82-83

1.2K 35 0
                                    


SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 82-83
Unedited...
" Magpinsan sila, magpinsan sila, magpinsan sila. " Kanina pa 'yan pabalik-balik ni GV habang naglalakad sa loob ng kuwarto at hinihintay si LL.
Nang may kumatok sa pinto, dali-dali siyang binuksan pero si Ann ang bumungad sa kaniya.
"Manugang? Bakit nandito ka? Nasaan si LL?"
"L-Lumabas ho eh. Hindi pa nakabalik," sagot ni Ann. Ang mga tao ay nagtatawanan at ang iba ay nag-e-enjoy ng magandang fireworks sa labas.
"Halika, ipakilala kita sa mga pamilya nina Dylan, hindi mo pa nakilala ang iba."
"N-Nahihiya ako tita," sabi niya.
"Huwag kang mahiya, sina Mandy lang naman ang nasa baba at ibang kamag-anak nina Dylan na galing sa abroad. Kilala mo naman si Jiro, 'di ba?" sabi ni Ann kaya napakagat sa ibabang labi si GV. Sumunod siya kay Ann pero nang nasa hagdan na sila, hindi niya nakaya ni GV, nagtanong na siya.
"T-Tita Ann? Paano ho ninyo nalamang magkakilala kami ni Jiro?"
Tumigil si Ann at inosenteng tumingin kay GV. "Hindi ba magkasama kayo sa Japan? Sabi ni LL, siya ang nagbabantay sa 'yo roon."
Natigilan si GV. Nalilito na talaga siya kaya hindi niya alam kung magdiwang o maiyak. Walang confirmation at wala pang paliwanag galing sa mga ito lalo na kay LL dahil hindi niya mahagilap ang mokong.
"A-Ah... Opo, friends kami ni Jiro sa Japan," naiilang na sagot niya. Mabibiyak na yata ang ulo niya sa mga nangyayari. Naguguluhan siya.
"Sabi nga namin kay LL, magpakasal na kayo kapag umuwi ka na sa Pinas," masayang sabi ni Ann.
"T-Tita? Paano pala naging pinsan ni LL si Jiro? Hindi ko kasi alam noong una dahil hindi sila magka-apelyido." Sana lang huwag mahalata ng kasama na walang siyang kaalam-alam dahil mukhang siya lang talaga ang walang alam.
"Ang lola ni Jiro, kapatid ni Daddy Demetrio na nasa ibang bansa na nanirahan kaya ganoon. Hindi talaga sila magkaapelyido dahil noong nag-asawa na silang mga babae, hindi na Lacson ang gamit nila," paliwanag ni Ann. Si Lulu na kagaya ni Erin, nakapag-asawa rin ng taga ibang bansa at nagkaroon ng isang anak na babae, si Jamaica Kamsa. Labing anim na taong gulang pa lang si Jamaica ay nabuntis na siya ng anak ng pinakamakapangyarihang mafia boss sa Japan at si Jiro Kamsa Jawaki na nga ang resulta na mas bata lang ng isang taon sa quadruplets nina Dylan kaya mag-second cousin na sila ng quadruplets.
"G-Ganoon pala," naiiyak na sabi ni GV. Ipinakilala siya ni Ann sa mga kamag-anak. Binati pa nga siya ng ina't ama ni Jiro nang magkasalubong sila.
"Mine, kanina pa kita hinahanap!" Parang nabunutan ng tinik si LL nang makita siya. Pagbalik niya sa kuwarto, wala na ang kasintahan kaya baka natakasan na naman siya nito.
"Nandito na ang hayop!" bulong ni GV sa sarili.
"Mine? Okay ka na? Hindi ka na pagod?" nag-aalalang tanong ni LL.
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni GV na sinikap niyang maging normal ang boses dahil katabi niya si Ann sa upuan.
"Pahingain mo na si GV, pagod na siya," sabi ni Ann sa anak.
"Sige po," magalang na sagot ni LL. "Mauna na ho kami mga tita, tito." Paalam ni LL sa mga pinsan ng mga ama lalo na kay Alex. Malapit sila sa tito dahil sabi ng ina, dito raw sila pinaglihi.
"Okay ka lang?" tanong niya kay GV habang papanhik sa hagdan pero walang sagot mula sa dalaga.
Nang pumasok, kaagad na ini-lock ni GV ang pinto.
"Bakit hindi mo sinabing magpinsan kayo ni Jiro?" diretsahang tanong ng dalaga kaya napanganga si LL.
"M-Mine kasi--"
"Ayusin mo ang sagot mo kung hindi, iiwan kita ngayon!" Isang nakakamatay na tingin ang ibinigay niya rito. "Pumunta ka sa Japan pero hindi ka nagpakita sa akin?"
"Mine kasi, sabi ng daddy mo, hayaan muna kitang hanapin ang sarili mo at sabi niya, ibabalik ka raw niya sa akin na babaeng babae na tapos tuturuan ka niya nang maigi para matutong kumilos babae dahil ayaw niya ng tomboy na anak," paliwanag ni LL.
"A-Alam ni Daddy?"
"Two days after ninyong magkakilala ni Jiro, doon ko siya kinausap na ako na ang papakasalan mo at sa akin na sila magbabayad ng utang."
Napaupo si GV sa kama. Masyadong nawiwindang talaga ang utak niya sa nangyayari. "Sabi ng daddy mo, hindi pa raw puwedeng magpakita ako sa 'yo dahil babalik ka lang sa pagiging kilos lalaki mo dahil kinukonsinti ko raw ang mga kilos mo."
"Bakit hindi ninyo sinabi ni Jiro?"
"Si Jiro ang pinakiusapan kong bantayan ka habang wala ako at ang kapalit, 'wag aminin ang ugnayan namin."
"Bakit nang dito na ako sa Pinas, hindi pa rin ninyo inamin sa akin?"
"K-Kasi, iyon ang usapan namin. Isang semester na hindi namin aaminin sa 'yo at nakakaasar siya! Sobrang nakakaasar siya!" sabi ni LL at naikuyom ang kamao. Sa loob ng pananatili ni Jiro sa CTU, wala itong ginawa kundi asarin siya at makipag-kumpetensiya sa kanila lalo na kay GV. Sa tuwing makasalubong at makita niya ang pagmumukha nito, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang suntukin ito.
"Paano mo nalamang nasa Japan ako?"
"Noong na ospital ako, pinuntahan ako ng mga kuya mo dahil naawa naman daw sila sa akin pero konti lang at inaming sa Japan ka itinago ng ama ninyo. Iyon na, pinahanap ko ang ama mo sa Japan kina Jiro at nalaman kong iyon pala ang nangyari sa inyo kaya kinausap ko na sina Tito na kapag ituloy nila ang pagpakasal sa 'yo sa pinsan ko, hindi na namin sila ituring na pamilya," paliwanag ni LL. Ilang beses pa niyang pinagbantaan si Jiro na huwag agawin si GV sa kaniya. Tinatawanan lang siya ng pinsan dahil hindi pa naman nito nakikita ang babaeng tinutukoy ni LL.
"S-Si Noona?"
"Wala kaming relasyon ni Noona, gusto ko lang malaman ang reaksiyon mo. Nagseselos ka pa kay Noona, mine!" nakangiting sabi nito kaya tinaasan niya ng kilay.
"Masaya ka na niyan?" galit na tanong ni GV. "Masaya ka na habang naghihirap ang kalooban ko, natutuwa pa kayo?"
"Hindi ako masaya!" saad ni LL. "Hindi naman ako masaya lalo na noong una kitang makita sa school. Kung alam mo lang kung gaano ako kasabik sa 'yo pero hindi ko alam ang gagawin dahil sa kabayaran kay Jiro sa pagbantay niya sa 'yo sa mga lalaki na umaaligid sa 'yo noong sa Japan ka pa!" Kung alam lang nito ang paghahanda niya sa pagdating ni GV, nagpagupit siya, nagpabango at sa Paris pa pinagawa ang damit niya para lang pag magkita sila, mainlove na si GV sa kaniya.
