50-51

913 35 0
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 50-51

Unedited...
"Ayoko ngang manood ng sine!"
"Sige na, Mine!"
"Ayoko nga! Hindi ako bababa!"
"Maganda ang palabas ngayon. Beauty and the Beast!"
"Kahit Beauty and the Prince pa 'yan, wala akong pakialam! Iuwi mo na ako sa amin dahil mag-a-alas siyete na!"
Kanina pa sila nagtatalo ni LL. Kahit na ano ang mangyari, hindi siya sasama rito! Hindi naman ito nanonood. Kung anu-ano lang ang pinaggagawa!
"Pasyal na lang tayo sa seaside ng MOA. Manood tayo ng banda."
"Ayoko!"
"Sige na. Hindi na nga tayo manonood ng sine kaya banda na langm," giit ni LL kaya napabuntong hininga si GV.
"Kalahating oras lang," pagpayag niya. Aabutin sila ng umaga kapag hindi siya papayag lalo na't naka-lock ang pintuan ng sasakyan nito.
"Sige, mauna akong bababa," masayang sabi ni LL. Mahirap na. Wais din tong si GV kaya baka hindi pa siya nakababa, nasa malayo na ito at nakasakay sa taxi.
Nang pagbuksan niya ito, abot langit ang pagsimangot ng dalaga.
"Waaah! Si Lance Leonard ba 'yan?" tili ng babaeng nakaupo sa table sa labas ng Padis Point nang mapadaan sila.
"Baka kamukha lang! Hindi naman bakla si Lance," sagot ng kasama nito dahil nakaakbay si Lance kay GV at nakipagharutan pa.
"Siya talaga eh!" giit ng babae.
"Siya ba 'yan? Bakla si Lance Leonard? Bakit lalaki ang kasama niya at ang sweet pa nila?"
Narinig lahat ni GV ang mga usapan sa paligid. Mukha ngang bakla ang isa sa kanila dahil pareho silang lalaki sa mga mata ng nasa paligid.
"Lance? Huwag mo na kasi akong akbayan! Napagkamalan tuloy tayonv bakla!" saway ni GV at pasimpleng tinanggal ang kamay ni LL sa balikat niya pero hinawakan naman ng binata ang kamay niya para holding hands sila.
"Hayaan mo sila! E ano naman kung bakla?" nakasimangot na sabi ni Lance Leonard saka mabilis na ninakawan siya ng halik sa pisngi.
Napapikit si GV. Para siyang bulkan na sasabog na pero pinipigilan lang niya dahil alam niyang may mamamayang madadamay kapag bumuga siya ng lava! Pero sasabog na talaga ang puso't utak niya!
Naupo sila sa mahabang bench na nakaharap sa dagat.
"Bakit ba ang clingy mo?" tanong niya. Ang liwanag ng mga ilaw sa poste kaya kitang-kita niya ang mukha ng mga dumadaan.
"Magkasintahan naman tayo kaya okay lang," sagot ni Lance saka nilalaro ang mga kamay ng dalaga na nasa kandungan niya.
"Hindi sa public place!"
Nakangising humarap si LL sa kaniya. "Sa private place lang?"
Mas lalong sumakit ang ulo niya rito.
"Dapat kasi, sa sinehan tayo para may privacy."
"May privacy pa talaga tayo sa sinihan ha!" nasusukang sagot niya at hinila ang kamay na hawak ni Lance pero inakbayan na naman siya nito.
"Oo naman. Madilim sa sinihan," bulong ni LL at hinalikan siya sa kanang pisngi. Nanayo na naman ang lahat ng balahibo ni GV.
"Haist! Bakit ka ba halik ng halik?"
"Nakakagigil ka kasi, Mine!"
Patawarin lang siya ng mga Santo pero mukhang makakapatay siya ng tao sa murang edad at isang Lacson pa!
"Uwi na tayo!" yaya niya.
"Mamaya na, Mine!"
Tumayo na si GV at padabog na naglakad.
"Mine!" tawag ni LL habang humahabol sa kaniya. "Wait mo'ko!"
Hinihingal na hinawakan siya ni Lance sa braso.
"Yuck! 'Di ba, si Lance 'yan? Bakla ba siya?" bulalas na naman ng dalawang babaeng nakasalubong nila.
"Pahiya sa pamilya nila!"
"Mine?" bulong ni LL at inakbayan siya. "Huwag mo na silang pansinin. Hindi lang talaga nila nararamdaman ang nararamdaman natin."
Hindi na sumagot pa si GV.
Kung nararamdaman lang siguro nila ang pakiramdam niya, pustahan, magwawala sila!
Tiningala niya si LL. Oo nga't naiinis siya rito pero at the same time, naaawa siya. Hindi naman ganito ang pagkakilala niya dahil nagsasapakan pa sila noon. Nagsisigawan. Kahit sa panaginip, hindi niya inakalang mahalin siya nito ng walang alinlangan. Biglaan lang.
"Lance? Mahal mo ba talaga ako?" tanong niya. Tumigil si Lance at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"I may look stupid but yes, mahal talaga kita, GV. Maging ano o sino ka man. I don't know why pero mahal kita. Iyon ang isinisigaw ng puso ko."
Habang naglalakad, napapaisip si GV. Kahit sa family ng kasintahan, napagkamalan ding bakla si LL dahil sa kaniya.
Habang nasa biyahe pauwi, tahimik lang si GV. Panaka-nakang nagsasalita si LL pero tinatanguan lang niya.
"Salamat sa paghatid," pasalamat ng dalaga nang nasa tapat na sila ng bahay niya.
"Wala iyon. Ingat ka, Mine!" Si GV na ang bumukas ng pinto.
Nagmaneho na rin pauwi si LL.
Pagdating niya sa mansion, nasa sala ang mga magulang.
"Lance?" tawag ni Ann.
"Po?" tanong ni LL.
"Alam mo namang nasasaktan si JM, 'di ba?" mahinahong sabi ng ina.
"Ako ang pinili ni GV, Mommy."
"Pero LL, hindi mo naman kailangang magpaka-sweet sa harapan ng kapatid mo. Alam mo namang nasasaktan siya? Nagmahal din naman siya," madamdaming sabi ni Ann. Somehow, she felt pity sa isang anak.
"Nextime naman kapag maka-move on na siya," pangungumbinse ni Ann.
"I am for who and what I am!" pagsisinuplado ni LL kaya sumabat na si Dylan.
"But he is your brother! Be sensitive, LL! Huwag masyadong sugapa! Always love your brother kahit na magkalaban man kayo sa pag-ibig! Consider his feelings! Nagmahal din siya! What if kung siya ang pinili ni GV at hindi ikaw? What would you feel?"
Tumahimik si LL.
"Mauna na ako sa itaas, dad. Pakitawag na lang po ako kapag kakain na," wika ng binata saka tinalikuran ang mga magulang.
Naglakad siya palapit sa elevator. Nang makapasok, isasara na sana niya pero nakita niyang patakbong lumalapit si Anndy.
"Kuya!" sigaw nito kaya hinintay niya ang kapatid na makapasok.
"Oh? Ano ang nangyari sa 'yo?" tanong niya saka pinindot ang third floor.
"Kuya," paglalambing ni Anndy saka niyakap ang kanang braso niya. "H-Hindi ko pa po nahanap ang nawawalang shoes ko!"
"Nandiyan lang 'yan," sagot ni LL.
"Wala po talaga. Maniwala ka. As in wala. Lahat ng sulok ng bahay, nahalughog na nila pero wala!" naiiyak na sabi nito. "K-Kuya, alam mong special sa akin iyon. Bigay iyon ni Lola Patch eh. Magagalit 'yon kapag malamang nawala ko!"
"Alam na niya kaya mamayang gabi, multuhin ka niya at putulin ang paa m--"
"Waaah! Ang sama mo! Hindi na kita bati!" natatakot na sabi ni Anndy saka yumakap sa kapatid. Bigla na lang kasing nanlamig ang paa niya. Or baka guni-guni lang niya?
Tumawa naman si LL. "Natakot ka? Biro lang, Princess." Bumukas ang pinto pero nakayakap pa rin ang kapatid sa kaniya.
"Bitiw na. Lalabas na tayo."
"Ayaw! Natatakot ako!"
"Haist! Biro lang iyon! Bitiw na dahil bibihis pa ako!" Ang lagkit na niya. Kanina pa niya gustong mag-shower.
"Ayoko sabi!" Mas hinigpitan ni Anndy ang pagkakayakap sa kaniya.
"Ano ang nangyari sa inyo?" tanong ni Jacob na kasama si Allan.
"Kuya Jacob, si Kuya Leonard ang sama!" sabay takbo sa isa pang kuya at yumakap.
"Binibiro ka lang!" Nilampasan na sila ni Leonard. Noong isang araw pang reklamo ng reklamo si Anndy dahil sa nawawala raw na kaliwang sapatos. Sinadyang ipagawa pa nga iyon ni Patch kaya mahalaga sa dalagita.
Nang makapasok sa kuwarto, ini-lock niya ang pinto saka naghubad ng damit at pumasok sa shower room. Habang naliligo, ang dami niyang naiisip. Tungkol sa kanila ni GV at sa kapatid niyang si JM. Alam niyang may lamat na ang relasyon nila bilang magkapatid pero ano ang magagawa niya? Hindi niya kayang magparaya. Hindi niya ipaparaya ang pagmamahal kay GV. Kahit siya, napapatanong din sa sarili na bakit si GV pa? E ang daming babae na umaaligid sa kaniya at puwedeng seryosohin.
Nakatapis siya ng puti at malapad na tuwalya nang lumabas. Lumapit siya sa glass window at hinawi ang kurtina. Mula sa kuwarto niya, nakikita niya ang olympic size na swimming pool. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang makita niya si John Matthew na pabalik-balik na lumalangoy sa pool.
Isinara niya ang kurtina at tinext si GV para ipaalam na susunduin niya ito bukas dahil magkakaroon ng outing ang pamilya sa Batangas dahil babalik na ang mga ito. As usual, wala siyang reply na natanggap kay GV.
Kinabukasan, maaga pa siyang nagpaalam sa ina para sunduin si GV.
"Susunod na lang kami ni GV sa Batangas, Mommy!" sabi niya. Nasa terasa ang magulang habang nagkakape.
"Overnight swimming iyon. Ipaalam mo si GV nang maayos," sabi ni Dylan at hinigop ang kape sa mug.
"Yes, Dad!" sagot ni Lance Leonard. Silang mga Lacson lang ang mag-a-outing.
"Sige na, mamaya unti, aalis na kami. Sumunod kayo kaagad!" pagtataboy ni Ann. Wala pa namang alas sais pero kanina pa nakahanda ang mga gamit nila. Ang resort na lang ng mga Rodriguez ang gagamitin nila dahil malawak ito.
Ang pulang porsche na ang ginamit ni LL para sunduin ang kasintahan.
Pagdating niya sa bahay nina GV, pinapasok siya ng katulong.
"Si GV po?" magalang na tanong niya at iginala ang paningin sa bahay nina GV. Malaki na ito pero para sa kaniya na nakatira sa malaking mansion, ang liit lang nito. Simple ang mga kagamitan at halatang puro lalaki ang mga nakatira dahil sa mga panlalaking gamit.
"Nasa sala po. Diretso lang kayo," sabi ng katulong at dumiretso sa kusina dahil nagluluto pa siya. Ang ina ni GV ay natutulog pa. Alas otso pa ang gising nito at ang dalawang kapatid ni GV, nasa barkada pa rin.
"G-GV?" bulalas ni LL nang makita ang dalagang nakaupo sa sofa. Ilang beses pa niyang ikinisap ang mga mata dahil baka nananaginip lang siya sa nakikita.
"B-Bakit ganiyan ang mukha mo?" naiinis na tanong ni LL. Nakatulala kasi ito habang pinagmasdan ang kabuuan niya. "Ayaw mo ng suot ko? Magpapalit ako!" galit na sabi niya. Kanina pa niya kinakati sa suot na bestida! Ang hangin pa ng hita niya at pakiramdam niya kapag tumayo siya, lilipat ang suot niya kasama ang panty.
"B-Bakit ganiyan ang suot mo?" natatawang tanong ni LL nang mahimasmasan. "Mine! Ano ang nangyari sa iyo?" Gusto niyang isiping may deperensiya lang siya sa mata o joke lang ang nakikita pero si GV talaga ang nasa harapang nakatingala sa kaniya. May panyo pa sa ulo na ginawang headband.
"E kasi palagi ka na lang napagkamalang bakla kapag ako ang kasama mo!" Nakasimangot na sagot ni GV. Firstime niyang gagawin ito at kanina pa siya kinikilabutan sa sarili. Ni hindi na nga siya tumingin pa sa salamin. Nasusuka lang siya!
Napahawak si LL sa tiyan dahil sa kakatawa. "Ikaw pa talaga 'yan? Mine? Mukha kang bakla!" Napaupo na talaga ito sa tabi ni GV. Hindi talaga siya makapaniwala na nagsuot ng ganito si GV at sleeveless pa.
"Walang hiya ka!" nanggigigil na binatukan siya ni GV kaya tumigil ito sa kakatawa. "Dapat magpasalamat ka na lang dahil sinuot ko ito para hindi ka mapahiya! Lintik! Wala talaga akong mapapala sa 'yo!" Kulang na lang ay kumuha siya ng itak para tapyasin ang leeg nito! Naaasar siya!
"Mine, sorry talaga. Nakakatawa lang talaga ang ayos mo. Mas lalo akong mapagkamalang pumatol sa bakla, promise!" Matapos magsalita, tumawa naman si LL.
Naiinis na hinatak ni GV ang bestida pababa at napipikong tumayo!
"Mine? Ang kinis ng legs mo!" puri ni LL sa mahahaba at mapuputing legs ni GV pero isang malakas na sipa sa tuhod ang nakuha niya mula sa dalaga.
"Salamat sa pag-appreciate ha! Wala kang kuwentang boyfriend!" singhal ni GV at tinalikuran ito para magpalit ng damit! Kung hindi lang siya nangako kay Ann kahapon na pupunta, hindi talaga siya sasama!

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon