ঔৣζ ıı | ɖųơ

359 107 374
                                    

ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ঔৣζ

It has been nine years since the start of the downfall of Emphíre Asia Corporation. And this time, approximately two months had passed after the death of Nipeus Gorgei Zuares Regulus.

A twenty-two-year-old man standing in front of a mirror was adjusting his crimson red medallion silk tie. He was wearing a jet black jacket and a clean white shirt underneath it. His trouser was the same hue as his jacket and the derby shoes he's wearing.

Upon fixing his tie, the young man stare at his reflection. Particularly at the irises of his eyes. Surrounding his dim-colored pupil, one will found a lone pair of the rare pigmentations of the irises in the world. A treasure that was passed down to him by his father.

While staring at his hazel-colored eyes, he was then reminded of his late father's last words.

Bring back Emphíre Asia Corporation to its peak no matter what.

Ever since his father uttered those words, it has been engraved both in his mind and soul that he will surely carry out his father's last wish.

"I'll do it, Papa. Like you said. No matter what," the young man smilingly whispered with conviction at his own reflection.

Ipinanganak at lumaki si Dimenus Niri Regulus sa isang prominenteng pamilya. Mula pagkabata ay minulat na siya ng kanyang mama't papa sa pamumuhay ng mga mararangya at ang kaakibat nitong responsibilidad habang siya ay tumatanda.

Alam ng binata na darating ang araw na kailangan niyang tumayo sa sariling mga paa nang walang umaagapay na mga magulang. Na sa murang edad ay dapat na niyang simulang aralin at makibagay sa pamumuhay ng mga negosyanteng nakapaligid sa kanila tulad ng kanyang pamilya.

Tanggap at matagal nang hubog si Niri para rito. Ngunit ngayon lang niya lubos na nararamdaman ang lahat sapagkat wala na pareho sa tabi nila ang kanilang mama't papa.

"Kuya, I'm done. Shall we go?" anyaya ni Caspian nang silipin niya ang kanyang nakatatandang kapatid.

Bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Niri at naka silip doon ang kanyang nakababatang kapatid.

Si Caspian Caelus Regulus ay labing anim na taong gulang na noong taong iyon. Kung sa tangkad lang pagbabasehan ay hindi mahahalata ang kanyang tunay na edad. Halos tatlong pulgada na lamang kasi ay mapapantayan na niya sa taas ang kanyang nakatatandang kapatid.

Kung nakuha ni Niri ang irises ng kanilang ama, namana naman ni Caspian ang tangkad niya sa kanilang ina.

Ngumiti si Niri sa kanyang nakababatang kapatid at sinabing, "Sige, tara na."

Sabay silang naglakad palabas kung saan naghihintay ang kanilang sundo.

Masiglang bumabati ang mga nadadaanan nilang kasambahay. Wala silang mga katulong noong nabubuhay pa ang mag-asawang Regulus. Ngunit dahil sa kapwa abala ang magkapatid na maayos ang pagpapatakbo ng Emphíre Asia Corporation, naisipan ni Caspian na i-suggest kay Niri na kumuha sila ng makakatulong sa bahay upang sa gayon ay maibsan ang kanilang gawain.

"Anong ganap ngayon, kuya? Do we need to call the executive committee? Or should we debug all of those viruses in our company?" masiglang umpisa ni Caspian sa kanyang kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mortis Marcam Caritas ⋮ ꜱᴏᴏɴ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon