20-21

836 33 0
                                    


SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20-21

Unedited...
"Dad? Ang ganda naman nga sports car sa labas!" puri ni Patrick nang magising siya ay nasa tapat ng bahay nila ang bagong sports car.
"Oo nga!" bulalas ni Matthew na nakasunod sa kapatid.
"Kanino 'yan, Dad?" tanong ni Matthew. Umaasa na meron silang apat nito.
"Sa susunod pa ang dalawa. Ito na lang muna. Teka lang, nasaan na si LL?" tanong ng ama.
"Sa school daw siya natulog," sagot ni Patrick.
"Anong sa paaralan? Pinauwi ko ang guard kagabi," nagtatakang tanong ni Dylan.
"Eh baka tinatamad nang umuwi. Isa pa, motor na lang ang naiwan dahil ginamit namin ang kotse niya," sagot ni Lee Patrick. Ang daming dahon sa bakuran nila dahil sa malakas na hangin kagabi. Basa rin ang buong paligid kaya tinatamad silang lumabas. Idiniklara ni Ann na walang pasok ang buong CTU dahil sa nangyaring bagyo pero maglilinis ang lahat ng kasapi ng fraternities and sororities.
"Si Jacob?"
"Tulog pa. Alam mo namang tulog mantika 'yon," sagot ni Patrick. Sa kanilang apat, sina LL at Jacob ang mahirap gisingin.
"Kayong dalawa, ayaw ninyong pumasok?"
"Nakakatamad," sagot ni Patrick at naupo sa upuang nasa harapan ng ama.
"Kamusta pala si LL?" tanong ni Dylan.
"Okay lang naman po," sagot ni Matthew.
"Hindi na ba pasaway?" Mula nang namatay si Patch, nakikita nila ang pagbabago ng anak. Kahit sa ugali, nag-iba na rin ito. Masyadong mainitin ang ulo.
"Kailan pa naging mabuting tao iyon? E lahat ng babae sa campus, natikman na nga niya yata. Mukhang wala nang natirang virgin sa campus. Mga tomboy na lang," natatawang sagot ni Lee Patrick at sumandal sa bagong sasakyan. Hinipo pa niya ito na para bang isang napaimportanteng bagay na takot magasgasan.
"Kamusta na pala si GV? Nagkakasundo na ba sila ni LL?" usisa ni Dylan. Nang matahimik ang dalawa at nagkatitigan ay mukhang alam na niya.
"Puwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng alitan ng dalawa?"
"Babae," sagot ni Lee Patrick at ikinuwento sa ama ang pinagmulan ng sigalot nina LL at GV. Nag-uusap pa silang tatlo nang lumabas si Ann.
"Dylan? Pumasok ba si Baby Andy?" usisa ng asawa at humalik sa pisngi niya. Ang dalawang anak ay humalik din sa pisngi ni Ann.
"Natutulog pa siya kanina, Mom," sagot ni John Matthew at pinagmasdan ang kabuuan ng ina. Suot nito ang damit ng kanilang ama na hanggang tuhod kaya nagmumukhang daster ito sa ina pero may maiksi naman itong shorts.
"Ah, akala ko pumasok." Pinagmasdan niya ang dalawang anak. Napangiti siya. Hindi niya akalang ang ga-guwapo ng mga ito. Dati, hinahabol pa niya ang mga ito sa hardin pero ngayon, alam niyang mga babae na ang humahabol sa mga ito. Kung sabagay, may maipagmalaki naman ang mga anak. Hindi nga lang niya alam kung gaano na kalaki dahil ayaw na magpakita ng mga ito.
"Mommy? Nakakailang ang mga titig mo! Para mo kaming minamanyak!" reklamo ni Matthew.
"Oo nga! Yuck, Daddy, si Mommy oh. May pagnanasa sa amin," parang batang sumbong ni Lee Patrick.
"Tigilan na nga ninyo ako! Hinahalik-halikan ko pa 'yan dati eh," natatawang sabi ni Ann nang maalala ang kabataan ng mga ito.
"Yuck! Huwag mo nga 'yang ipaalala, Mom! Nakakadiri!" ani Matthew.
"Sus, nandidiri ka diyan!"
"Pahipo naman, sige na!" Parang batang sabi ni Ann na hinahabol na ang mga anak papasok sa bahay.
"Baby? Dahan-dahan lang. Baka madapa ka," ani Dylan at humabol sa asawa.
"Eh? Tumakbo na kasi ang apat," natatawang sagot niya at tumigil para hintayin ang asawa.
"Alam mo namang binata na sila," inakbayan siya ni Dylan at sabay silang naglakad patungo sa loob.
"Biro lang naman 'yon eh," nakasimangot na sagot niya. Gusto lang talaga niyang maglambing sa mga ito dahil sa tuwing sabado't linggo lang niya nakakasama ang quadruplets. Palaging nasa condo ang mga ito kaya hindi nila nalalaman ang mga kalokohan.
"Parang kailan lang. Ang lalaki na nilang apat," wika ni Dylan at magkatabing naupo sila sa sala. Naalala pa niya noong nag-aaral sila ni Ann at sila ang nagbabantay ng mga ito sa gabi. Ni hindi na nga nakakapagsuklay ang asawa dahil sa pagbabantay ng mga ito. Napangiti na lang siya nang maalala ang nakaraan lalo na noong nilayasan siya ng asawa dahil sa babaeng habol ng habol sa kaniya. Wala na siyang balita pa rito mula nang umalis ito at tumungo sa ibang bansa.
"Sana ako lang ang iniisip mo at hindi ang babae mo!" Sumimangot si Ann. Ngingiti-ngiti kasi ang katabi na para bang sayang-saya sa iniisip.
"Huwag kang mag-alala Baby, sa tuwing ngumingiti ako, ikaw ang dahilan. Mas lalo na kapag umiiyak ako. Alam mo naman, ikaw lang ang babaeng deserving ng mga luha ko," hinawi niya ang iilang hibla ng mahabang buhok ni Ann at inipit sa tainga. Nagbabago man ang kanilang pisikal na anyo, pero hindi ang pagmamahal niya rito. Siya ang tipo ng lalaking hindi kayang mabuhay kapag mawala ang asawa. Kahit na isang araw nga niyang hindi ito makita, gusto na niyang magwala kaya kapag nasa malayo, dinadala talaga niya si Ann.
"Bola!" Naka-pout na sagot ni Ann kaya ngumiti siya.
"Hindi ako nambobola. Seryoso ako," namamaos na sabi niya saka inilapit ang mukha kay Ann.
"Daddy!" Pareho silang napaayos ng pagkakaupo nang marinig ang tawag ni Lance Leonard na para bang isang tigre na handang makipaglaban sa lahat ng hayop sa kagubatan.
"Saan ka galing, Baby?" tanong ni Ann.
"Nasaan na ang tatlo?" sinipa ni LL ang sofa kaya nagulat ang ina.
"Umayos ka LL!" Pagbabanta ni Dylan.
"Daddy? Iniwan ako ng tatlo at tinangay pa ang sasakyan ko! Alam mo bang sa tambayan ako natulog? Sira pa ang bintana at basa ang lahat ng gamit ko?" Labas na ang ugat nito.
"Walang hiya kayo!" Sabay takbo ni LL kay John Jacob na pababa ng hagdan na kakagising lang. Nang makita siya ay mabilis na bumalik ito sa kuwarto at ikinandado.
"Buksan mo 'to! Kapag mahuli ko talaga kayong tatlo, dila lang ang walang latay sa inyo!" Pinipilit niyang buksan ang pinto pero masyadong matibay ito. Nang sinipa niya ay wala rin naman.
"Ano ba Kuya!" reklamo ni Anndy na lumabas sa kuwarto dahil sa ingay.
"Nasaan sina Matthew at Patrick?" tanong niya sa bunso na naka-panty lang at bra.
"Malay ko!"
"Magsuot ka nga ng damit! Nakakalaswa kang tingnan!" saway ni LL.
"Eh kasi nagbibihis ako, ang ingay mo!" nakalabing sagot ni Anndy.
"Kahit na! Magtuwalya ka naman! Paano kung may bisita tayong lalaki? Hindi ka na ba nahiya? Dalaga ka na!" Isa pa itong si Anndy. Palagi na lang naka-panty kapag nasa loob sila ng bahay. Parang walang isip.
"Hindi ko kayo maintindihan. Minsan, bini-baby ninyo ako. Minsan, ayaw ninyo," nagtatampong sabi ng dalagita.
"Iba ang bini-baby at iba ang nagpapabebe!"
Padabog na bumalik ito sa loob ng kuwarto. Si LL naman ay hinanap ang mga kapatid pero hindi na nakita.
Lalong uminit ang ulo niya nang makitang nilalambing ng ama ang ina.
"Nakakainis! Dad? Kanino ang sports car sa labas?" pag-iiba niya at pabagsak na naupo ang sa harapan ng mga magulang para hindi na maglalampungan ang mga ito. Alam naman nina Dylan na ayaw ng quadruplets na nakikita silang ganitong naglalambingan dahil mukha raw silang isip bata.
"Gusto mo?" balik-tanong ni Dylan.
"Oo, puwede po ba?" tanong ni LL pero nagdududa siya. Minsan lang nagbibigay ng kusa ang ama.
"Pero sa isang kondisyon," makahulugang tiningnan niya ang ama.
"Sinasabi ko na nga ba!" sambit niya. Hindi nagbibigay ang kanilang hari ng mamahaling bagay lalo na kapag walang kapalit.
"Ipakilala mo sa amin ang girlfriend mo."
"Wala akong girlfriend..."
Tumaas ang kilay ni Dylan sa sagot ng anak. "Wala ba talaga?"
"Wala nga! Sa inyo na 'yang sports car ninyo!" Tumayo siya at tumingin sa inang tumayo rin.
"Saan ka pupunta, Mommy?"
"Magluluto ng makakain mo, h-hindi ko talaga alam na h-hindi ka rito natulog," naiiyak na sabi ng ina.
"Huwag na kayong mag-alala, Mom. Busog pa ako," sagot niya.
"S-Saan ka pupunta baby?"
"Matutulog na, Mom. Wala pa akong tulog," tinalikuran na niya ang mga magulang. Magmula nang suntukin siya ni GV kaninang madaling araw, hindi na siya nakatulog pang muli.

SheManМесто, где живут истории. Откройте их для себя