6

19.4K 496 16
                                    


MULA sa pagtuturo sa mga batang kindergarten ay natuon ang paningin ni Chantal sa may pinto ng silid na iyon ng montessori. Hindi niya kilala ang lalaking nakatayo roon. He was smiling at her. A handsome man in his... forties? Ama kaya ito ng isa sa mga bata?

Sanay na siyang may mga magulang na naghihintay sa labas ng schoolroom. Subalit wala ang mga iyon sa mismong pinto ng silid kundi sa may paikot na upuan sa ilalim ng punong sampalok sa loob din ng compound ng kindergarten school.

But he didn't look as if he was one of the parents. Hindi ito ang uring nagtatrabaho sa bukid o sa alinmang public office sa karatig-bayan. He had fair skin na inisip niyang sa kaputian ay maputla na yata.

Lumakad siya patungo sa pinto and gave him a warm smile. "Good morning... anak n'yo ba ang isa sa mga batang naririto?" Nilinga niya sandali ang mga batang nagkakagulo at muli ring ibinalik dito ang atensiyon.

Napakamot ito ng batok and smiled boyishly. And Chantal realized that the man wasn't as old as she first thought.

"Ako nga pala si Quinn... Quinn Borromeo," pakilala nito at inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya.

His grip was warm and friendly and didn't take longer than necessary. Kaibang-kaiba sa mga lalaking nagpapakilala sa kanya na pinipisil pa ang palad niya at naghahatid ng seksuwal na motibo. Kabilang na roon ang ilang mga lalaking sumusundo sa mga bata, ama man iyon o kamag-anak kapag ipinakilala sa kanya.

"Hindi pang-Miss America ang beauty mo, Chantal," ani Helen, ang best friend niya, kapag nagrereklamo siya sa pagnanasang hantarang ipinahihiwatig ng mga lalaki. Isa itong pharmacist sa botikang pag-aari ng pamilya nito. "Pero ang lakas ng sex appeal mo. Karaniwan na'y ang kama ang iniisip ng mga lalaki kapag tinititigan ka.

"Pero ni hindi nga ako voluptuous!"Isang tawa ang pinakawalan ni Helen. "Hindi naman kailangang malaki ang boobs mo o nagmumura ang balakang mo para ka matawag na sexy. Ikaw, talaga, napakanene mo pa. Konserbatibo ka kasing masyado."

Ang lalaki sa harap niya'y tumikhim at napangiting ibinalik ni Chantal ang atensiyon dito. Why, she instantly liked him.

"Nice meeting you, Quinn... ako naman si Chantal Cheng..."

"Chinese. That explains those exotic oriental eyes..."

She laughed softly. The compliment was honest and sincere and without hidden malice. Hindi niya iyon ikinairita. "Ang great grandfather ko ang lehitimong Chinese. He married a Filipina and they had a son, my grandfather, na hindi ko na nagisnan." She rolled her eyes and laughed. "Ikinuwento ko na sa iyo ang talambuhay ko."

He grinned, and she almost thought that his skin was as white as his teeth. "Do you speak Chinese? Mandarin kaya? I knew some few phrases..."

"Mabuti ka pa," she said smiling, noticed that he had a cultured voice. "Ako'y hindi naturuan ng Papa. Sino nga pala sa mga pupil ko ang anak mo?" muling tanong niya at pagkuwa'y agad na binawi ang sinabi. "Oh, I'm sorry. Wala nga pala akong pupil na Borromeo ang apelyido. May... pamangkin o kamag-anak ka sa mga bata?"

Umiling si Quinn. At itinaas nito ang kaliwang kamay na noon lang niya napunang may hawak na dalawang maninipis na mga colored books.

"Gusto ko sanang... ialok sa iyo ang mga librong ito. Puwede mong gamitin sa mga bata...""Oh." Kinuha niya ang isa sa dalawang children's book. Binuklat-buklat iyon... sandaling dinaanan ng mga mata. Wala iyong ipinagkaiba sa mga children's book na nakikita niya. But of course, she couldn't say that. Talaga namang pare-pareho ang mga children's books. Kaya lang mahal ang iba'y hardbound at foreign authors.

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon