MESS #9- JORNEE

2 1 0
                                    

Jornee

¦~※~※~※~¦

Saktong dumating si Ma'am bago pa man ako abutan nito. Na-late ako ng gising kaya ginawa ko talaga lahat para mas mauna ang dating ko kaysa kay Ma'am. At sa magandang balita, mas nauna naman ako ng ilang minuto.

Nag-aalalang tinignan ako ni Nicolai nang makaupo ako sa tabi niya.

"Did something happened?" Ang agad nitong tanong.

"Wala. Na-late lang ako." I made a sad face and giggled after.




Dumating ang third subject bago kami mag-break time.

Hingal na hingal na nakarating sa loob si Jornee, ang babae naming kaklase.

"Ma'am, sorry po talaga. Sorry po." Payuko-yuko siya habang nagso-sorry.

"You're so early, Miss Vandenberg." Sarkastikong sabi ni Ma'am.

Nasa gitna nila akong dalawa dahil inutusan ako ni Ma'am na tulungan siya sa gamit niya papunta sa office nila.

Nilagpasan ni Ma'am si Jornee na muling nagsalita.

"Patay na po ang Mama ko." Rinig kong mangiyak-ngiyak na bulong ni Jornee kay Ma'am at parehas kaming natigilan.

"After this school day, meet me at the office." Saka tuluyang umalis si Ma'am pero bago pa man ako makalabas, nagulat na lang ako ng marinig sa buong room ang matinis na tili ni Jornee.

"Jornee!!!" Sigaw ko.

Tumama ito sa upuan niya at agad na namula ang tinamaang braso at hita.

"Jornee!" Nilapitan ko agad siya at itinayo.

Nilapitan agad ako ni Nicolai at siya ang umalalay kay Jornee.

"S-sorry." Paumanhin ko dahil ako lang naman ang malapit sakaniya no'n kaya siguradong ako na naman ang may kasalanan.

Dinala ko muna ang gamit ni Ma'am sa office nila saka ako dumiretso sa clinic.

Naabutan kong dinadampian ng nurse ng yelo ang mga pasa ni Jornee kaya dumiretso na lang muna ako sa canteen para bilhan ito ng makakakain. Tutal ako naman ang may kasalanan.

Bumili ako ng  dalawang sandwich at dalawang drinks dahil hindi na kakasya ang pera ko, ang mahal naman kasi ng foods dito. Kahit isang sandwich pa 'yan o juice, kahit nga ang itlog dito ay mahal. Mabuti na lang at scholar ako, wala ng tuition dahil paniguradong mas hihirap kami sa sobrang mahal.

"Jornee." Nilapag ko sa gilid ng higaan niya ang mga iyon at ibinigay ang inumin din niya, parehas kay Nicolai.

"Yours?" Agad na tanong ni Nicolai ng makitang wala akong pagkain.

"I'm full pa." Pagsisinungaling ko kahit na hindi ako nakapagbreakfast sa pagmamadali kanina.

"Okay." Tinignan ko si Jornee dahil mukhang kakain na si Nicolai dahil binuksan na niya ang balot ng sandwich.

"Sorry talaga." Umiwas ng tingin si Jornee na ikinabuntong-hininga ko.

Nagulat na lang ako ng makakita ng sandwich sa harapan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNTITLED: I'M A MESSWhere stories live. Discover now