WPA 11 BORACAY

174 17 1
                                    

Sunghoon's POV

Hindi ko alam kung bakit ayaw ako tigilan ni erica, pinilit ako ng pinilit na tabihan ko sya, kahit obvious naman na ayaw ko sya katabi o maski kausap.

Sa huli wala din akong nagawa, pinaka favorite na producer ni mama si erica kaya ganon ganon nya nalang napapayag.

"Sunghooniee," malambing na tawag nya, sa bintana lang ako nakatingin "Tabi uli tayo sa eroplano ah. Sige na"

Tinigan ko lang sya at binalik uli ang tingin sa bintana. Tch wala naman akong pake sa kanya, ok lang kahit saan ko pa sya tabihan. Kahit nga ata maghubad sya sa harap ko wala akong pake.

May narinig akong ingay mula sa likod, kung saan nandon ang mga kamember ko kaya sumilip ako. Nakita ko si sunoo na nasa harap ng isang babae. Natatakpan sya ni sunoo kaya hindi ko makita.

Nakita ko si jay at jungwon na biglang humarap don sa babae kaya mas lalo syang natakpan, pero hinawi nya yung dalawa.

Umalis si sunoo at nakita ko kung sinong babae yon. Tss nagpapahid sya sa pisngi nya at saka tumulala.

'Umiiyak basya? bakit sya umiiyak?'

Napatayo ako at tinignan kung pinagtripan ba sya nung dalawang katabi nya, pero mukang wala namang pake yung dalawa sakanya.

Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sakin kaya umupo nako. Kinakabahan ako palagi kapag titingin sya sakin. Badtrip

Umandar na ang bus, gusto kong matulog kahit saglit kaso kung ano anong pagkain ang inaalok nitong katabi ko. Kung ano ano pang sinasabi.

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ng babae ay yung madaldal, ang lakas makaturn off non para sakin.

Hanggang sa makarating kami sa airport, wala manlang akong ligtas sa kaka kuda nya. Pesteng yan

Hanggang sa pagpasok sa airport ay panay padin ang salita nya, tang*na

"Tapos hindi pasya umuuwi, pati yung aso ko na nalaglag sa pool ayo------"

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sakanya.

"Can you pleasee shut the fuck up!!!?" Medyo napalakas kong sabi

Hindi nya natapos ang sasabihin ng sigawan ko sya sa muka. Pinagtinginan din kami ng ibang tao, pati si mama ay napahinto at napatingin din sakin.

Napayuko ako ng makitang sinisilip silip ako ng mga tao sa suot kong mask at sumbrero. Pag ako nakilala nitong mga to lagot ka sakin erica silva.

"Ahh sorry john, hindi ko naman sinasadya hehe"

Nagulat ako ng biglang pumunta sa harap ko si yana mula sa likod ni erica. Inayos ayos nya yung polo, mask at sumbrero ko at ngumiti na halata namang pilit.

Tumingin sya sakin at saka don sa mga sumisilip silip sakin

"I'm sorry for what he did, it's my fault." Nginitian nya lahat ng tumingin at tinango tanguan naman sya ng mga to. "You don't need to shout john" Balik nya sakin. Hinila nya ang necktie ko tsaka bumulong.

"Sa susunod, alalahanin mong sikat ka para hindi ka mapahamak. Muntik kana don"bulong nya. Ngumisi sya at tinap ang balikat ko.

ano namang pake nya kung mapahanamak ako? tch, ibang klase!

WANTED: PERSONAL ASSISTANT || EnhypenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon