CHAPTER 18

208K 6.4K 2.2K
                                    

(WARNING: SLIGHT SPG AHEAD, OO SLIGHT LANG 'WAG DEMANDING)

"Hindi n'yo naman po ako kailangang samahan, Sir. Baka po kailanganin kayo sa kumpanya," bulong ko kay Achetbir nang nakaupo na kami sa loob ng sasakyan.

Magkatabi kami sa dulong upuan ng van na nirentahan niya samantalang nasa unahan naman namin ang aking ina at kapatid.

"Stop it, Miss Mendoza. I already have my decision,"  mariing wika niya.

Napabuntonghininga na lang ako at wala nang nagawa pa.

"Naku! Hijo, salamat talaga ng marami sa pag-aasikaso sa 'kin, napakalaking abala na nang idinulot ko sa 'yo," saad ni inay sa unahan habang nakasilip sa 'ming direksyon.

Tipid na ngumiti si Achetbir at umiling ng kaunti. "Okay lang po, masaya po ako na nakatutulong sa inyo," aniya.

Napanguso ako at napatingin na lamang sa labas ng sasakyan nang nagsimula iyong umandar.

Pambawi niya lang 'yan, inay, sa mga pahirap niya sa 'kin sa opisina. Untag ko sa aking isip at napangiwi.

"Napakabait mong bata, hijo. Nawa'y makatagpo ang aking anak ng lalaking katulad mo," sambit ni Inay.

Napatuwid ako ng upo at tumikhim para mawala ang bumabarang hangin sa lalamunan ko. Tumingin naman sa akin si Achetbir at pinagtaasan ako ng kaniyang kaliwang kilay. Mabagal niyang dinilaan ang ibaba niyang labi at muling tumingin sa aking ina.

"Wala po bang nobyo na ipinapakilala sa inyo si Miss Mendoza?" pang-uusisa niya.

Nanlaki ng bahagya ang aking mga mata at nagsimulang mamawis ang aking kamay sa kaba.

Letche ka talaga Achetbir! Pasalamat ka break na tayo kaya hindi kita ma-under ngayon.

"Wala po, kuya. Magmamadre 'ata ang isang 'yan," pagsagot ni Blair sa kaniyang tanong.

Achetbir chuckled sexily and leaned on his seat. Ang kanyang hita ay magkapatong na nakakrus habang naglalaro naman ang kaniyang daliri sa ibaba ng kaniyang tuhod na animo'y natutuwa sa naririnig. Freak.

Marahan siyang humarap sa 'kin at umismid. "Totoo ba, Miss Mendoza?" painosenteng tanong niya at pasimpleng ibinaba ang paningin sa aking tiyan.

"H-Hindi pa ako handa para roon," sagot ko sa ligtas na paraan at itinuon muli sa labas ang aking paningin.

Narinig ko ang kaniyang pagtawa. Wala na namang umimik pa at nagkaroon na lang ng sari-sariling mundo. Ilang saglit pa ang lumipas ay nahigit ko ang aking hininga nang naramdaman ko ang braso ni Achetbir sa likod ng aking inuupuan kasabay ng bahagya niyang paglapit sa 'kin.

"So, you're also hiding your guy from everyone," he whispered.

Napalunok naman ako at pasimpleng binantayan ng tingin ang aking ina at kapatid na nasa unahan.

"Don't meddle with my personal life, Sir." Pilit kong pinatatag ang aking sarili sa kabila ng nakakapanlambot niyang presensya.

"Hmm, why are you so stiffed, Miss Mendoza?" mapaglarong puna niya sa 'kin at mas lalo pang inilapit ang kaniyang mukha sa bandang leeg ko.

"Achetbir..." mahinang suway ko kasabay ng aking mariin na pagpikit.

"Mayroon din akong nabasa sa internet na nakakapagpabagabag sa 'kin ng husto. I wonder if it's real," he mumbled, then moved closer.

Hindi naman ako nakaimik dahil mas kinakain ako ng kaba sa paglapit ng katawan niya sa 'kin. Idagdag pa ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum