CHAPTER 12

192K 6.5K 1.5K
                                    

"Ano'ng trip mo?" nakangiwing tanong sa akin ni Serah.

"Gan'yan ka pala magbuntis, Jandie," segundang wika ni Feya.

Napahagikhik pa silang dalawa at nag-apir sa isa't isa.

"Sige na, hindi na namin ang babasagin 'yang trip mo. Sabihin mo na, it's a prank!" tumatawang panunuya ni Serah.

I rolled my eyes at them and got my phone out. Nagpatuloy sa tawanan ang dalawa habang ako naman ay busy sa pagkalikot ng aking telepono.

"Sige na kasi, Jandie, share mo na sa 'min kahit hindi mo kilala, gusto lang naman namin malaman," usal ni Feya.

I gave out a deep sigh and faced my phone at them. Tiningnan naman nila iyon hanggang sa unti-unting namilog ang kanilang mga mata kasabay nang pag-awang ng kanilang bibig.

"Hindi edit 'to, girl?" Serah asked and snatched my phone.

Patukoy sa litrato namin ni Achetbir na magkasama sa aking gallery.

Inirapan ko naman s'ya ng tingin at bumalik sa aking ginagawa. "Scroll niyo lang patagilid," ani ko.

Tutok na tutok ang kanilang paningin sa telepono ko na animo'y bata na ngayon lang nakakita ng kendi sa talang buhay nila.

"What the fvck?!" pagmumura ni Feya kasabay nang pag-play ng isang video.

"I love you..."

It was Achetbir's baritone voice. Natigil ako sa aking ginagawa at tumingin din sa kanilang pinapanuod. Abo't abot ang kabog ng aking dibdib sa narinig lalo na noong nakita ko ang video sa aking cellphone. Hindi ko alam 'yon, madalang lamang ako maglikot sa aking gallery kaya hindi ko alam na may ganito.

My mouth parted as I saw the video, it was the day before we broke up. Mahimbing akong natutulog sa kanyang dibdib habang nakatutok sa kaniya ang camera.

"I love you, babe. I hope that someday you'll be able to tell the world how much you love me too. Mahal na mahal kita," he said to the camera while staring at my peaceful face.

He moved slowly to kiss my forehead and hugged me tight as the video ended.

"Ayos ka lang, Jands?" nag-aalalang tanong sa akin ni Serah sabay haplos sa aking likod.

Doon ko lang namalayan na lumuluha na pala ako habang pinanunuod ang video. Pakiramdam ko ay may malaking bato na humarang sa lalamunan ko na pumipigil sa 'king magsalita. Ang bigat ng dibdib ko at parang tinutusok hanggang kasukdulan ang puso ko.

"Everything will be okay, Jandie," Feya said and embraced me. 

Ganoon din naman ang ginawa si Serah.

"A-Am I cruel?" I asked.

Humiwalay sila sa akin at pinunasan ni Serah ang luha ko. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti at tinapik ang aking balikat. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo pero alam ko naman na hindi ka gagawa ng isang desisyon kung para lamang 'yon sa sarili mo," aniya.

Sunod naman na tumapik sa aking balikat si Feya. "Sa ilang taon nating magkakasama rito sa kumpanya, ikaw pa lang 'ata ang nakilala kong hindi nagdamot o kumilos na para lang sa sarili. Kung anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, malalampasan mo rin 'yan," pagpapalubag niya sa aking loob.

Kahit papaano ay umayos ang aking pakiramdam. Gano'n na nga lang siguro nakatutulong ang mga salita nila para mapagaan ang loob ko. Hindi man nawala ang problema ko ay nabawasan naman ang bigat niyon kahit papaano. Muli kong naalala ang dahilan ko kung bakit nangyayari ito sa amin, 'yon ay para sa kapakanan ni Achetbir.

Alam ko, hindi lahat maiintindihan ang ginawa ko. Hindi lahat papabor sa desisyon ko. Baka nga sa sampong tao ay isa lamang ang makaintindi sa akin dahil iisipin nilang madali lang ilaban ang relasyon namin ni Achetbir. 

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now