Finale/Epilogue

2.3K 45 4
                                    


SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 84-85 ( FINALE & EPILOGUE )
Unedited...
"Kamusta ang exam?" tanong ni Jacob sa mga kapatid nang lumabas ang guro.
"Okay lang, malamang bagsak ka!" sagot ni Lee Patrick at tumayo dahil sila na lang ang naiwan sa classroom.
"Anong bagsak? Tama ang sagot ko," depensa ni Jacob.
"Asa ka pa! Tulog lang kaya ang ginagawa mo!" sagot ni John Matthew.
"Tama nga, maniwala ka." Ayaw niyang magpatalo. Sigurado siya sa mga sagot niya. "Dino-double check ko kaya sigurado akong tama ang sagot ko."
"Dino-double checked mo sa answer sheet ni Hell!" sabat ni Lance Leonard. Habang nag-iisip siya kanina, napsulyap siya kay John Jacob na panay tingin sa unahan dahil kitang-kita nito ang sagot ni Hael na nasa unahan nila.
"Hindi kaya! Kasalanan ko ba kung pareho kami ng sagot?" depensa ni Jacob. Kahit palatulog si Hael, matalino ito at mataas ang grado kaya hindi nawawala ang scholarship nito.
"Uy, nandiyan na ang syota mo!" tukso ni LL kay Jacob nang mapadaan si Jaffy.
"Friends lang kami!" depensa ni Jacob. Hindi na humahabol si Jaffy kay John Matthew kagaya ng pinangako nito noon kaya wala nang sigawan sa pamamagitan ng dalawa. Isa pa, sinabi na sa kanila ni Lee Patrick ang tunay na pagkatao raw ni Jaff. "Huwag nga ninyo akong tuksuhin, magseselos si JM!"
"Solohin mo si Jaffy kung gusto mo!" nakasalubong na naman ang kilay ni John Matthew.
"Ano ba ang problema mo kay Jaff? Mabait naman siya at wala siyang gusto sa 'yo!"
"Tapos?" pagsisinuplado ni JM.
"Friends na sana kayo dahil mabait siya."
Sabay silang apat na lumabas dahil kaunti na lang ang mga estudyante sa labas. Paliko na sana sila patungo sa elevator nang may napulot si John Matthew na panyo.
"Psh! Ba't mo pinulot? May sipon 'yan!" nandidiring sabi ni LL.
"Miss, panyo mo," sabi ni JM na iniabot sa babaeng nasa unahan nila.
"H-Hindi sa akin 'yan," namumula ang pisnging sagot ng babae na hindi makatingin sa mga mata ng apat na guwapong quadruplets sa harapan.
"Sa lalaki yata 'yan!" sabi ni Jacob.
"Sa babae 'to, may bulaklak na design," sagot ni JM at inilagay sa itaas ng basurahan ang puting panyo na may disenyong kulay pulang rosas sa gitna nito.
"Bakit may pangalang Baron?" tanong ni Lee Patrick dahil sa ilalim nito, may burdang 'Baron'.
"Baka pangalan ng ama o kasintahan niya," ani LL. "Haist! Huwag na nga nating pag-usapan! Kanina pa ako hinihintay ng mine ko!" reklamo ni LL. Malalagot na naman siya kay GV dahil hindi lang ito suplada, nangungurot na ito ngayon. Lalo na kagabi, ayaw niyang mag-aral pero sinisigawan at hinahampas siya ni GV para hindi makatulog dahil mag-aaral daw siya. Malaki naman ang naitulong nito dahil kahit paano, lumabas sa exam ang pinag-aralan niya.
"Kapag lumabas ang anak ninyo, matalino ang pamangkin namin," natatawang sabi ni Lee Patrick.
"Oo nga! Hahaha. Patay, mukhang apat din yata ang magiging anak ninyo! Double kayod ka na sa panggatas!" natatawang sabi ni Jacob.
"Pero hindi pa buntis ang mine ko," sabi ni LL na para bang pasan niya ang mundo. Sino ang hindi mag-aalala? E hindi pa niya nabubuntis si GV.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ni John Matthew at nilakihan ang hakbang palayo sa kanila.
"Ikaw kasi!" paninisi ni Lee Patrick kay John Jacob.
"Ikaw kaya ang unang nanukso kay LL," depensa ni Jacob habang nakatingin kay John Matthew. "Hindi pa kayo bati?" tanong niya kay LL.
"Nag-uusap naman kami pero hindi kagaya ng dati," pormal na sagot ni LL. Ayaw niyang ipahalata na nalulungkot siya dahil sa hidwaan sa pamamagitan nila ng kakambal. Nasa bahay nila si GV kaya minsan, hindi ito umuuwi at sa condo namamalagi. Kahit na masaya siya dahil kasama na si GV, hindi maiwasang maisip niya ang kapatid. Alam niyang kagaya niya, si GV din ang kauna-unahang babaeng sineryoso nito. Suwerte lang niya dahil siya ang pinili ng fiancée.
"Sana bumalik na kayo sa dati," sabi ni Jacob.
"Mahirap mag-move on, brod!" sagot ni Lee Patrick.
"Kahit na, try mong mag-reachout kay John Matthew tutal, ikaw naman masaya," suhestiyon ni John Jacob.
Nagkahiwalay silang apat at si LL ay tumungo sa classroom nina GV pero wala na ang dalaga kaya tinawagan niya.
"Damn!" sambit niya. Kina-cancel nito ang mga tawag niya. Malamang naiinis ito sa kaniya.
"Thanks God!" Nakahinga siya nang maluwag dahil sinagot ni GV ang tawag. "Mine? Nasaan ka?"
"Nasa impiyerno!"
"Mine naman, sorry na. Alam mo namang may exam kami e," paliwanag niya. "Saan ka? Puntahan kita."
"Nasa rooftop. Five minutes at wala ka pa, tatalon ako!"
"Shit!" Mabilis na tumakbo siya paakyat sa hagdan. "Tabi!" sigaw niya sa mga pababa kaya kahit nagtataka, tumabi ang mga ito para makadaan siya.
Sinipa na niya ang pintuan habang hinihingal na nakahawak sa tuhod.
"Mine! S-Sorry." Hinahabol pa rin niya ang hininga pero naging normal na ang puso dahil nakita niyang naglalakad si GV palapit sa kaniya.
"Kanina pa ako parang tangang naghihintay sa 'yo!"
"Medyo mahirap kasi ang exam kaya--"
"Kanina ko pa nakita ang proctor ninyo!" sabat ni GV na umuusok na ang ilong.
"S-Sorry, ang dami kasing estudyante--"
Pak!
"Shit!" Napahawak si LL sa kanang pisngi. Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa dalaga. Kahit na mukhang babae na ito, lakas ng tomboy pa rin ang mga kamay ni GV.
"Bakit ba ganiyan ka? Bakit ba palagi ka na lang nananakit?" singhal ni LL nang hindi na kaya. "Hindi porket mahal kita, sasaktan mo na ako! Sigawan kung gusto mo! Mahal mo ba talaga ako?"
Natigilan si GV dahil parang mata ng dragon ang mata ni LL na ano mang oras ay bubuga ng apoy sa kaniya.
"Nasasaktan din ako. Ano? Natutuwa ka kapag sinasaktan mo ako? Kapag itataboy mo ako? Kapag sinisigawan mo ako? Ganoon na ba ang tungkulin mo sa buhay ko?" Hindi na niya kayang kontrolin pa ang sarili. Pinahidan niya ang mga luhang tumutulo sa mga mata. Galit siya pero nagu-guilty naman siya sa pinagsasabi kay GV pero kailangan maipalabas niya ang sama ng loob.
"H-Hindi ko gusto ang mga pinagsasabi ko at h-hindi ko gustong sabihin ito sa 'yo pero nakakapikon na e." Pinahidan niya ang mga luha. Naiinis siya sa sarili dahil sa pinagsasabi kay GV. "P-Pero hindi ko na kasi kaya, Mine. M-Masakit na pero kahit ganito ako, h-hindi kita kayang iwan. M-Mahal kita eh!" Kahit pa siguro sasaksakin siya ni GV, hindi niya ito iiwan. "M-Magrereklamo ako sa ginagawa mo pero h-hindi kita iiwan. P-Promise ko 'yan."
Napamura siya sa isip. Kapag makita lang siya ng mga kapatid, pagtatawanan siya ng mga ito. Nakakabakla. Si GV lang ang nakakapagpaiyak sa kaniya pero ano ang magagagawa niya? Mahal niya ito.
"M-Masaya ka ba talaga kapag sinasaktan mo ako?"
Nakalabing tumango si GV.
"Fuck!" he cussed. "Mine naman."
"E sa natutuwa ako kapag nakikita kong umiiyak ka eh!" sabi ni GV. Kagaya na lang ngayon, natatawa siya na naawa naman kay LL. Alam naman niyang hindi na tama ang ginagawa niya pero ano ang magagawa niya? Masaya talaga siya. Parang gusto niyang magdiwang sa tuwing iiyak si LL.
"Nakakasakit na pagmamahal," nagtatampong sabi ni LL. "Huwag mo na kasi akong awayin, iiwan kita."
Natigilan si GV sa sinabi ni LL. Bilang humaba ang tainga niya at pakiramdam niya, tinubuan siya ng sungay.
"Iiwan mo ako? Sige, iwan mo ako!" singhal niya.
"B-Biro lang. Alam mo namang h-hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko," natarantang sabi ni LL.
"Iwan mo na kami ng baby natin! Hindi mo na kami makikita pa kahit kailan!" pagbabanta ni GV.
"Wala pa naman tayong baby," malungkot na sabi ni LL. Nakaka-desperate na. Mamaya, magpapa-set siya ng appointment para magpa-sperm count para malaman kung may problema siya.
"Ano ang tawag mo sa laman ng tiyan ko? Tiyanak?" nakasimangot na sabi ni GV.
"M-May laman ang tiyan mo?"
"Huwag na lang?"
"B-Buntis ka na?"
"Hindi na lang?"
Lumapit si LL at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Mine? Buntis ka? Ang totoo lang," kinakabahang tanong niya.
"Matagal na akong buntis, hindi mo alam?" pagsisinuplada niya.
"Seryoso?"
Pak!
Napahawak siya sa kaliwang pisngi dahil sa lakas ng sampal. Pati yata ispiritu niya ay humiwalay sa kaniya.
"Mukha ba akong nagbibiro?" singhal ni GV. Napipikon siya kay LL dahil ang arte nito.
"Mine! Buntis ka?" Niyakap niya ng mahigpit si GV. "Buntis ko mine ko? Sabihin mong hindi ako nananaginip," naiiyak na sabi niya.
"Lumayo ka nga sa akin!" Tinulak niya si LL dahil hindi siya makahinga.
"Mine? I-surprise natin sina Mommy!" excited na sabi ni LL kaya tumaas ang kanang kilay ni GV. "Matutuwa sila!"
Walang pasisidlan ang tuwa ni LL at niyakap na naman ng mahigpit si GV. "Hindi ako baog at magkaka-baby na tayo!" Binuhat niya si GV at ipinaikot na parang bagong kasal. "I love you!" Nang ibaba niya ito, saka niya siniil ng halik sa mga labi.
"Ibaba mo na ako! Malalaglag ang anak ko!" Hinampas niya si LL sa mukha kaya maingat na ibinaba siya ni LL.
"Mine? Hindi ako baog! Mapapatunayan ko kina Mommy na makaanak ako! YES!" Napapasuntok pa siya sa hangin dahil sa tuwa. "Huwag muna nating ipaalam sa kanila ha."
Napa-poker face na lang si GV pero namula siya nang mapasulyap sa sulok na kung saan, dito niya isinuko ang bandera kay LL. Napahawak siya sa tiyan. Mukhang made in rooftop ang magiging anak nila.
Habang nasa daan, panay ang daldal ni LL. Pagdating sa mansion, tinipon niya ang buong pamilya.
"Ano ang sasabihin mo at inistorbo mo pa ako?" tanong ni Jacob.
"May malaking balita ako sa inyo at alam kong magugulat talaga kayo!" pagmamalaki ni LL na hindi maitago ang ngiti sa mga labi. Matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong ito at hindi niya maipaliwanag ang labis na kaligayahan.
"Nanalo ka sa lotto? Hindi na natin kailangan," pagsupalpal ni John Matthew.
"Ano na kasi Kuya? Pupunta pa ako kina Christine para magtahi ng mga damit ng barbie namin!"nagmamadaling sabi ni Anndy.
"Naglalaro pa rin kayo ng barbie ni Tabachingching?" hindi makapaniwalang tanong ni Lee Patrick.
"Hindi mataba si Tintin!" nakalabing sabi ni Anndy.
"Mataba ang pisngi niya," giit ni Lee Patrick.
"Mom? Dad? Sister, brothers? Hindi ako baog! Buntis si GV! Magkakaanak na kami ng mine ko!" masayang anunsyo ni LL pero napalis ang ngiti nang wala man lang tumalon o natuwa sa sinabi niya. Kahit si GV ay busy sa pagtetext sa mga kuya. "H-Hindi ako nagbibiro, buntis talaga si GV!" sabi niya na napipikon na. Wala man lang bang makisalo sa kaligayahan niya?
"Tapos ka na? Puwede na kaming umalis?" blangko ang mukha ni JM.
"Oo nga po, Kuya, aalis na kami," parang batang sabi ni Anndy.
"Babe? Magluluto ako ng dinner natin?" ani Ann.
"Sige, Baby, samahan na kita," sabi ni Dylan.
Tumayo ang mga ito nilayasan sila ni GV.
"Wala man lang bang maki-celebrate dahil magkakaroon na ng bagong pamilya sa mga Lacson?" sigaw niya nang hindi na kaya. Wala bang naniniwala sa kaniya? Taliwas ito sa inaasahan niya. "Mommy! I hate you!" Ang ina talaga niya ang ini-expect niyang matutuwa pero parang balewala lang kay Ann ang ibinalita niya.
Hinarap siya ni Ann at naawang tinitigan. "Last week pa namin alam, tapos na nga kaming mag-celebrate!"
Nanlaki ang mga mata ni LL at hinarap si GV. "Alam na nila na buntis ka? Last week pa at ako? Hind ko man lang alam?"
"Galit ka, Mine?" inosenteng nakatingala si GV kaya natigilan si LL. "Sabihin mo lang kung galit ka para hindi na kita tatabihan."
"H-Huh? Hindi ako galit, Mine! Masaya nga ako!" Pilit na ngumiti siya sa kasintahan para hindi ito magalit pero nakakatampo pa rin.
Sinundan niya si GV sa elevator pero hindi siya kinakausap ng dalaga hanggang sa makarating sila sa kuwarto nila. Dumiretso si GV sa shower room para magbihis. Paglabas niya, tumayo si LL sa kama at naiiyak na hinarap siya.
"Mine? Sorry na, nakakainis lang kasi alam nila tapos ako, parang tanga. Huwag ka nang magalit." Ito ang nakakainis! Kahit siya na nga ang dapat na magtampo, siya pa ngayon ang sumusuyo.
Ngumiti si GV sa kaniya. "Okay lang, maligo ka na, Mine!"
"S-Sige..." sabi niya. May nais ipahiwatig ang kislap sa mga mata ng mine niya e.
Nagmamadaling naligo siya. Basa pa ang buhok nang lumabas siya na tanging towel lang ang nakapulupot sa kaniyang bewang.
"Mine?" tawag niya kay GV na kakatayo lang sa kama. Nang makalapit, hinapit niya ito sa bewang. Ngumiti naman si GV at ipinulupot ang mga kamay sa kaniyang leeg. "I love you," bulong niya at hinalikan ito sa mga labi. Hindi naman tumanggi ang dalaga. Sa halip, sinalubong ng mga ito ang kaniyang dila hanggang sa lumalim ang halikan at nahiga sila sa kama. Ilang sandali pa, mga ungol na nila ang umalingawngaw sa buong silid.
"M-Mine?" bulong ni GV at nilalaro ang dibdib ni LL.
"Hmmm?"
"Pagod ka na?" namumulang tanong ni GV.
"H-Ha?" nakaapat na sila kaya pagod na ang kaniyang katawan.
"Pagod ka na yata eh!" naka-pout na sabi ni GV at pinisil ang abs nito.
"Hindi ah!" tanggi niya. Mataas ang pride niya kaya never niyang aaminin na pagod na siya. Nakakababa ng pagkalalaki.
"Talaga?" tuwang-tuwang sabi ni GV.
"O-Oo, g-gusto mo pa?" Napalunok siya ng laway at lihim na nananalangin na sana ay umayaw na si GV.
"Puwede isa pa?"
"Fuck!" bulalas ni LL.
"G-Galit ka?"
"H-Ha? Hindi! Napamura lang ako dahil pareho tayo mine, gusto ko rin ng isa pa!" sabi niya saka pumaibabaw kay GV. Hindi puwedeng mauna siyang matapos, kailangan niyang paunahin si GV dahil ito ang nag-request.
Sa awa ng Maykapal, lumalaban pa naman ang sandata niya pero ang katawan niya, hinang-hina na. Nakakapagod lalo na't siya ang nagdadala. Hindi naman siya papayag na si GV dahil buntis ito.
Laking pasalamat niya nang sila sa ikalimang round. Hindi naman sa mababa lang pero sa matagal sila sa bawat round. Gusto kasi niya, makailang rurok si GV bago siya makatapos. Pagod na inihiga niya ang katawan sa tabi ni GV.
"Mine?" tawag ni GV. Tumayo si LL.
"M-Mine? May pinapagawa si Mommy, nakalimutan kong tapusin," sabi ni LL.
"G-Ganoon ba? Sige tapusin mo na, balik ka kaagad ha!" sabi ni GV.
"Salamat Mine! I love you!" Hinalikan niya sa labi ang dalaga saka nanghihina ang tuhod na lumabas sa kuwarto at dumiretso sa kuwarto ng lola Patch nila. Dito siya matutulog! Isinara na niya ang pinto. Bahala na silang maghanap sa kaniya mamaya pero gusto talaga niyang magpahinga dahil mauubusan yata siya ng katas kay GV.
Napapikit si LL at naalala niya ang usapan nila ng lola noong bata pa siya.
"Kapag bigyan mo ako ng apo, masaya na ako!" sabi ni Patch habang nakahiga si LL sa lap niya. "Sana maging katulad ka ng lolo Lee, Dem--basta anak ko at Daddy Dylan mo na responsableng ama."
"Lola? Huwag mo akong iiwan," pakiusap ni LL. Nawawala na minsan sa sarili ang lola niya dahil sa dimentia.
"Tandaan mo apo, katawan ko lang ang mawawala pero hindi ang aking kaluluwa!"
"Magmumulto ka?"
Tumawa si Patch sa tinuran ni LL. "Hanggat nasa puso ninyo ako, buhay na buhay ako! "
Napabalikwas si LL sa kama dahil sa naalala at biglang nanayo ang mga balahibo niya nang makaramdam ng malamig na hangin sa balat. Tumayo siya at binuksan ang ilaw nang makarinig ng ingay.
Nang lumiwanag, napatingin siya sa lumang album na nasa sahig.
Pinulot niya ito pero may isang litratong nahulog mula sa album. Napangiti siya nang makita ang dalagitang si Patch na inaakbayan ng kaedad na binatilyong hindi niya kilala at sa likod nila ay mga motor race.
Tiningnan niya ang likuran ng litrato at binasa ang nakasulat. "Baron and I".
CHAPTER 85 (FINALE & EPILOGUE )
Unedited...
"Kain ka pa, Mine!" sabi ni GV at sinubuan si GV. Nasa KFC sila kumakain pero si LL lang naman ang pinapakain ni GV dahil busog pa raw ito.
"Mine naman, busog na ako."
"Sige na, iki-kiss kita!" nakangiting sabi ni GV kaya napakamot na lang ang binata sa ulo. Tatlong buwan na ang tiyan nito pero hindi pa halata.
Sila na nga ang pinagtitinginan dahil panay ang halik ni GV sa pisngi niya at paminsan-minsan ay kinukurot pa.
"Sige, ubusin ko na lang itong manok," sabi ni LL dahil hindi siya makatanggi sa asawa.
Palabas na sila sa mall dahil namili sila ng ibang gamit nang tumigil si GV at hinarap siya.
"Mine?"
"Yes, Mine?"
"Pasyal tayo sa Japan!" excited na sabi ni GV. May isang linggo pa silang natirira bago magsimula naman ang next semester. Napag-usapan nilang hindi titigil sa pag-aaral si GV dahil wala naman itong pakialam sa sasabihin ng iba. Isa pa, kapag na may marinig si LL na negatibo tungkol kay GV, malalagot talaga sa kaniya.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" bulong ni LL. Kaya ang bait ni GV sa kaniya dahil isisingit na naman nito ang Japan.
"Puro ka na lang Japan! Japan! Japan!"
"Eh kasi nami-miss ko na ang Japan!"
"Japan? O si Jiro?"
"P-Pareho..." sagot ni GV at nginitian si LL. "Sige na, Mine ko!"
Hindi pa rin umimik si LL kaya nag-peace sign na siya. "Bati na tayo, Mine ko!"
Napatulala na lang si LL sa babaeng kaharap. Ibang-iba na kaysa sa dating GV pero ang pagmamahal niya, walang nagbago, mas lalo pa ngang nadadagdagan sa paglipas ng mga araw. Hindi na ito ganoon ka girly kung kumilos. May pagka-boyish na rin pero dahil kay Anndy at Ann, nababalanse ni GV ang sarili. Kung siya ang tanungin, kahit ano basta si GV pa rin ito.
"Hindi tayo pupunta sa Japan! Hindi mo naman ikamatay kung hindi mo makita si Jiro!"
"Bakit ba ayaw mong makita ko si Jiro?"
"Dahil nakakatampo ka! Nandito naman ako pero si Jiro pa talaga ang hinahanap mo!"
"S-Sorry na, na-miss ko lang talaga siya," paumanhin ni GV. Actually, okay lang kahit na hindi niya makita si Jiro. Inaasar lang niya si GV dahil ang cute nito kapag mapikon. Isa pa, si LL naman talaga ang hinahanap ng mga mata niya. Ang sarap nitong pisilin sa pisngi at ang sarap pang yakapin.
"Isang araw lang tayong pupunta sa Japan," sabi ni LL kaya nanlaki ang mga mata ni GV.
"Talaga Mine? Pupunta tayo sa Japan?"
"Oo pero huwag kang lumundag, malaglag ang baby ko," pakiusap ni LL nang tumalon si GV. Tumigil naman ito at ngumiti sa kaniya, nang-aakit.
"Uh-uh!" sambit niya. Mukhang alam na niya ang kahulugan ng mga ngiti nito habang kumikislap ang mga mata.
"K-Kain na tayo, Mine, hindi ba paborito mo ang siopao? May dala si Baby Anndy," suhestiyon ni LL at tumayo.
"Dito lang tayo, gusto kong masolo ka!" sabi ni GV. Sa tuwing gumala sila, ang daming babaeng nagpapapansin kay LL kaya kumukulo ang ulo niya.
"Wala namang aagaw sa akin dahil nasa bahay lang naman tayo," sabi ni LL. Noong isang araw, may sinuntok si GV na saleslady dahil nakipaglandian daw sa kaniya e nagtanong lang naman siya kung magkano ang laruan.
"E gusto ko rito lang tayo sa kuwarto. Ayaw mo ba?" malungkot na tanong ni GV at tinulak siya paupo sa kama.
"Gusto ko nga, Mine para masolo rin kita," labag sa loob na sagot ni LL. Gabi-gabi na lang, kulang siya sa tulog.
"Talaga? I love you, Mine ko!" Kumandong ito sa kaniya at ipinulupot ang mga kamay sa leeg biya sa ka pinaliguan siya ng halik sa mukha. Ang bango ni GV na hindi niya kayang tumanggi.
"I love you too!" sagot niya saka inihiga si GV at pinaibabawan niya. Pagod na siya pero hindi niya kayang talikuran ang mapapangasawa dahil gusto rin ng kaniyang puso't isipan.
-----------
"Kuya Sky? Didiretso kami sa Japan mamaya," sabi ni LL habang naglalakad sila at ikutin ang farm nina Blue dito sa Bulacan. Kakabukas lang nito. Mas maliit lang sa school farm ng CTU pero kumpleto rin. May mga manok, baboy, isda at kung anu-ano.
"Sino ang kasama ninyo? Nasaan na pala ang mga kapatid mo?" sabat ni Blue na nakapamulsa. Si Black ay tahimik na nakasunod sa kanila. Well? Kailan pa tumagal si Black na makipag-usap sa kanila? Kung wala lang si Nathalie, araw-araw e panis ang laway nito.
"Ewan ko sa tatlo, ayaw nilang umuwi sa bahay. Ang sabi ni Mommy, nasa Europe sina JM at Lee Patrick. Ewan ko kay Jacob," sagot ni LL.
"Blue? Ang dami mo palang hayop dito," manghang sabi ni Sky. "Bakit wala kang unggoy?" malungkot na tanong niya. Nakita kasi niya ang saging na abot hanggang lupa ang bunga.
"Wala akong makitang unggoy. Maliban na lang kung gusto mong magpa-iwan dito!" napipikon na sagot ni Blue. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito naka-move on sa unggoy. Kung sabagay, unggoy nga naman ang isa sa mga dahilan kung bakit naging successful ang toy factory ng ka-triplets nila.
"Mine!" tawag ni LL sa kasintahan. Nasa fishpond ito kasama sina Taira, Nathalie, Avery at Taira.
"Mine! Halika, pakainin natin ang mga isda!" tuwang-tuwang sabi ni GV.
"Taliw ko, lumayo ka sa tubig, baka mahulog ka," malumanay na sabi ni Blue. Ang ganda pa rin ng asawa niya. Paunti-unti na ring bumalik ang kalusugan ni Avery.
Natahimik si LL, naalala niya ang eksenang nahulog si GV sa fish pond nila. Ang tindi ng kaba niya noon lalo na nang nag-CPR siya. Akala niya, hindi na mabubuhay si GV. Napangiti siya sa naisip. Noon pa lang, gusto na niyang asarin ito. Sino ba ang mag-aakalang mahal niya ang tomboy na 'yon?
"Ang daming papaya!" tuwang-tuwa na sabi ni Sky at itinuro ang nakitang papaya. "Black, akyat ka ng papaya! Di ba, paborito mo 'yan?" makahulugang sabi ni Sky kaya isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ni Black. Napailing na lang si Nathalie. Nasanay na siya sa mga ito at kahit na ano pa ang asaran ng magkapatid, hindi naman sila nag-aaway.
Niyaya sila ni Blue na kumain sa pavilion na nasa gitna ng farm. Lahat ng hayop ay i-export nila sa ibang bansa.
"Ang sarap ng balut!" sabi ni Sky. "Dalhan natin sina Daddy!" Tuwang-tuwang sabi niya. Sa tuwing may matikman itong masarap, ang ama palagi ang naalalang dalhan. Alam naman nilang mapagbigay talaga si Sky pero kadalasan ay napapahamak sila sa kabaitan ng kapatid. Gusto sanang magpatanim ni Blue ng mga buko sa boundary ng farm pero baka dumalaw ang ama at ipaputol kaya hindi na niya itinuloy. Sa halip, papaya na lang na ikinatuwa ni Sky nang makitang ang daming bunga.
"Mine? Kumain ka ng marami," sabi ni LL at nilagyan ng native na tinulang manok ang plato nito.
"Ikaw rin, Mine!" masayang sabi ni GV
Ang sarap nito dahil nilagyan nila ng papaya ang manok. Ang sarap din ng lasa ng manok, manamis-namis at malinamnam kaya marami siyang nakain. Sina Sky at kumakain na ng balut.
"Blue? Magdadala ako ng balut!" sabi ni Sky. Maliban sa KBS network, ito rin ang source of income nina Avery at Blue. Tumigil na talaga ito sa pag-aartista at pag-aaral pero next school year, tatapusin niya ang kurso.
"Saan si Red?" tanong ni Anndy. Ang pogi ng anak nina Blue at Avery. Unang kita niya sa bata, nang pinabantayan sa kaniya ni LL.
"Kina Daddy," sagot ni Blue.
"Nagpa-schedule na kami ni Sky, mabuti na lang dahil may vacant seats pa sa eroplano," sabi ni Taira. Kanina pa siya kinukulit ng asawa na magpa-reserve dahil sasama sila sa Japan kahit na ilang araw lang.
"Sasama kayo Ate Taira? Yehey!" masayang sabi ni GV.
"Oo, mapilit si Sky eh!" sabi ni Taira. "Sinama na namin kayo, Natty." Mas masaya kapag marami sila para makilala rin nila ang ibang kamag-anak sa Japan lalo na ang mga Lacson.
"Hindi na kami sasama ha," sabi ni Blue. "Mahihirapan lang si Avery sa biyahe."
"Okay lang po," sabi ni LL.
Alas tres ng hapon, bumalik na sila sa Maynila dahil alas siyete raw ng gabi ang flight nila. Mabuti na lang dahil may extra pa sa sasakyan nina LL para sabay na silang anim. Si GV ay hindi matawaran ang saya sa mukha. Kahit paano, makita niya muli ang ama. Kahit na masama ito para sa kaniya, nakikita naman niya na nagbabago ito. Isa pa, alam niyang mahal sila ng ama dahil hindi sila sinaktan. Napapansin na rin niyang nagkakamabutihan na naman ang mga magulang niya at ipinangako ng ama na kapag bigyan ito ng second chance ng kanilang ina, hindi na ito mananakit. Sa halip, punan nito ang mga pagkululang sa kanilang ina. Well, matatanda na sila kaya nasa ina na nila ang desisyon kung kaya pa nitong magpatawad at bigyan ng pagkakataong magbagong buhay ang kanilang ama. Pareho namang malaya ang dalawa.
"Ang tagal pa ng flight natin, kain muna tayo," sabi ni Sky. Alas sais pa lang at may isang oras pa sila. Sina Blue at Avery ay dumiretso na sa mansion. Naka-check in na rin sila kaya okay na. Pinakiusapan na lang nila ang katulong sa mansion na dalhin ang travelling bag nila na nakahanda na. May mga gamit silang nakahanda na sa mansion para kung may emergency na pupuntahan, madali lang sa kanila.
"Ilapag mo 'yang bag na 'yan," saway ni Taira kay Sky. Mas pinili nitong i-hand carry ang itim na backpack na kanina pa niya binibitbit mula pa sa Bulacan.
"Black? May pera ka bang dala?" bulong ni Nathalie.
"Oo, huwag kang mag-alala," sagot ni Black at inilagay ang kanang kamay sa gitna ng hita ni Nathalie at pinisil ito. Pasimpleng tinanggal ni Nathalie ang kamay ng binata at pinandilatan ito kaya ngumisi si Black.
"Di ka na virgin, Nat-Nat ko," bulong niya matapos akbayan ang dalaga. Thanks sa table cloth, hindi nakita ng mga nasa paligid ang ginagawa ng kamay ng beking si Black. Well, hindi na pala ito Bakla. Binago na ng tuluyan ni Nathalie.
"So? Nasa public place tayo kayo behave ka!"
Ilang sandali pa ay tinawag na sila para sa departure.
Pumila sila. Para nga silang mga artista dahil ang daming nakatitig sa kanila pero kaniya-kaniya silang akbayan ng mga kasintahan.
Pagkapasok sa eroplano, nasa likurang row sina GV at LL nina Sky at Taira at sa unahang row naman sina Black at Nathalie. May isang pasahero lang na nakaupo sa tabi nila dahil tatluhan ang upuan. Si Sky ay nakipagpalit lang sa isang pasahero para makatabi si Taira.
"Mine? Salamat dahil pinagbigyan mo ako," sabi ni GV at ipinulupot ang kamay sa braso ni LL saka isinandig ang ulo sa balikat nito. Batapa sila pero alam niyang kakayanin nila ni LL ang mga problemang darating na magkasama.
"Mahal kita eh!" sagot ni LL at hinalikan ito sa ulo. Masasabi niyang buo na ang buhay niya dahil natagpuan niya ang nawawalang kapiraso nito, si GV. Kahit saan pa ito magtago, hahalughugin niya ang buong mundo para lang maibalik ito sa piling niya.
"Kinikilig ako," nakangiting bulong ni GV dahil nakapikit ang katabing lalaki ni LL. May mga pumapasok pang pasahero kaya 15 minutes pa yata aalis ang eroplano. May last call pa naman.
"Babae ka na," nakangiting sabi ni LL at nilaro ang mga daliri ni GV.
"Babae na nga," pagsang-ayon ni GV. Pero huwag lang itong maghamon ng suntukan dahil hindi niya aatrasan. Malakas pa rin siya!
Ipinikit ni GV ang mga mata. Ganito raw kapag buntis ka, antukin.
Quack! Quack!
Nagmulat ng mga mata si GV at tumingala kay LL. "Narinig mo 'yon?"
"Ang alin?" inosenteng tanong ni LL.
Quack! Quack!
Napapatingin ang pasahero sa gawi nila at hinahanap kung saan galing ang ingay.
Quack! Quack! Quack! Quack!
Mas lalong umingay ang tunog ng bibe kaya napatayo sina GV at LL saka dumungaw sa unahan.
"H-Hala, babymine, bakit may mga bibe sa bag ko?" nagtatakang tanong ni Sky nang buksan ang bag ay may anim na bibe sa loob.
"Damn! Kunin mo!" Utos ni Black na nakadungaw rin sa kapatid nang makitang tumalon pa ang isa pero hindi naman makatayo dahil mahina pa.
"Sir? Bawal po ang hayop dito." Sabi ng flight attendant na pumunta sa kanila. Ang ibamg crew ay lumapit na sa kanila.
Nanghihinang naupo si Black at napayuko sa kahihiyan.
"Hala, itlog pa 'to kanina eh!" depensa ni Sky. Ipinakita pa niya ang nabiyak na shell ng mga bibe.
"Pasensiya na ho, pero kailangan ninyong lumabas para maimbestigahan," paumanhin ng flight attendant at pinaupo nila ang ibang pasaherong tumayo para makiusyoso.
"Walang hiya ka talaga!" Nangigigil na kinurot ni Taira ang asawa.
" Ouch! Babymine, hindi ko sinasadya," sabi ni Sky at binuksan ng kaunti ang bag para makahinga ang mga bibe.
"Bababa na ho kami," sabi ni LL. "Kuya Sky, labas na lang po tayo."
Tumayo na lang sila. Si Black ay inilagay ang hood para hindi mamukhaan ng mga tao at paglabas ay may guwardiya na nakasunod sa kanila para sa imbestigasyon.
"Saan mo kasi kinuha 'yon?" singhal ni Taira na hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na niyang kinurot si Sky. Sarap barilin!
"Doon sa tauhan ni Blue, kinuha ko sa mesa dahil busy sila. Ipapasalubong ko sana ang balut kina Jiro..." sagot ni Sky. "Hindi ko naman alam na mapipisa sila!"
"Pahamak ka talaga!" mahina pero may gigil na sabi ni Black. Kung wala lang na security na nakasunod sa kanila, bugbog sarado na naman itong si Sky.
"Okay lang 'yan, hindi mo naman alam kuya Sky," depensa ni LL. Actually, masaya siya dahil hindi sila matutuloy sa Japan.
Si GV ay pinipigilan lang na tumawa. Para silang hi jackers pero natatawa talaga siya.
"Ang cool ni Kuya Sky kasama," bulong ni GV kay LL at nakipag-holding hands dito. Kahit na saan mang sulok ng mundo siya mapadpad, basta kasama niya si LL, walang problema, kahit na hindi na niya makita si Jiro.
"Magpahinga na lang tayo sa bahay pagkatapos nito," bulong ni LL habang nakasunod kina Sky at Black.
"Sige! Na-miss ko na si John Matthew!" tuwang-tuwang sabi ni GV kaya natigilan si LL.
"B-Bakit si John Matthew?"
"Ang cute kasi niya!" inosenteng sagot ni GV kaya nawalan ng kulay ang mukha ni LL.
"Si J-Jiro ang gusto mong makita, 'di ba?"
Umiling si GV. "Si John Matthew na."
"What?" bulalas ni LL at napatigil sa paglakad pero nang mapansin ang security guard, muling ipinagpatuloy ang pagsunod kina Sky. "Ako na lang, Mine!"
"Si John Matthew ang gusto ko!"



SheManWhere stories live. Discover now