10

18.3K 584 60
                                    


TREMBLING a little, palihim na sinulyapan ni Chantal si James. He really had an arresting face. His eyebrows were darker, and he had sculpted cheekbones, his jaws hard, and his mouth appeared cruel and blatantly sensual.

Pagkuwa'y maingat niyang pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigil sa dibdib. Ilang sandali na lang at matatali na ito sa kanya. Matatali ito sa isang kasal na walang pag-ibig. And did he hate her because of that?

Sa sandaling iyon ay pumasok sa isip niya ang ex-fiancee nito. Naikuwento iyon ni Quinn sa kanya sa unang linggo ng pagsasama nila. At hindi niya pinagtakhang tuwina'y ang nakababatang kapatid nito ang topic nila. Una pa man niyang makilala si Quinn ay hindi miminsang binabanggit nito ang kapatid.

Na muntik nang magpakasal si James sa kasintahan nito. Katunayan ay nailathala na sa mga peryodiko ang tungkol sa kasal. Subalit nabalitaang sumama at nagpakasal sa ibang lalaki ang babae sa ibang bansa nang malamang hindi na aktibo ang Rancho Navarro. At ipinahiwatig ni Quinn na labis na nasaktan si James sa nangyari.

Hindi makuhang isipin ni Chantal na may babaeng magagawang ipagpalit si James sa iba. May pananaghili sa tinig ni Quinn sa tuwing nagkukuwento ito ng tungkol sa kapatid. Pero naroon din ang pagmamalaki. Lalo na sa bahaging itinayong muli ni James ang papaluging rancho. Na deretsahang hiningi nito kay Alvaro ang bahagi ng mana sa Alta Tierra right after his graduation. Ikinagalit ni Alvaro ang ginawang iyon ni James dahil buhay pa ito para mamahagi ng mana.Subalit napilitang ibigay ni Alvaro ang hinihingi ng nakababatang anak dahil karapatan nito iyon bukod pa sa udyok na rin nina Franco at Beatriz. At ganoon na lamang ang gulat ng lahat nang malamang iyon ang ginawang collateral ni James upang makapangutang ng salapi sa bangko. Iyon at ang salaping mana nito mula kay Franco at Beatriz ay ginamit nito upang iahong muli ang Rancho Navarro.

Nang malaman at makita ni Franco ang ginawa ng apo ay pinagpilitan nitong pahiramin pa si James ng karagdagang salapi na ginamit naman nito upang makapagpatayo ng rum distillery sa Sto. Cristo.

Three years later, James Navarro earned his first millions at the age of twenty-six. The distillery business prospered.

"I am not a businessman, Chantal," Quinn said with sadness and regret. "All my life, I have wanted to please my father but failed. Ni hindi ko nagawang pamahalaan ang rancho. I love to draw and create stories for children..."

"While I look like my father; James was the spitting image of my grandfather in looks, business acumen and ambition. He was not even twenty-three yet when he took over at muling inangat ang pabagsak na negosyo at kasabay niyon ay ang pagtatayo ng panibago. My grandfather supported him every step of the way. I envy him... iyon ang naging advantage ng ginawa sa kanya ni Sylvia, ang patunayan ditong nagkakamali ito sa pagpapakasal sa ibang lalaki. Yet I do not like the man he became after Sylvia left him with another man. Sylvia contributed to the hurt he..."

Hindi tinapos ni Quinn ang salitang iyon. At sa pananatili ni Chantal sa Alta Tierra sa nakalipas na buwan ay natiyak niyang si Alvaro ang tinutukoy ni Quinn. Alvaro favored his eldest son.

Sa tuwing nag-uusap sila ni Alvaro ay walang bukambibig ito kundi si Quinn.Looking at the man who would be her husband any moment, hindi matiyak ni Chantal kung ano ang dapat na maramdaman.Isang banayad na siko sa tagiliran niya ang nagpapitlag sa kanya. James bent and hissed into her ear. "Pakinggan mo ang sinasabi ng nagkakasal!"

"Chantal Cheng, do you take James Navarro as your lawful husband?" tanong nito na marahil ay sa ikalawang pagkakataon.

"I... I do," she said almost in a whisper. Gusto niyang matunaw sa kahihiyan dahil sandaling dumaan ang tingin ng nagkasal sa kanya sa nakakunot na noo. At sa sulok ng mga mata niya'y nakita niyang nakalingon sa kanya si Nayumi."I now pronounce you man and wife," wika ng marriage celebrant. "You may now kiss the bride, James..."

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon