MESS #4- SUITOR

5 1 0
                                    

Suitor

¦~※~※~※~¦

"Come on, let's go home." Umirap ako.

"You'll take me home, not let's go home. Duh! Parehas ba tayo ng bahay?! Ha?!" Muli akong napairap ng tumawa siya.

"Let's go home." Idiniin pa siya ang let's.

"Bahala ka." Binuksan ko na ang pinto ng backseat at napaatras pa ako sa gulat ng makita doon sila Yunna, Yellsie at Yiesha.

"A-a-ah, an-ano. S-sige, ingat." Uutal-utal na sabi ko pa at mabilis na naglakad paalis.

"Mel!!" Rinig kong tawag ni Nicolai kaya mas binilisan ko pa ang paglakad, para na ata akong natakbo.

"Mel! Melissa!! Liseng!!!" Napahilamos ako sa mukha ng pati ang palayaw ko ay isinigaw na niya. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at ganoon rin ang mga estudyanteng nakarinig saka sila tumawa.

"What the.. sorry." Paumanhin ni Nicolai ng marealize ang ginawa niya.

"Ano ba naman!" Inis na hinampas ko si Nicolai sa braso.

"Uuwi ako mag-isa!" Tinalikuran ko na talaga siya at hindi na lumingon pa.

"Hey! You're sick!" Napatili ako ng buhatin niya ako patalikod.

"Nakaskirt akooooooooo!!!!" Sigaw ko habang pinapalo ang likod niya.

"Don't you all guys dare think to look at her or else you're doomed." Nakakatakot na banta ni Nicolai at saka ako isinakay sa passenger's.

Hiyang-hiya akong nagtago 'kila Yunna at siniksik ang sarili sa pinto.

"Lock the door so you won't fall." Tumawa pa ang mokong.

"Uhm.. Y-Yellsie." Hindi na ako lumingon dahil sa hiya.

"Sorry sa kanina." Pahina ng pahinang sabi ko pero tila wala siyang narinig at nakipagkwentuhan lang kay Yiesha kaya napabuntong-hininga na lang ako dahilan para sulyapan ako ni Nicolai ay ngitian.

Napatalon pa ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko.

"Did your wound hurt?" Pabulong na tanong ni Yunna.

"A-ah ano, wa-wala 'to." Tanggi ko na lang kahit mahapdi naman at nagkapasa pa.

"That's good." Napangiti ako ng marinig ko ang napakahina niyang bulong.

Kaunti na lang, Mel. Kaunting tiis pa.

"Thank you." Ngiti ko sa tatlo kahit na hindi rin nila ako pinansin... maliban kay Yunna na tinanguan ako ng tipid.

"Thanks rin." Baling ko naman kay Nicolai na ngumiti.

"Anytime." Kumaway na ako saka tumakbo papasok sa bahay namin.

"Nandito na'koooooooooo!!" Malakas na sigaw ko saka napaubo kaya natawa na naman si Kuya. Dumiretso muna ako sa kwarto, sa CR to be exact, at nilabas ang plema doon saka ako uminom ng water at nagbihis na muna saka na rin bumaba.

"Oh 'nak, kain oh." Alok sa akin ni Mama sa ginawa niyang egg sandwich kaya kumain na rin ako.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Tumango ako.

"Magpacheck up na kaya tayo?" Natawa ako pero napaubo rin.

"OA ka, 'Ma, lagnat lang 'to oh! Ako pa! Malakas ata 't—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng mapaubo na naman ako.

Ano ba naman, bakit bigla akong nagkaroon ng ubo.

"Nagpatuyo ka ba ng pawis?" Tanong ni Mama na ikinailing ko.

"Ulan?" Iling ulit.

"Baka dahil ito sa lagnat ko, 'Ma. Normal 'yan." Tumawa ulit ako pero napaubo rin sa huli.

Ayaw na ayaw ko talagang may ubo. Hays.

"Sige, 'Ma! Dami ko pang kailangang gawin! Si Kuya na lang pagsaingin mo!" Saka ako tumawa.

"Hoy!! Ikaw ditooo!!" Sigaw ni Kuya pero tumawa lang ulit ako at naubo-ubo pa.

Nang makatapos sa isang homework ay bumaba ulit ako para uminom.

"Oh, hala?" Gulat na sabi ko at muntikan pang mabitawan ang baso ng makasalubong si Yunna.

"Y-Yunna.."

"A-ah, your Kuya and me got partnered by an... uhm, we have to report kasi that's w—" natawa ako at napatakip agad ng mararamdamang mapapaubo ako.

"It's okay. Defensive." Tinignan ko siya ng mapang-asar saka kumaway.

"Ingatan mo si Yunna, Kuya! Saka 'Ma, pakidagdagan na 'yan, dito na kakain si Yunna! Love you!" Sigaw ko.

"What? What?!" Pagpapanic ni Yunna kaya tumawa na lang ako.

Muli kong ginawa ang homeworks or yung projects na pinagagawa.

Nagulat pa ako nung lumipas ang 25 minutes ay nagring ang phone ko at ang matindi, facetime pa. Pero sinagot ko rin naman saka ko pinatong sa standy at gumawa na ulit.

"Hi!!" Masiglang bati niya kaya ngumiti ako.

"Oh? Bakit ka tumawag?" Nag-isip pa siya ng saglit.

"I just want to see you, that's why. Any problem?" Maangas pa nitong sagot na ikinairap ko.

"Miss mo'ko, 'no?" Biro ko at nagulantang na lang ako sa isinagot niya.

"Yeah." At agad akong nagpanic ng sumigaw pa talaga siya.

"I miss Melissa Feitt Montanilloooooooooo!!!!" Ang loko, ang lakas pa ng pagkakasigaw.

"Sir, sir?!" Nagpanic ata lahat ng tao sakanila sa lakas ba namang sumigaw.

"Can I go out? Ask mother." Napailing ako.

"Aba, bossing." Asar ko.

"Yeah. They spoiled me because I'm the  so called bunso." Nanlaki ang mga mata ko.

"May kapatid ka?!" Medyo exaggerated na sabi ko.

"Ouch. You didn't know? That hurts." OA naman na sabi niya.

"Sino?" Bago pa siya sumagot ay parehas na kaming napalingon sa dumating, nakatalikod kasi siya sa pintuan ng kwarto niya kaya nakaharap ako doon.

"Sir, your Mom said yes if you're going to the Montanillo's house but if not, you're not allowed to go out." Sabi ng... butler ba 'yon?

"Yes! Yes, yes!" Energetic pang sigaw ni Nicolai kaya natawa ako.

"Hey love, I'm coming." Napaubo ako sa sinabi niya bago ibinaba ang tawag.

"Lagot ka sa'kin mamaya." Bulong ko saka pinagpatuloy ang pagsagot.

"Liseeeeeeeeeeeeeeeeeeng!!" Gulat akong napaangat ng tingin sa pinto ko ng makarinig ng sigaw matapos ang limang minuto.

"May gwapoooooooooooooo!!!" At nasundan pa.

"Mahihimatay ata akoooooooo!!!!" At nasundan pa nga.

"Liseeeeeng ano baaaa!! Bawal paghintayin ang mga gwapoooooo!! Mamamiya!" At isa pa kaya natatawa na akong bumaba.

"Napakaingay mo naman, Junjun." Tumawa ulit ako at tinago ang pag-ubo.

"Anong Junjun, ha?! Anong Junjun?!" OA na sigaw nito at nagboses lalaki pa. And yes, he's a gay, siya lang ang nag-iisa kong kaibigan na hindi ako inayawan pagkatapos ng nangyari.

"Nasaan si Nicolai?" Tanong ko ng maupakan ko na.

"Ah, yung gwapo?! Grabe! Pwede bang akin na lang si papi?!"

"Sureness! Iyong iyong iyong iyo na." Biro ko pa.

"That hurts again. You can't give away your suitor." Gulat kong tinignan si Nicolai na sumulpot bigla at siyempre, bilang OA na si Junjun, sumigaw siya.

"Anooooooooooo?!" Napaluhod pa ang bakla, kahit kailan OA.

"From now on, I'm your one and only handsome suitor."

UNTITLED: I'M A MESSWhere stories live. Discover now