CHAPTER 4

216K 6.8K 4.6K
                                    

Kunot-noo akong pumasok sa 'ming departamento dahil sa maiingay na bulungan ng mga empleyado. Malamang sa malamang ay tungkol sa paghalik ni Patriza kay Achetbir kahapon ang kanilang pinag-uusapan ngayon. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaunting inis dahil doon.

"Nabalitaan mo ba?" agad na salubong na tanong sa 'kin ni Serah kasabay nang paglapit ng upuan nila sa pwesto ko.

I automatically raised an eyebrow. Still suppressing my annoyance. 

Hindi pa ba sila nananawang pag-usapan ang dalawa?

"Wala akong panahon d'yan, Serah. Marami akong reports na gagawin ngayon," nakangiwing sagot ko.

Mahina niya akong binatukan kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakuha naman agad nang naglalakad na si Achetbir ang aming atensyon. Mas malamig ang kanyang ekspresyon kaysa sa normal niyang pinapakita sa araw-araw, bagay na ipinagtataka ko. Ang kaninang maiingay na bulungan ng empleyado ay biglang tumahimik sa isang iglap.

Ano'ng nangyari sa isang 'yon? Kanina lang ay ayos siyang umalis ng condo namin.

Nakita ko ang paninitig niya sa 'kin at saka pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Mabilis na dumikit muli ang dalawa kong kaibigan sa akin. Animo'y napakahalaga ng kanilang sasabihin at hindi ko iyon pwedeng palampasin.

"May girlfriend daw si Sir Villa Forca," bulong na anas ni Feya.

I rolled my eyes, mentally.

Yeah, I expected that news. Kahapon pa.

"Oo nga, girl, at alam mo ba kung ano'ng malupit?" pagsegunda ni Serah sa sinasabi ni Feya.

"Ano?" tamad kong usisa at isinalansan ang mga aasikasuhin kong papeles.

"Isang empleyado ang girlfriend niya!" they both exclaimed with their low-pitched voice.

Awtomatiko kong nabitiwan ang mga hawak kong papel dahilan para bumagsak ang iba sa sahig. 

Ano? Tama ba ang narinig ko?

Gamit ang nangangatal kong kamay ay dali-dali kong pinulot ang mga nahulog na papeles. Ang dibdib ko ay panay ang malalakas na kabog habang pinagpapawisan ako nang malapot sa kaba. Para kong nahihilo sa iba't ibang senaryo na pumapasok sa isip ko.

"Ayy! Taray ng reaksyon 'te. Shookt na shookt lang?" panunuya ni Feya.

"Tingnan mo pati ikaw hindi makapaniwala ng husto," puna ni Serah.

Alanganin akong tumingin sa kanila at mariing napalunok.

"S-Sino raw?"

Magkasabay na nagkibit-balikat ang dalawa. Pare-pareho kaming napatingin sa unahan nang dumating ang nanay ni Achetbir kasama si Patriza. Naunang pumasok ang nanay niya na sinundan naman ng dalaga, bahagya pa n'yang pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan kong empleyado at pasimpleng umirap bago tuluyang pumasok sa loob.

"Mukhang lumalabas ang tunay na ugali," pamumuna ni Serah kasabay ng kaniyang pag-irap.

"Nate-threaten ang ate mo," usal ni Feya at magkasabay silang bumungisngis.

Ako naman ay nananatiling mabilis ang kabog ng dibdib dahil sa ibinalita nila sa 'kin.

Paano kumalat ang tungkol sa amin ni Achetbir?

Miss Mendoza, come here at the office. Now.

Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa pagtawag niya sa 'kin.

What is he doing? Alam niya naman na kasama niya ang nanay at babaeng nali-link-in sa kanya.

"Kakaiba rin talaga si Sir, ano? Biruin mo naiisyu na hindi pa rin nakakalimutang manermon ng tauhan," asar na wika ni Serah at bumalik sa kaniyang pwesto.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now