Kabanata 15

35 3 0
                                    

1752 hours

Nakahalukipkip ako't nakasandal sa pader. Narito ako sa nag-iisa naming hideout sa lumang bodega na dati ay pinagtatambakan ng mga sandamakmak na food supplies. This was owned by the Javier but then matagal na panahon nang hindi ito ginagamit so I used the space for good. Malawak rin naman ang espasyo.

I'm back to my old life again. Pinasadahan ko ng tingin ang iba't ibang grupo ng nagkakaisang gang. Matagal na akong bumitaw sa grupo but here I am again.

"Akala namin hindi na matutuloy ang bakbakan." Ani Jam sa'king tabi.

Umismid ako.

Kasama ko silang dalawa ni Nico at hinahayaan silang nakikisama't nakikipagkumpulan sa iba't ibang grupo ng mga gangsters para magsaya at mag-×inuman. Parang nagpipiyestahan ang lahat but actually I'm not here for fun. I came and summon them upang may maganap na duguang laban. We have this kind of activity that we do twice a year.

I'm the leader of all violence kaya ako ang nasusunod. Violent people like me (gangsters to be specific) are united but with the same goal of violence. Sounds crazy but it's true.

Lumapit sa'kin ang isang lalaking may malaking pangangatawan, maraming hikaw sa mukha at puno ng tattoo ang magkabilang braso.

"Huy Javier, matagal pa ba magsisimula?" Iritado niyang tanong.

"Just wait, dumbass. Calm your balls, magsisimula rin." Tamad kong sabi.

Ngumisi naman siya't tinapik ang balikat ko.

"Siguraduhin mo lang na siya ang makakalaban ko."

"Whatever."

Tumalikod na siya't umalis.

Ilang minuto pa ang lumipas ay kumilos na ako at pumalakpak upang maagaw ang kanilang atensiyon. Biglang humupa ang ingay at ang kanilang mga mata ay direktang nakatingin sa'kin.

"Welcome to paradise, assholes! How wonderful, you all came here for another bloody battle. Hindi ko na patatagalin ito. Let's rock n' roll!"

Matapos akong magsalita ay narinig ko ang sigaw ng kanilang hiyawan. Sa gitna ng espasyo ay matatagpuan ang boxing ring. Sa bawat grupo ay may pipiliing kinatawan para gawing panlaban sa kabila pang grupo.

It's a battle between life or death, whoever loses will also lose their life. Hindi ito basta-bastang laban, ito ay kamatayan. While me? I'm gonna fight the second best fighter ng isang grupo. I can't wait to kill somebody.

"Hindi ko aakalaing hahantong pa sa ganitong punto ang gagawin mo. I thought it will going to be just another normal fight." Umiiling na sabi ni Jam.

"This is my world, Jam. I own the rules."

Nagkibit-balikat na lamang siya at tumutok na sa boxing ring.

Pumasok na doon ang dalawang naglalakihang tao sa loob ng ring habang hindi magkamayaw ang bawat grupo sa hiyawan. Nagsimula na nga ang laban at tanging pisikal na lakas lamang ang kanilang puhunan.

"Apollo!"

Nilingon ko ang tumawag sa'king pangalan. Naaninag ko si Sebastian na kumakaway sa'kin. Nandito na pala siya. I invited him to watch the battle.

She's EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon