12-13

800 42 0
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12-13

Unedited...
"Kuya Sky? Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ni LL nang madatnan si Sky sa labas ng condo unit niya.
"Wala. Tara, inuman tayo, LL." Yaya ni Sky.
"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni LL.
"Wala. Gusto ko lang mag-inom. Bar tayo."
"Nag-away kayo ni Ate Taira?"
"Huwag ka na ngang magtanong bata ka!" Nang buksan ni LL ang pinto ay nauna pa itong pumasok sa loob at pasalampak na naupo sa sofa. Ang triplets ang palaging nandiyan para sa kanilang apat noong bata pa lang sila kaya 'kuya' na ang turing nila sa mga ito. Magkaibigan din ang mommy nila at magpinsan ang mga ama nila pero malayo na. Mag-fourth cousin na sila.
"Bakit kaya ganoon sila? Bakit pa kasi may pabalik-balik pa na mga tao sa buhay ng mga tao?" bulong nito na hindi naman naintindihan ni LL kung ano ang sinasabi ni Sky.
"Kuya? Ano ang problema?" naglakad si LL patungo sa ref at kumuha ng maiinom.
"Mamatay na ang lahat ng nerd sa mundo!" Singhal nito na para bang nasa kaharap ang kalaban.
"Chill! Bitter mo sa mga nerd, ah." Natatawang sabi ni LL at inabot kay Sky ang beer in can.
"May syota ka?" tanong ni Sky at naupo. Magkaharap sila ng upuan.
"Wala, pahamak lang ang mga iyan," sagot ni LL.
"Good. Huwag na huwag kang mag-girlfriend lalo na huwag na huwag kang mag-asawa sa babaeng mababa ang tingin sa iyo!" Sabay lagok ng inumin dito. Inilapag niya ang iba pang alak sa center table. Naguguluhan si LL pero hinayaan na lang niya itong magsalita ng magsalita dahil mukhang nag-away nga sila ng pinsang buo niya. First cousin niya ang asawa nito.
"Oo nga. Pasakit lang sila," pag sang-ayon na lang ni LL.
"Puwede bang dito na lang muna ako matulog?" tanong ni Sky.
"Sige po," ani LL, "Ayaw mo kay kuya Black?" nasa kabilang unit lang ka ka-triplets nito.
"Ayoko! Istorbo lang ako sa kainan ng magkasintahan!" May pagka-bitter sa boses nito kaya napangiti si LL.
"Hindi ka na virgin, 'di ba? Ilang babae na ang nadala mo rito?" tanong ni Sky at muling kumuha ng alak na nasa harapan nila.
"Wala pa. Ayokong magdala dahil alam mo na, baka mag-assume." Tumayo si LL at naghanap ng pulutan sa ref.
"Cup cake lang ang nandito," sabi ni LL.
"Huwag na. Ayoko na! Labas na lang tayo," pakiusap ni Sky.
"Ayaw mo ng cupcake? May pizza pa ako rito, padala nila sa mansion."
"Utang na loob, kahit anong pagkain na galing sa inyo, huwag mo akong pakainin," pakiusap ni Sky na ipinagtaka ni LL.
"Bakit po, kuya?"
"Basta! Ayokong kumain!" Giit ni Sky kaya napakamot si LL sa ulo.
"Masarap po ito, promise." Si Yaya Lilibeth nila ang nagluto dahil alam nitong paborito nila ang cupcakes.
"Wala akong pakialam basta ayaw kong kumain! Solohin mo 'yang pagkain ninyo!" Todo tanggi ni Sky. Hindi talaga siya kakain. Maliban na lang kung lalatiguhin siya ng ama, mapipilitan talaga siya.
Napagkasunduan nilang mag-bar na lang kaya dinaanan nila ang tatlo sa kani-kaniyang condo. Si Black ay ayaw naman sumama sa kanila.
"Kuya Sky? Saan si Ate Taira?" tanong ni John Matthew habang nagmamaneho. Katabi niya sa unahan si Lee Patrick at sina Sky naman ang sa back seat.
"Huwag ninyong ipaalala ang asawa ko, utang na loob!" Masama talaga ang loob ni Sky kaya tumahimik na ang apat.
Pagdating sa bar, ang daming kabataan ang nasa labas at nagku-kuwentuhan. Ang iba ay todo porma pa at may mga magkasintahang naghahalikan sa medyo madilim na bahagi ng parking lot.
May iilang babae ang tumili nang bumaba silang lima.
"Oh my ghad! Ang ga-guwapo!"
"Hi, fafa!" malanding sabi ng baklang nakasalubong sa kanila.
"Pasok na tayo," yaya ni John Matthew nang maisara ang pintuan ng itim na mamahaling sasakyan.
Bumungad sa kanila ang iba't ibang kulay ng disco light at maingay na musika na pinapatugtog ng DJ.
"Saan tayo?" tanong ni LL.
"VIP room," pasigaw na sabi ni Sky dahil hindi sila magkakarinigang lima.
Kahit medyo madilim ay may mga babaeng inaaninag ang mukha nila at napapasinghap kapag mamukhaan. Sila lang naman ang grupo ng mga matataas na lalaki sa bar na ito. May matatangkad din pero paisa-isa lang sa bawat table. Nagmistulang basketball players silang lima.
"Pasensiya na, sir. Wala nang available na VIP room," paumanhin ng bouncer kaya napamura si LL.
"Dapat kasi, nagpa-reserve na tayo bago pumunta rito," ani Jacob.
"Haist! Hindi naman planado ito," sagot ni John Matthew at sumunod sa bouncer sa sinasabi nitong available na table.
Sa pinakadulo pa sila dinala nito na malayo sa DJ at malapit sa CR.
Nag-order si Sky ng maiinom at pulutan nila.
"Kuya Sky? Libre mo kami?" pabirong tanong Lee Patrick.
"Sige, order lang kayo." Problemado nga ito.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na tower na inorder nila kasama ang calamares at sisig na pang pulutan.
Tumitingin lang sila sa mga nagsasayawan sa dance floor pero si Sky, naubos na nito ang pulutan at inumin. Nag-order na rin ito ng bucket ng alak.
"Lasing na si Kuya," ani Jacob nang mahiga na si Sky sa mahabang upuan.
"LL? Si GV." Sabay nguso ni Lee Patrick sa babaeng sumasayaw sa dance floor kasama ang kasintahan nito.
"Kahit saan, sinusundan tayo ng tomboy na 'yan?" diring-diri na saad ni LL habang pinagmamasdan ang kasintahang sumasayaw sa gitna.
"Baka ikaw lang. Baka meant to be kayo?" natatawang sabi ni Jacob.
"Psh! Hayaan ninyo siya!" Tinungga niya ang laman ng boteng hawak pero ang mga mata ay nakatutok sa dalawang ngayon ay naghahalikan na. Ni hindi man lang iniisip ng mga ito na may tao sa paligid.
"Inggit ka?" nakangising tanong ni John Matthew na nakatingin din sa tinitingnan ng kapatid
"Para ano?" sagot ni LL.
"Malay ko. Baka gusto mong ikaw rin? Sino sa kanila? Si GV? O ang babae niya?" ani John Matthew.
"Maghunos dili ka! Respeto naman diyan sa pagkalalaki ko!" Muli niyang kinuha ang bote at uminom na naman. "Wait lang, dito lang kayo." Tumayo siya nang makitang umalis ang magkasintahan at nagtungo sa restroom.
"Huwag mong sabihing, makipag-threesome ka?" Napa-smirk si Lee Patrick.
"Hindi naman," ani LL at naglakad para sundan ang magkasintahan. Isang cubicle lang ang CR ng mga babae kaya sinipa na niya ito.
"Fuck!" Sambit ni GV nang bumukas ang pinto. Tinakpan niya ang hubad na katawan ni Olivia para hindi makita ng kung sino man ang bumukas. "Magsuot ka, babe," bulong niya at ibinaba ni Olivia ang nakataas na t-shirt.
"Nagkamali lang ng papasukan," paumanhin ni LL kaya lalong kumulo ang dugo ni GV.
"Sinusundan mo ba kami?" susugurin na sana siya ni GV pero napigilan siya ni Olivia.
"GV! Ikaw pala ang nandito? Ano ang ginagawa mo rito sa CR ng mga babae?" kunwari ay nagulat pa ito nang makita siya pero pareho lang naman nilang alam na nagda-drama lang ito.
"Oh? Bakit nakataas ang blouse ng kasintahan mo kanina? Ang boobs ba niya ang umiihi? Saan lumalabas ang urine? Sa nipples niya?" nanlaki pa ang mga mata nito na talagang gulat na gulat. "Pang guinness world of records."
"Hey, ikaw rin ang babaeng nakatalik ko sa CR na ito last month, 'di ba? Or sa VIP room tayo?" tumaas ang kanang sulok ng labi ni LL kaya napayuko si Olivia. Alam niyang lasimg lang siya noon at isa pa, matagal na niyang crush si LL kaya hindi na siya nakatanggi nang angkinin nito ang pagkababae niya. Mahal niya si GV at alam niyang mali ang nagawa niya na labis niyang pinagsisihan. Ngayong napatawad pa siya ng kasintahan, ayaw na niyang masaktan pa ito. Hindi niya sasayangin ang second chance na ibinigay ni GV.
"Babe, huwag!" Mahigpit na niyakap niya si GV sa braso nang pasugod na naman ito. "P-Please, huwag kayong mag-away," naiiyak na pakiusap niya. May mga nakapila na para gagamit ng CR kaya baka ma-iskandalo lang sila.
"Pasensiya na, lasing lang ako kaya akala ko, pang lalaki ang binuksan ko. Ikaw kasi GV, nakakalito ka. Akala ko, lalaki ka," paumanhin ni LL at bumalik na sa table nilang magkapatid pero abot hanggang tainga ang ngiti.
"Oh? Kamusta? Mabuti't wala kang pasa," wika ni John Jacob na pinipigilan ang kamay ni Sky dahil nang magising ito ay muli na namang tumungga ng alak.
"Kung nakita n'yo lang ang mukha niya, nakakatawa talaga! Mag-jujugjugan na sana sila sa CR," todo tawa na kuwento ni LL.

SheManWhere stories live. Discover now