"Kaya pala wala lang sa 'yo ang lahat dahil wala kang dapat ikabahala!" naiinis na sabi ni GV. "Letse ka! Kaya pala ang saya mo pa habang nagku-kuwento na naka-move on ka na at masaya ka na ngayon kasi... Ugh!" Sa sobrang gigil niya, pinagtatapon na niya ang lahat ng mahawakang gamit sa kama kahit comforter. Si LL ay walang pinoproblema pero siya, gabi-gabi ay nag-iisip kung paano makatakas sa sitwasyon.
"M-Mine, tama na!" sabi ni LL na sinasalo ang mga unan. Nang mapagod ay tumigil na si GV at naupo sa kamang wala nang bedsheet.
Napahilot siya sa sintido nang makaramdam ng pagkahilo. Naalala pala niyang buntis siya.
"Pakiayos ng kama at matutulog na ako." Nanghihinang utos niya kay LL. Manganganak yata siya ng maaga. Lumipat siya sa couch para sa pag-aayos ng kasintahan.
"S-Sige." Nagmamadaling dinampot ni LL ang mga kagamitang nasa sahig at inayos ang kama. Sanay na siyang magligpit dahil noong bata pa sila, palaging tinuturo sa kanila ng lola Patch niya ang tamang pag-ayos ng kuwarto. Nagbihis si GV at paglabas niya sa bathroom, nasa ayos na ang lahat.
"Salamat," sabi ni GV at nahiga saka nagtalukbong ng kumot. Nang umuga ang kama, sumimangot siya. "Huwag kang tumabi sa akin, galit ako sa 'yo!"
"Mine, gusto kitang makatabi."
"Ayoko sabi! Sa labas ka!" singhal niya at hinarap ito. "Bumaba ka sa kama kung hindi, sisipain kita!"
"A-Ayaw mong tumabi sa akin?" malungkot na tanong ni LL. Gusto talaga niyang mayakap si GV pero mukhang amasona ang mukha nito. "S-Sa couch na lang ako..."
Tumayo na siya pero ang mga mata ay nagmamakaawang nakatingin kay GV. Baka kasi magbago pa ang isip ng dalaga pero wala talaga.
"Pasalamat ka, mahal kita!" sabi ni LL at kumuha ng extra kumot sa cabinet.
Niyakap ni GV ang hotdog na unan at tinalikuran si LL para hindi makita ang mukha nito.
"Suplada niya kasi alam niyang mahal ko siya!" bulong ni LL. Napangiti si GV. Alam niyang mahal siya nito pero ayaw talaga niyang makatabi ito, nasusuka siya sa amoy ng katawan ni LL. At least, ito ang gabing makakatulog siya na hindi nag-iisip tungkol sa relasyon nila ni Lance Leonard.
Dahil mahimbing ang pagkakatulog ni GV, hindi na niya namalayang lumipat si LL sa tabi niya at niyakap siya bago hilain ng antok ang binata.
Kinabukasan, wala si LL sa kama at couch, kahit sa shower room ay wala rin kaya mabilis na lumabas si GV.
Tahimik ang buong paligid dito sa second floor. May nakita siyang mga binatang nakahiga sa couch at may ilang katulong na nagliligpit ng mga kalat. Alas siyete pa lang ng umaga kaya alam niyang natutulog pa ang ibang bisita. Ang iba ay nasa labas at umiinom ng kape.
"Nakita hi ba ninyo si LL?" tanong niya sa katulong.
"Nasa storage room ho siya," sagot ng dalaga.
"Salamat ho." Nginitian niya ito at tumungo sa storage room na malapit lang sa kusina. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya tinulak na niya para makapasok.
"Lance--" natigilan siya at nanlaki ang mga mata sa nakita, nakaupo sa silya si Lance at may pinapakaing pusa. Nagupitan man ang balahibo nito pero hindi siya puwedeng magkamali. Ang alaga niya ito.
"M-Monay! Oh my ghad! I-Ikaw nga!" naiiyak na sabi niya. Ang taba na nito!
"B-Buhay ka!" Tumulo na ang mga luha niya. Sobrang na-miss niya ang alaga kaya lumapit siya rito para yakapin pero pinigilan siya ni LL.
"Baka makalmot ka, Mine!" sabi ni LL. Sinundan niya si GV nang lumabas sa bahay nila at nagtampo siya sa dalaga nang ipaampon ang pusa. Kinuha niya si Monay at dinala sa Pilipinas pero nakiusap siya sa kaibigan ng mommy ni Jiro na kung sakaling may maghanap ng pusa, iyon ang sasabihin nito.
"H-Hindi na niya ako kilala," umiiyak na sabi ni GV at napatingin sa pusang tumalon at naglakad papasok sa nakabukas na pinto. Sinundan niya ito at nagtatakang humarap siya kay LL. Nagtatanong ang mga mata kung tama ba ang nakikita niya?
"K-Kakapanganak lang niya kaya baka makalmot ka niya," paliwanag ni LL. Nahiga kasi si Monay at pagapang na lumapit ang maliliit na pusa at dumede sa kaniya habang si Pitoy ay nakahiga sa isang tabi at natutulog kasama ang tatlong pusang kakulay nito.
"D-Dalawa sila ni Pussy ang asawa niya?"
Tumawa si LL dahil sa reaksiyon ng dalaga. Pinadala niya kay Anndy ang mga pusa dahil nasa clinic daw si Pussy. "Wala naman akong sinabing asawa ni Pitoy si Pussy."
"Sabi mo binuntis ni Pitoy si Pussy!"
"Ang sabi ko lang naman, nakabuntis si Pitoy at magiging ama na siya pero wala akong sinabing si Pussy ang nabuntis niya," nakangiting paliwanag ni LL kaya hinampas siya ni GV sa sobrang inis.
"Nakakainis ka, sobra! Ne hindi mo sa akin sinabing si Monay ang buntis!"
"Hindi ka naman nagtanong, Mine." Natatawa talaga siya sa dalaga. Ang cute nito. Si Noona ang karamay niya sa pag-alaga sa mag-asawang pusa. Kaya bilang pasalamat, binilhan niya ng pusa si Noona para maaliw rin ang dalaga. Minsan, doon na niya pinapatulog sa condo ni Noona ang mga pusa para may kalaro si Pussy.
"Hindi mo ako tinama noong sinasabi kong taksil si Pitoy!" Malay ba niya na buhay pala ang alaga niyang si Monay.
"Eh kasi ang cute mong magselos, mine!" Hindi talaga niya maitago ang saya dahil sa reaksiyon ng kasintahan.
"I hate you! Hindi pala taksil si Pitoy," sabi niya at muling umiyak nang makita niyang dinidilaan nina Monay at Pitoy ang mga anak nila. "Wala man lang kulay itim, puro puti at orange," reklamo niya.
"Oo, hindi siya taksil, si Monay pa rin ang mahal niya," sabi ni LL at niyakap siya mula sa likuran. "Parang ako, kahit kailan, hindi ako nagtaksil sa mine ko!"
"Nagsinungaling lang!" pagtatampo ni GV pero masaya siya! Walang kasing saya! Salamat kay LL, dahil kahit kailan, hindi siya sinukuan!
CHAPTER 83
Unedited...
Nag-uusap na ang mga magulang nila tungkol sa kanilang relasyon. Kahit na nga ang kasal nila, isiningit din ni LL.
"Seryoso ho ako sa anak ninyo, papakasalan ko ang mine ko, Mister Potoy," sabi ni LL at napasulyap kay GV na kinakalong ang dalawang anak ng mga pusa.
"Siguraduhin mo lang dahil nag-iisang anak ko lang 'yang babae," seryosong sabi ni Dante.
"Opo..." Sabay akbay kay GV pero itinulak siya ng kasintahan.
"Lumayo ka sa akin!" Pagtataboy ni GV at pinandilatan si LL.
"Palagi na lang," bulong ni LL. Hindi niya ito maintindihan. Kung kailan okay na sila, saka naman ito nagiging maldita sa kaniya.
"Mauna kami, may business meeting pa kami," paalam ni Dylan sa dating mag-asawa at nakipagkamay sa mga ito. Ang mga kapatid ni GV ay nakikinig lang sa usapan. Wala naman silang magawa at naipakita naman ni LL kung gaano nito kamahal ang unica hija ng pamilya.
"Sige balae," sabi ni Cynthia na nakangiti. Hindi niya inaasahang ang bait ng mga Lacson at boto ang mga ito sa anak niya.
"Pasyal kayo minsan sa bahay ha, ipagluto ko kayo," excited na sabi ni Ann kaya napakamot na lang si LL. Ang mga kapatid ay hindi na sumama dahil manggulo lang daw sila sa usapan sabi ni Dylan.
"Mommy Cynthia? Doon muna matulog si GV sa bahay," paalam ni LL at inilagay na ang mga pusa sa lagayan.
"Sige, basta huwag mong pabayaan ang anak ko," pagpayag ni Dante.
"Ako ho ang bahala sa kaniya."
Sumama si GV dahil gusto niyang makaiwas sa tukso ng mga kuya niya. Isa pa, gusto lang talaga niyang sumama dahil kung anu-ano ang iniisip niya kapag hindi makita si LL.
"Mine? Ano ang gusto mong kainin mamayang dinner?" tanong ni LL habang nasa biyahe na sila. Si Dylan ang nagmamaneho katabi ng asawa.
"Wala."
"Kare-Kare?"
"Ayoko!"
"Isda?"
"Ayoko!"
"Ako?" biro ni LL at nilaro ang mga daliri niya sa kaliwang kamay.
"Mas lalong ayaw ko!" nakasimangot ma sagot ni GV.
"Mine? Bakit ba ang sungit mo?"
"Huwag mo nga akong kausapin! Sumasakit ang ulo ko!"
"Suplada!" nagtatampong sabi ni LL at isinandal sa balikat ni GV ang ulo niya saka niyakap ito sa bewang. "Sana magka-baby na tayo."
Gusto na talaga niyang magka-baby pero ang sabi ni GV, meron daw ito kaya mag-iisang linggo na silang walang body bonding. Palagi pa siya nitong sinisigawan pero tinitiis lang niya dahil ganoon daw ang mga babae kapag may buwanang daloy, nagiging tigre pero kapag tapos na, parang maamong pusa na.
"Huwag kang umasa, baog ka!" sabi ni GV at nilalaro ang buhok nito. "Nagpalit ka ba ng shampoo?" tanong niya at sininghutan ang buhok ni LL.
"Hindi a. Bakit?"
"Ang bango kasi!" puri ni GV saka hinalikan ang ulo ni LL. Trip lang niya.
"Bakit ang shampoo ko, nababanguhan ka pero ang perfume, hindi?"
"E kasi, ang baho mo!" sagot ni GV.
"Ang bango ko kaya!" depensa ni LL at mas lalong hinigpitan ang yakap kay GV. Ang mag-asawa sa unahan ay may sarili ring mundo at kung anu-ano ang pinag-uusapan.
Pagdating sa bahay, dumiretso sila sa kuwarto ni LL. Ang mga pusa ay pinadala niya sa katulong sa kuwarto ng mga ito.
"Mine? Matulog muna tayo, inaantok ako." Alas dos 'y medya na sa wall clock kaya sobrang antok na antok si LL.
"Ayaw kong matulog, ikaw na lang!" sabi ni GV at lumapit sa closet. May mga damit na siya rito dahil sabi ni LL, ibabahay na siya dahil kasal lang naman daw ang kulang sa kanila kaya mas nainis siya rito.
Matapos kumuha ng damit ay pumasok siya sa shower room. Paglabas niya ay naghihilik na si LL kaya kinuha niya ang unan at hinampas ito.
"Shit!" sabi ni LL at napabangon. "Mine? May problema ba?"
"Huwag kang humilik! Ang ingay mo!"
"Hindi naman ako naghihilik ah!" depensa ni LL.
"Sa labas lang muna ako, magkukuwentuhan kami ni Tita Ann," paalam niya.
"Mommy Ann!" pagtatama ni LL.
"Tita Ann!" giit ni GV at padabog na lumabas.
Hinanap niya si Ann at sa terraza niya ito nakita na nakatulala dahil tila may iniisip.
"Manugang!" bati ni Ann nang mapansin siya at tumayo saka humalik sa kaniya.
"Tita, may iniisip mo ba kayo?"
"Wala, nagmumuni-muni lang. Dati, pinapatuli pa lang namin ang quadruplets tapos ngayon, mag-aasawa na ang isa sa kanila," sagot ni Ann at nginitian ito. "Maupo ka."
Hinila ni GV ang isang upuan at naupo sa harapan ni Ann na nakaupo na. "Si Tito Dylan po?"
"Umalis dahil may meeting daw," sagot ni Ann at pinagmasdan si GV. "Ang ganda mo na!"
"S-Salamat ho," naiilang na pasalamat ng dalaga. "T-Tita? May sasabihin sana ako sa 'yo pero secret lang natin ha," mahinang sabi ni GV dahil baka may makarinig sa kanila. Lumapit si Ann at palinga-linga dahil may makakita o makarinig sa kanila.
"Ano iyon, manugang?" bulong ni Ann.
"T-Tita, k-kuwan..."
"Huwag kang mag-alala, safe ang sikreto mo sa akin." Hinawakan niya ang mga kamay ni GV na nakapatong sa maliit na table na nakapagitna sa kanila.
"T-Tita... Ahmmm. B-Buntis ho ako," pag-amin ni GV at napakagat sa ibabang labi.
"B-B-Buntis ka?" nanlaki ang mga mata ni Ann at hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa kaniya.
"O-Opo..."
"Waaaah! Magkakaapo na ako?" natutuwang sabi ni Ann.
"T-Tita, huwag kang maingay, secret lang natin," bulong ni GV.
"Ay, hindi pa alam ni Lance Leonard?"
"H-Hindi pa po," sabay iling ni GV. Wala siyang balak na ipaalam dito. Bahala siya!
"Ayieee. Pero kay Dylan aminin natin GV ha," parang batang kinikiliting sabi ni Ann. "Para hihingi tayo ng pambili ng gamit ninyo ni Apo, mag-shopping tayo bukas."
"Bahala ka po, basta huwag mo lang sabihin kay LL, naiinis ako sa kaniya!" nakasimangot na sabi ni GV.
"Sarap niyang patayin noh?" sabi ni Ann.
"Opo!"
"Naranasan ko na 'yan kay Dylan!" Humagikhik ito. Si Alex pa nga ang pinaglilihian niya noon sa quadruplets kaya asar na asar si Dylan.
Ayun, nag-usap sila maghapon at nang magtakip-silim ay niyaya ni Ann si GV na sila na ang maghanda ng makakain pero si GV na ang pinagtimpla niya dahil magagalit na naman ang mga anak sa kaniya.
Kinaumagahan, excited na pinabihis ni Ann si GV para mag-shopping.
"Sasam ako Mommy!" excited na sabi ni Anndy.
"Bahala ka basta sasama si GV!" sagot ni Ann. "At dahil wala kaming driver, ikaw ang magmaneho, LL!"
"Sige po," pagsang-ayon ng binata. Hindi siy puwedeng maiwan dahil kasama ng dalawa si GV. Baka kung ano pang kalokohan ang maisip ng mga ito.
"Si Jiro po?" tanong ni GV.
"Bumalik na kahapon sa Japan," sagot ni Anndy. Nang hindi siya isinama ng mga magulang kina GV, sumama na lang siya sa paghatid sa pinsan.
"Bakit mo natanong ang wala?" salubong ang mga kilay na tanong ni LL.
"Na-miss ko siya, bakit ba?"
"Nakakatampo ka naman! Kayo na nga ang magkasama ng halos kalahating taon tapos siya pa ang hahanapin mo? E ako? Ne minsan ba, inalala mo ako nang sa Japan kayo? Hindi!" sumbat ni LL kaya natahimik si GV. Damn! Pinapagalitan siya ni LL. Hindi ba nito naiisip na nakakasama sa kaniya ang mga pinagsasabi nito?
"Sorry," agad namang bawi ng binata nang mapansing naluluha na siya. "Hindi ko lang mapigilan ang mainis!"
"Tama na nga 'yan! Magbihis na kayo para makaalis na tayo!" saway ni Ann at binigyan ng pagbabantang tingin ang anak.
"M-Mine? Bihis na tayo," malumanay na sabi ni LL at iginiya patungo sa elevator ang fiancée.
Matapos nilang magbihis, siya ang nagmaneho ng puting van patungo sa SM.
"Ano ang bibilhin ninyo?" tanong ni LL dahil dumiretso ang tatlo sa maternity section.
"Bibili ng maternity dress at mga gamit ng baby!" sagot ni Anndy habang nakasunod sa inang iginagala ang mga mata sa palibot.
"Sino ang buntis?" nagtatakang tanong ni LL na nakaakbay kay GV. "Mom? Sino ang buntis? Buntis ka?" Nanlaki ang mga matang tanong niya dahil puwede pa naman itong manganak.
"Hindi na ako puwedeng magbuntis!" nakasimangot na sagot ni Ann. Nagpa-ligate na siya.
"Mag-ina sila?" bulong ng saleslady na nakamasid sa kanilang apat.
"Hala, akala ko magkapatid silang tatlo," wika ng isa.
"E sino nga po ang buntis?" Humarap siya kay Anndy at nagdududang tinitigan ang bunsong kapatid.
"Hindi ako ah!" mabilis na tanggi ni Anndy dahil sa ibang klaseng tingin ni LL. "Ang anak ng kaibigan ni Mommy ang buntis! Ipamili namin siya dahil namumulubi na raw!"
Kinuha ni LL ang kulay pink na maternity dress. "Mine? Bagay sa 'yo 'to kapag mabuntis ka."
"Oo nga, maganda. Kunin natin!" Sabat ni Anndy at inilagay sa basket ang damit.
"Huwag!" tanggi ni LL at mabilis na inagaw kay Anndy. "Sa mine ko 'to eh!" Hinarap niya si GV at itinapat ang damit saka pinagmasdan. "Bagay sa 'yo 'to Mine, kukunin natin para kapag mabuntis ka, hindi ka na mamroblema sa isusuot."
"Hindi mabubuntis si Ate GV dahil baog ka," pang-aasar ni Anndy.
"Mabubuntis siya! Hindi pa nga lang kami ready pero mabubuntis siya!" giit ni LL. Desperado na siya dahil mula nang may nangyari sa kanila ni GV, wala naman siyang proteksyong ginamit pero bakit wala pa rin?
"M-Mine? Paano kung baog nga ako?" kinakabahang tanong ni LL kay GV habang naglalakad palapit kina Anndy at Ann.
"Mag-ampon na lang tayo," seryosong sabi ni GV. "Nakapa-checked-up ako at walang problema sa akin."
Napansin niyang namutla si LL. "B-Baka baog ako?"
"Baka baog ka nga, patingin tayo," suhestiyon ni GV at binigyan ito ng nakakaawa look.
"M-Mine? Natatakot ako," sabi niya, "P-Paano kung hindi kita mabigyan ng anak? Mamahalin mo pa kaya ako?" Nakakabakla man pero paiyak na talaga siya. Sino ba ang lalaking ayaw magkaanak sa babaeng mahal niya? Lalo na't hindi naman problema ang pera sa kanilang pamilya.
Tumaas ang kilay ni Ann sa narinig. Si Anndy naman ay pinipigilan lang ang sarili na tumawa.
"Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo kahit na baog ka pa pero kapag baog ka nga, magpapabuntis ako kay Jiro ha!" paalam ni GV at napakagat sa ibabang labi para hindi matawa sa hitsura ng kasintahan.
"H-Hindi ako baog!" matapang na sabi ni LL. Patingnan nga niya mamaya kay GV ang kulay ng pitotoy niya kung baog nga siya.
"Ito na lang ang damit para unisex dahil hindi pa natin alam ang gender," sabi ni Ann. "Saka na tayo mamili kapag alam na natin."
"Ilang buwan na ba ang pinagbubuntis niya?" tanong ni LL.
"Wala pang tatlong buwan," sagot ni Ann.
"Sa susunod na mag-shopping tayo, ipinapangako kong para na sa anak ko ang binibili natin!" determinadong sabi ni LL. Bubuntisin niya si GV sa kahit na anumang paraan para hindi na maagaw sa kaniya.
"Baog ka, Kuya!" paalala ni Anndy.
"Hindi ako baog! Mapapatunayan ko rin 'yon sa inyo!" giit ni LL at hinapit sa bewang si GV. "Kapag tapos na ang ano mo, Mine, gawa na tayo ng baby," bulong niya saka hinalikan sa noo ang dalaga.
"Lumayo ka sa akin! Ang baho mo!" reklamo ni GV.
"Huwag mo namang isigaw, baka isipin nilang hindi ako naliligo!" daing ni LL dahil may napapatingin sa kanila. "Sobra ka pa sa buntis!"
Nang matapos silang makabayad, kumain muna sila sa restaurant na pagmamay-ari ng mga Villafuerte.
Alas dos na sila nang makauwi na sa mansion. Nagpahinga muna si GV at nang magising ay alas kuwatro na ng hapon. Nabasa niya ang note ni LL na sa theater lang ito kasama ng mga kapatid. Bitbit ang notebook, bumaba siya at pumuwesto sa tree park para mag-aral dahil final exam na nila sa Monday. Nagpahatid siya ng merienda sa katulong para malagyan muna ang sikmura niya bago mag-aral. Kaunti lang kasi ang nakain niya kanina dahil hindi niya gusto ang amoy ng in-order nina Ann.
"Mine!" bati ni LL at naupo sa harapan niya.
"May kailangan ka?" tanong ni GV at sumenyas sa katulong sa hardin para iligpit ang mga pinagkainan.
"Ang ganda mo!" nakangiting puri ni LL. Ang ganda naman talaga ni GV. Ito na yata ang pinakamagandang babaeng nakikita ng mga mata maliban sa babaeng pamilya.
"Mag-aaral na ako," sabi ni GV at inilagay ang notebook sa ibabaw ng mesa matapos iligpit ng katulong ang plato.
Nang buksan niya ang aklat, lumipad ang isang bondpaper kaya dinampot ni LL.
"Sino ang gumuhit nito?" tanong niya at pinagmasdang maigi ang sports car.
"Hindi ko alam. Nakita ko lang 'yan sa restroom ng school. Itinago ko dahil baka may maghahanap pero wala naman," sagot ni GV. Ang ganda lang ng sports car kahit na medyo luma na ito. "Bakit?" nagtatakang tanong ni GV.
"Ang sasakyan kasi, ito ang race car na ginamit ng sorority queen noong huling karera niya," wala sa sariling sabi ni LL.
Isang red 1963 ferrari 250 GTO.
Ito ang pinaka-most expensive and desirable na race car sa buong mundo na nakuha ng sorority queen dahil sa bidding sa halagang 52 million dollar o mahigit sa 2billion pesos.
"Baka nakita lang niya kaya iginuhit niya," sabi ni GV.
Pinagmasdan ni LL nang maigi ang hawak na bond paper. Mula nang maaksidente ang sorority queen, hindi na naisapubliko ng kanilang pamilya ang mamahaling sasakyan pero balak nilang ilagay sa school museum after ng search for sorority queen.
"Paano niya nalamang may nakaukit na S.Q sa kanan ng manibela nito?" bulong ni LL dahil ang manibela na nakaguhit, ito ang orihinal na manibela ng sasakyan, pinalitan lang ng lolo Lee nila nang masira at ang orihinal ay itinago, "Unless, nakasakay siya mismo sa race car bago pa gamitin ng sorority queen?"

Q sa kanan ng manibela nito?" bulong ni LL dahil ang manibela na nakaguhit, ito ang orihinal na manibela ng sasakyan, pinalitan lang ng lolo Lee nila nang masira at ang orihinal ay itinago, "Unless, nakasakay siya mismo sa race car bago pa gamitin...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


May port sa Facebook sina GV AT JM. search nyo na lang po.

SheManWhere stories live. Discover now