips twitched because of that. "Bakit naman? Paano mo nasabi?" tanong ko at pinagpapatas ang mga papeles na nasa desk ko sa dapat nilang kalagyan.

"Hala siya. Hindi mo pansin 'te? Palaging nagniningning ang mga mata niya sa tuwing kausap ka," eksahiradang tugon ni Serah.

I rolled my eyes and looked at her. "Guni-guni mo lang iyon," tanggi ko kahit ang totoo ay napansin ko rin 'yon.

Kaya naman matindi ang takot ko na mahuli kami ni Achetbir dahil baka magbago ang pakikitungo ng ginang sa akin.

"Tss! Pero kung ano'ng ikinabait ng turing sa iyo ng lola ni Sir, gano'n naman kahigpit galing sa nanay niya. Grabe, iniisip ko pa lamang siya naninindig na ang mga balahibo ko." Si Feya habang hinahaplos ang braso niya.

Sabay kaming tumawa ni Serah.

Achetbir's mother is kinda intimidating. Sa tingin pa lamang na ibibigay niya sa iyo ay tila nagsasabi na ayaw niya ng maling kilos sa kanyang harapan. Malamig at walang emosyon din siya kung magsalita, bagay na namana ni Achetbir sa t'wing ibang tao ang kaharap niya.

"Oh! Miss Patriza is also here," untag ni Serah habang nakatingin sa unahan.

Sabay kaming tumingin ni Feya roon. With her slender body, she's confidently standing outside Achetbir's office. Astang papasok pa lamang.

"Napakaganda talaga ni Miss, ano?" naroon ang pagkamangha nang itanong iyon ni Feya.

"Yeah, bagay na bagay talaga sila ni Sir. What do you think Jands?" Serah asked for my opinion.

Pilit akong ngumiti at ibinalik sa trabaho ang aking atensyon nang nakita ko ang pagpasok ni Miss Patriza sa opisina ni Achetbir. Tila may natapon na pait sa sistema ko at mabilis iyong kumalat sa bawat sulok ng aking katawan. Ganito palagi ang nararamdaman ko sa tuwing may mga babaeng tinitingala para kay Achetbir.

"Yeah," tipid kong tugon.

Isa si Patriza sa matunog na nali-link sa kanya. Madalas kasi siyang yayain ng nanay ni Achetbir sa mga family gatherings nila. Bukod doon ay talaga namang bagay silang dalawa. Isang maganda at isang gwapo, mayaman para sa katulad niya ring mayaman.

Bagay na wala ako.

Hindi ako pangit, ngunit hindi rin naman sobrang ganda. But Patriza is the total opposite of me, she's indeed perfect. Hindi kataka-taka na isa siyang sikat na modelo ng sarili niyang clothing brand.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon