Kabanata 21

153K 5.4K 4.7K
                                    

Kabanata 21

AFTER doing something embarrassing, what's the best thing I am good with? Running away.

Parang tanga akong tumakbo paalis pagkatapos ko siyang iwanan doon habang tulala. I am positive what he did–what we did made a commotion pero wala na akong pakialam! Ang mahalaga sa akin ngayon ay makaalis at hindi na siya muli makita!

As in never! Never! Never!

Nakalabas ako ng museum matapos kong makipagpatintero sa mga tao, nagugulat pa ang iba dahil sa bilis ng takbo ko pero wala na akong pakialam kung mukha akong nakakahiya! Basta mawala lang sa paningin ko si Salcedo!

"Darshana!" I even heard him call me pero para akong si The Flash na sumalisi paalis sa lugar.

When I got out, nagpa-panic ako, mabilis kong tinakbo ang pwesto mula sa exit papunta sa gilid ng museum para magtago kahit napapatid na ako sa suot.

I saw Chance got out of the museum's exit, nag-ikot siya ng tingin na parang may hinahanap at mabuti'y nasa tago ako kaya hindi niya ako makita.

I saw him brush his hair frustratedly, inilibot niya ang tingin para suyurin ang lugar pero hindi niya pa rin ako nakikita.

I heard him curse and it made me smirk, nakita kong bumaling siya sa guard na lumapit sa kanya at may sinabi.

"Why are you hiding?" I almost jumped when I heard a voice, napahawak ako sa dibdib ko bago mabilis na napalingon sa likod.

I saw a man familiar to me behind, nakikidungaw din sa sinisilip ko. I got scared Chance would see him kaya hinila ko siya patago.

"Don't!" I said quietly at mukhang nagulat siya pero napasulyap sa akin.

"Why?" I saw confusion in his eyes.

"Just... don't." I sighed and shook my head.

"May tinataguan ka, ano?" he asked kaya nanlaki ang mata ko.

"Wala, ah!" I defended. "Bakit naman ako—"

"Hala, ayan na—"

"Huh?!" I almost jumped, lumingon ako pero wala kaya nahulog ang panga. He suddenly laughed, sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya at umiling.

"Joke lang, Daru." He smiled. "Hindi kaya makita tayo rito? Kapag naglakad—"

"Shit, oo nga!" I gasped, mabilis na kinuha ang kamay niya at hinila siya kung saan.

Hindi naman siya nagreklamo, we ran for at least three minutes until we reached a bench nearby.

"I'm positive he won't see you here, though," aniya kaya nabitawan ko na siya.

"Hay!" I gasped loudly, napasalampak akong paupo sa upuan, pawis na pawis at hinihingal. "Muntik na!" reklamo ko at mabilis na tinanggal ang camera sa leeg at ipinatong sa hita ko.

"Water?" Kaagad akong napabaling sa tabi ko at nakitang hinihingal din ang lalaki pero nakangiti sa akin.

He's tall, maybe as tall as Chance, he looked a bit older than me, maybe for a three or five years?

"Huh?" I asked, hinahawi ang buhok na dumikit sa leeg ko.

"I said, water?" He smiled. "Baka gusto mo?"

"Uh, sige..." I agreed, still catching my breath.

Hinayaan ko siyang umalis para bumili ng tubig. I was touching my chest, trying to relax myself while waiting for him. He really looks familiar! Nakita ko na talaga siya pero hindi ko matandaan kung saan?

Missing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon