28

21.4K 658 144
                                    

****************************Mga beshie pa-subscribe naman ako ng channel ni sir Jun (Kuya Jun) (Publisher ni mga stories ni Ms. MC)- PHR Boss .Pinost ko na sa taas para makita n'yo na agad. Baka matuwa siya sa atin at makapag-request na tayo na isend sa akin ang iba pang stories ni Ms. MC para marami-rami pa ang mga kwentong pagsasama-samahan natin. Pasensya na kung medyo demanding ako ngayon. Ngayon lang naman ako humingi ng favor eh at tsaka hindi naman ito para sa akin lang kundi para sa ating lahat na andito na nagbabasa ng mga stories ni Ms. MC. Sana pagbigyan n'yo ako at malay n'yo gusto n'yo pala ang mga kuwentong pambata . Thanks in advance sa mga nagsubscribe. Comment kayo kung tapos na kayo magsubscribe para sa inyo na ang mga susunod na dedications. Comment lang kayo dun sa huling pinost ko sa wall para hindi ako mahirapan maghanap ng pagdedicatan char hahahaha. Tsaka pag nagsubscribe kayo kiss ko na lang kayo char hahahaha. Papaubaya ko ang ibang KS Men ko. Si bibi Renz na lang ang maiiwan sa akin, gusto n'yo ba yun char hahahahaha.  Ang haba ng sinasabi ko sige ayun lang. Thanks sa inyong lahat. At baka matuwa ako bigyan ko kayo ng Kristine Books sa December kapag umabot na ng 1k likes subscribers ni sir Jun, magrerequest ako sa kanya ng bigyan nya ako ng mga books at isha-share ko rin sa inyo pang christmas gifts natin hahahaha. Sana all G kayo . Thank you and mag-ingat kayo always mga beshie. - Admin A *****************************************************************************************



"I SAW you and father talking. Kinakabahan akong baka sinabi mo sa kanyang hindi ka nagdadalang- tao..." ani James nang nasa daan na sila.Kunot-noong napatitig siya rito. Paano niya sasabihin ditong alam ni Alvaro na hindi siya talaga nagdadalang-tao nang hindi ito magagalit sa ginawa ng ama?

"Subalit nang paalis na tayo'y mahigpit niyang pinisil ang balikat ko. Almost as if he wanted to embrace me... And for the first time in my whole life he said something that really shocked me and both my grandparents..."

"Na mag-ingat ka sa pagmamaneho mo," aniya and smiled faintly. "Your father loves you, James," aniya. "Marahil ay iba lamang ang pamamaraan niya ng paghahayag niyon. Hindi marahil katulad ng paraan ng pagpapakita niya kay Quinn dahil ikaw iyong uri ng taong sa tingin ay hindi nangangailangan ng affection. You are so sure of yourself. A man of your own. But he loves you. Give him the chance."

Sandaling hindi kumibo si James. Nakatitig lang sa daan, his face thoughtful. Pagkuwa'y nilingon siya.

"He said something about going back to Alta Tierra and manage the ranch for me. Iyon ba ang napag-usapan ninyo?" Nagdududang nilingon siya nito.

"Nang makita mo kami'y nagpapaalam lang ako..." It was half-truth. "Pero okay lang ba sa iyo na bumalik ang papa sa rancho?"

"Okay? Lord, Chantal, I'll do anything in my power para lang makitang maging abala at masaya uli ang papa! He loved the ranch. Sa magkakapatid, siya ang ganoon katindi ang pag-ibig sa lupaing iyon. At nang iwan niya ito nang mamatay ang mama'y nakadagdag iyon lalo sa kalungkutan niya."

Tumango siya. At least, may unti-unting mababago sa relasyon ng mag-ama. At hindi niya kailangang sabihin dito ang iba pang mga sinabi ni Alvaro. James didn't love her. Kung sakaling nagagalit man ito kay Renz kagabi, it didn't mean he was jealous of his cousin. She was his wife at kahit na sinong lalaki ang lumagay sa katayuan nito'y magagalit din.

Kahit ang tungkol kay Renz ay hindi na kailangang malaman nito. Marahil ngayong alam na niya'y hindi na ipagpapatuloy ni Renz ang utos ni Alvaro.Muli'y nilingon siya nito makalipas ang ilang sandali, hinagod ng tingin sa suot niya. Then he smiled devilishly.

"I almost forgot to tell you that you look sweet and sexy. I couldn't wait to see you pregnant."

She blushed at umiwas ng tingin. Itinuon ang atensiyon sa labas ng sasakyan. Pagkatapos ng komentong iyon ay hindi na nagsalita pang muli si James. He was driving fast subalit kontrolado na hindi nakadama ng takot si Chantal. Hustong isang oras ay nasa bahay na sila. Sinalubong sila ni Adora na nauna nang umuwi umaga pa lang.

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon