MESS #3- YELLSIE

4 1 0
                                    

Yellsie

¦~※~※~※~¦

Pinilit kong pumasok kinabukasan kahit masama pa rin ang pakiramdam ko. Bawal akong umabsent dahil ayaw kong maka-miss ng mga lessons at baka mawala pa ako sa scholar ko, saka gusto ko rin maging dean's lister.

"Ipapahatid at sundo na kita kay Nicolai, liseng." Agh, ang pangit talaga pakinggan ng palayaw ko. Liseng.

"No need, 'Ma. Mang-iistorbo ka pa ng tao." Tanggi ko dahil ayaw ko namang makaabala dahil lang nilalagnat ako.

"You're not disturbing me. First of all, I insisted." Nagulat ako ng may englisherong nagsalita at pamilyar ang lalim ng boses nito.

"The eff. Kanina ka diyan?!" Tumango siya at kinuha sa akin bag ko.

"Don't worry, I won't let you walk this time." Kumindat pa ang loko na ikinairap ko na lang saka naunang lumabas matapos humalik at magpaalam kay Mama.

"Anyways, you're Kuya is on the passenger's." Napanguso ako at dumiretso na lang sa backseat.

"Ayaw ko ngang magmukhang bata sa likod." Bulong ko sa sarili.

"Don't worry, Yunna is there." Nanlaki ata ng sobra ang mga mata ko.

Yung girlfriend niya, nasa likod!! The heck!!!

"'Di na'ko sasabay sa inyo, bahala ka diyan." Tumalikod na ako pero hinila niya ako sa kamay.

"Don't worry, she won't make an argue. She's behave now." Napalunok na lang ako bago dahan-dahang pumasok sa likod at maingat ring tumabi kay Yunna pero malayo ako sakaniya.

Nagsimulang magdrive si Nicolai at nagkaroon ng awkward silence.

"Yunna! Kamusta ka na pala? Long time no see, ah." Paninimula ni Kuya at lumingon pa kay Yunna.

"I'm fine. You?" Tumawa pa si Kuya, loko-loko talaga.

"Okay pa sa better!" Saka ulit siya tumawa at nanlaki na lang ang mga mata ko ng matawa rin si Yunna pero mahinhin lang.

Okay... what was that?

Napatingin ako kay Nicolai sa salamin at nakitang nakangiti siya. O....kay. Siguro masaya lang siya kasi tumawa yung girlfriend niya...

"A-ah, Y-Yunna.." kinakabahan pang tawag ko at natigil sa pagtawa si Kuya saka humarap sa'kin si Yunna.

"S-sorry." Lalong nagkaroon ng awkward silence.

"Saan?"

"Sa paghulog mo sa hagdan. Kasalanan ko 'yon, sorry talaga." Nakayuko lang ako.

"How many times do I have to tell you that it is not your fault?" Singit ni Nicolai pero hindi ko siya pinansin.

"D-dapat hindi na ako umatras no'n. Sorry, sorry, sorry."

"It's fine." Tumingin na ulit si Yunna sa bintana.

Pero ako lang ba? Ako lang ba nakakota ng disappointment sa mukha niya? Hindi pa ba sapat yung sorry ko?

Napalunok ako at humarap sa salamin kay Nicolai na pasulyap-sulyap lang rin.

"Wait lang, Lai. Patigil muna doon." Turo ko sa isang kanto.

"Why?" Ngumiti ako ng pilit.

"I want to go to comfort room at meron doon." Turo ko ulit at wala siyang nagawa kundi tumigil.

Lumabas ako at dumiretso doon bago nilabas ang phone ko. Alam kong may lusutan dito dahil kabisado ko ang daan dito kaya nagtext ako kay Kuya.

'Sorry. Pakisabi na lang kay Nicolai na magcocommute ma lang ako, Kuya. Pilitin mo siya, ha. Male-late kayo kung hihintayin niyo pa ako.'

UNTITLED: I'M A MESSWhere stories live. Discover now