34

19.5K 473 13
                                    


SA OSPITAL ay mabilis na inilagay sa stretcher si Chantal. Subalit nanatiling mahigpit nitong hawak ang kamay ni James. Fear in her eyes.

"Don't leave me... please!"

"It's okay, darling," James whispered tenderly. His eyes were both worried and comforting.

"Your wife's in hysterics, Mr. Navarro..." wika ng doktor. "I have to sedate her..."

Chantal cried her protest subalit agad na nasa tabi nito ang isang nurse at hinawakan ito sa braso. Ang heringgilyang inihanda ng doktor ay bumaba at tumusok sa braso nito. He could feel her grips on his arm.

He bent and whispered, "I won't leave you, I promise."

Humina nang humina ang mga hikbi nito hanggang sa tuluyan nitong ipikit ang mga mata.J

AMES watched her as she turned restlessly and tried to open her eyes. Niyuko niya ang asawa at hinaplos ng likod ng palad ang pisngi.

"James..." Ang unang namutawi sa mga labi nito.

"It's okay, sweetheart..." he said softly. Bent and kissed her lips.

"James..." usal nitong muli. "Why can't I... open my eyes?"

"Huwag mong piliting gumising..." patuloy niyang bulong dito. "Hindi pa lumilipas ang itinurok sa iyo."

"Tell me... what... happened, James. Have I... lost... my..." Hindi na nito nakuhang tapusin ang sinasabi at muling tinangay ng pagtulog.

Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya habang pinagmamasdan ang asawa. Then a little smile played his mouth. He raised a thumb finger and touched her lower lip gently.

Nilingon niya ang nurse na pumasok. "Available na ba si Dr. Carreon, nurse?""Tinitingnan pa ho ang result ng scan, sir. But he'll be here in a minute."



*************************Akala ko may pasok kahapon kaso holiday pala kaya ngayon lang tuloy nakapag-update hahahaha. - Admin A  ***************************************

Kristine Series 19, James Navarro (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon