MESS #1- YUNNA

4 1 0
                                    

YUNNA

¦~※~※~※~¦

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Nahihiya akong humarap sa mga tao dahil paniguradong mang-aasar lang naman sila. Nakakapagod ng makarinig ng mga masasakit na salita. Iyon na nga ata ang pagkain ko sa araw-araw, almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Nakakasawa lang.

"Nandiyan na siya." Napalunok ako ng makarinig ng isang pamilyar na boses.

"My, my, my. Something bad will happen again." Sabi ng isa pang pamilyar na boses sa nang-aasar na tono.

I must have transferred. Alam ko ng mangyayari ito pero hindi ko iniwasan. Sa loob-loob ko, nahampas ko na ang noo.

"Tabi nga." Umatras ako pakanan kaso ginaya nila ako kaya kumaliwa ako pero ganoon din sila. Kaya ngayon, kakanan ako, kakanan sila, kakaliwa ako, kakaliwa sila, paulit-ulit hanggang sa mapaatras na lang ako.

"Tabi sabi." Mariing sabi ni Yunna bago niya ako itinulak ng malakas at napapikit ako sa takot na lumagapak ang buto ko pero nanlaki ang mga mata ko ng may maramdamang... mainit na palad.

"Don't let yourself fall. I'm not always here for you to fell with." Then he left me there hanging my mouth open.

"Don't you ever dare try to touch his skin. You are dirty. You have germs so don't let him to have germs too because of you." She pointed at me kaya natataranta akong tumango bago sila umalis.

Napahawak ako sa noo ko at bumulong-bulong para pagalitan ang sarili.

"Don't hurt your head." Napatalon ako sa gulat nung biglang may humawak sa noo ko para pigilan ang mahinang pag-untog ko sa pader.

Umatras ako para iwasan siya dahil iyon ang sinabi ni Yunna. Baka daw kasi magkagerms yung lalaki, sayang, mukha pa namang mayaman.

Sumandal ulit ako sa pader at saktong naiumtog ang ulo ko ng malakas kaya medyo nahilo ako.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago ako hinawakan sa magkabilang balikat at iniharap rito.

"What are you doin'?" Umiling lang ako saka tipid na ngumiti at tinalikuran na siya.

"Hey. Do you know who Yunna is?" Kailangan ba english lagi kung magsasalita? Ganito ba talaga kapag sa mayayamang school ka nag-aaral? Hala, edi hindi ha lang ako magsasalita kung ganoon.

"Hey, I'm talking to you." Napalunok ako. Ayaw ko sa English kahit na mataas ang grades ko doon. Hays.

"Hey." Hinawakan niya ako sa balikat at tumango lang ako kahit wala siyang timatanong saka umiwas ulit.

Alam kong malalagot ako kay Yunna kapag hindi ko pa iniwasan itong makulit na lalaking ito. Nakakabanas na 'to peo dahil hindi ako mabilis na mainis, hindi ako naiinis. Easy as that.

"Melissa." Napatigil ako at gulat na napatingin sakaniya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko dito at sa hindi ko alam na dahilan, nagulantang ata ang mundo ko ng ngumiti siya.

"I have my own ways to find whatever I want to find."

"Tss. Daming alam." Tinalikuran ko na ulit siya at naglakad na papalayo, mas mabilis sa paglalakad ko kanina.

"We're in the same class, by the way." Napahilamos ako ng mukha.

Mukhang magiging istorbo siya sa pag-aaral ko, ah.

"Melissa."

"Hey."

"Mel."

"Lissa."

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Halos hindi na ako nakapag-concentrate sa lessons dahil puro kalabit siya.

"Unang-una! Ikaw na lalaki ka, hindi kita kilala, okay?! Pangalawa! Sino ka ba?! Pangatlo! Who are you again?! Pang-apat! Lubayan mo nga ako!! At pang-lima! Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo!!" Kumunot ang noo ko ng ngumiti na naman siya.

"You are cute." Saka siya tumawa.

"Aba! Pinagtatawanan mo na'ko ngayon?! Ha! Ang yabang mo, uy!" Saka ako tumalikod.

"Sabi mo, Melissa, hindi ka madaling mainis. Diba? Diba, diba? Bakit inis na inis ka ngayon diyan?" Kausap ko pa sa sarili ko.

"Wow. You are talking to yourself." Sumulpot na naman siya. Hays.

"C'mmon, I'll walk you home."

"'Di mo nga alam bahay namin." Tumawa na naman siya.

"I knew. Your gate's color is color black." Tss.

"Ano pa?" Hamon ko pa.

"Second floor with white walls, brown stairs. Many flower vases with pretty flowers. Many frames with your family pictures on it. Peach couches with bamboo sala set too. Hmm, what more?" Muntikan pa akong mapanganga pero pinigilan ko.

"Lumayo ka sa'kin, tinatakot mo'ko." Natatakot na sabi ko saka umatras ng umatras, nanlaki naman ang mga mata niya.

Magnanakaw kaya siya? Kidnapper na matagal ng pinag-aaralan ang pamilya namin? Masamang tao na may balak kaming patayin? Ano?!

Lalo akong nagpanic sa mga naisip ko. Ano ba naman, Melissa!

"He-hey—" nabakasan ng pag-aalala ang mga mata ng lalaki sa harap ko.

Melissa, don't talk to strangers! Iyan ang lagi mong pinapaalala sa sarili mo diba?! Bakit hindi mo naalala?!

"Mel.." hindi niya alam kung paano magsasalita dahil naabante siya at naatras ako.

Hanggang sa magulat na lang ako at may naatrasan ako.

"Yunna!!!!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan niya.

"Shells." Napabulong ko sa sarili ng makitang nalaglag sa may limang hakbang na hagdan si Yunna.

"What the hell did you do?!?!" Mangiyak-ngiyak na sugod sa akin ni Yellsie.

"S-sorry.. hindi ko alam." Wala sa sariling bulong ko.

Kahit na limang hakbang lang kasi ang hagdan nauntog naman si Yunna sa bato. Hindi ko alam kung may kalakasan ba o mahina pero nahimatay siya.

"Sorry." Paulit-ulit akong bumulong ng sorry habang pinapanood ko si Yunna na binuhat ng lalaki kanina at tinakbo sa clinic.

So, kaya ba siya nag-aalala dahil alam niyang nasa likuran ko si Yunna? Bakit hindi niya sinabing nasa likuran ko ang girlfriend niya? Edi sana hindi na siya mag-aalala!

Hindi sumama si Yellsie dahil sinugod na niya talaga ako.

"Look what you have done!" Sinigaw nito habang hila-hila ang buhok ko.

"Yell... sie. Masakit." Tumawa siya ng sarkastiko.

"Why?! Tignan mo nga ako ginawa mo sa pinsan ko! Mas malala pa dito sa ginagawa ko, Melissa!" May tumulong luha sa kaliwang mata ko habang pinagmamasdan ang galit na galit nitong mukha.

"Sorry."

"Ayan na lang ba ang kaya mong gawin?! Ang magsorry ng paulit-ulit?! May magagawa ba 'yan, Melissa?! Noon! Sorry lang rin ang ibinigay mo! Sorry lang at walang dahilan! Pinagmukha mo kaming baliw doon! Ni hindi ka man lang nagsabi ng dahilan miski isa, Melissa! Miski isa!!"

"Ngayon ba?! May maibibigay ka ng dahilan kung bakit mo itinulak si Yunna?! Kasi inggit ka sakaniya?!" Umiling ako ng umiling.

"Hi-hindi ko siya itinulak. Hi-hindi ko sinasadya." Nahikbi na ako kaya mahirap magsalita.

"Hindi ko alam na nandoon siya." Dagdag ko pa.

"Kasi hindi ka naman natingin! You never saw us! You never open your eyes! You never ever did open your eyes until now!! * you, Melissa!! * you!!" Tumakbo na siya para sundan sila Yunna at napuluhod na lang ako sa tuhod ko.

You always start the mess, Melissa. You always did and you will always do.

UNTITLED: I'M A MESSWhere stories live. Discover now