WPA 10 SHE'S CRYING

169 15 2
                                    

Niyana's POV

Nakauwi nako ng bahay, grabe wala naman ako pinag gagawa pero feeling ko napagod ako. Ano namang gagawin ko sa boracay bukas, bat kasi kelangan kasama pako. Tsk

"Oh ate kamusta," Walang ganang bumungad sakin ang kapatid ko.

"Ayos naman, bat ang lungkot mo ata?"

Tumingin sya sakin saka nagsimulang mamuo ang luha sa mata nya. Ang babaw talaga ng luha nya.

"bakit?" tanong ko

"Ate" pinahid pahid nya yung luha gamit kamay. "Sabi ni Auntie Farrah, kukunin nadaw nila yung bahay"

"Aling bahay?"

"ito"

"A-ano?!"

Si auntie farrah ay ang nanay ni farren na nasa ibang bansa.

"Baket nyadaw kukunin to? e eto nalang iniwan satin nila mama ah" Tinignan ko ang bawat sulok ng bahay. Bawat sulok rito ay may alaalang iniwan nila mama, may ala ala naming pamilya. Isang masayang pamilya.

"Ma-may malaking utang daw kasi sila mama sa bangko ate"

"Ano!? edi babayaran ko maghintay lang sila."

Hays ang dami kong problema tapos dumagdag nanaman. Iniisip ko kung may balat bako sa pwet, pero wala naman. Bat naman kasi pati bahay gusto ipakuha ni Auntie, minsan nagtataka ako kung magkapatid ba talaga sila ni mama dahil sa sobrang layo ng ugali nila sa isa't isa.

"Pero ate--- ang dami pa nating babayaran *Sniff*, tingin ko wala na tayong magagawa" Napahagulgol na si nicole sa iyak.

"Wag ka ngang mag salita ng ganyan, may trabaho na ako ok?" Niyakap ko sya at saka pinatahan. Kaming dalawa nalang ang magkatuwang sa buhay kaya kailangan namin ang suporta ng isa't isa.

"Kahit ata magtrabaho ka magdamag *sniff* hindi mo parin mababayaran yon eh *sniff* million daw yon e." Humahagulgol padin sya sa balikat ko. "Dalawang buwan lang daw bibigay nilang palugit. Kelangan natin mabayaran yon ate"

"Shh, gagawa ng paraan si ate, ha?" hinagod hagod ko ang likod nya hanggang sa makatulog sya. Maski ako ay hindi ko alam ang gagawin. Kung ano ang plano ni lord saamin ay bahala na.

Inayos ko lang ang gagamitin kong maleta para bukas at natulog nadin, nasanay na kami ni nicole na hindi kumakain ng hapunan, ewan ko din kung bakit pero nasanay na e.

,-------,

*TIKTILAOK SABI NG MANOK GISING GISING YANANG TULOG*

*TIKTILAOK SABI NG MANOK GISING GISING YANANG TULOG*

*TIKTILAOK SABI NG MANOK GISING GISING YANANG TULOG"

Napangiti ako ng marinig ang magandang boses ni mama na paulit ulit. I miss you ma.

O_-

Time check: 6:30AM

O_O

Kurap kurap

Waaaahhh! 8am ang flight koo!! 7am ang calltime.

Dali dali kong tinanggal lahat ng kumot na nakabalot sakin. Nalaglag ako sa kama ng hindi ko napansing nasa dulo nako.

Napahawak ako sa balakang kong tumama. "Ahh sheeeeeettt, ansakeet aysh" tumayo ako at dumiretso sa cr, naligo, nagtoothbrush at nagayos lang ako ng damit. Simpleng over size tshirt, jean pants at high cut boots lang ang suot ko.

WANTED: PERSONAL ASSISTANT || EnhypenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon