Kabanata 30

31 3 0
                                    

1152 hours

Kunot-noo akong tiningnan ni Tulip habang nakaupo siya sa sofa. Pa'no ba naman ay bihis na bihis ako. Tinaasan ko siya ng kilay sa nakarehistro niyang emosyon. Mukhang siya na naman ang nakalimot sa araw na ito. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Tiningala niya ako nang nasa harapan niya na ako. Really, Tulip. You forgot this day.

"Saan ka ba pupunta?"

Sinapo ko ang aking noo sa naging tanong niya, "You forgot this day? Tara na, aalis na tayo."

Pumungay ang kaniyang mga mata.

"You initiated to go to church." Hindi makapaniwala niyang sambit.

Lumitaw ang ngiti ko sa kaniyang inakto. Nakakatawa tuloy siyang tingnan.
Naglakad na ako palayo upang makalabas na sa condo. Pagdating ko doon sa sasakyan ay nakahilig na siya sa front seat. Kumaway siya sa'kin nang makita ako habang nakangiwi ako habang pinagmasdan siya. What's this? Bati na ulit kami? Matatawag din bang away ang nangyari no'ng isang araw habang wala naman siyang kamalay-malay sa mga iniisip ko? Darn this.

Pumasok na ako sa driver's seat. Binalingan ko siya nang maulinigan ang pares ng kamay niyang lumikha ng mahihinang palakpak.

"What?" Kunot-noo kong tanong sa ginawa niya.

"I'm... I'm just excited."

Itinuon ko na ang tingin sa daan nang paandarin ang sasakyan habang namutawi ang tuwa sa'king labi. Mas lalo tuloy akong ginaganahang pumunta sa simbahan. Pagdating namin ay dagsa na ang mga tao at hindi na mahuhulugan ng karayom ang espasyo kaya sa dulo na kami pumuwesto dahil ito lang ang bakanteng upuan.

Hindi naman maalis ang ngiti niya nang pinasadahan niya ako ng tingin. Damn that angel's smile. Umiwas ako ng tingin at inilipat ito sa altar. Baka kung patatagalin ko pa ang pagtitig sa kaniya ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nagsimula na ang misa. Naninibago ako sa sarili dahil maigi akong nakikinig sa mga sinasabi ng pari. It is about the parable of the weeds of the field.

"The one who sows the good seed is the Son of Man. The field is the world, and the good seed is the sons of kingdom. The weeds are the sons of evil one, and the enemy who sowed them is the devil. The harvest is the end of the age, and the reapers are angels."

Sa sandaling iyon ay napatingin ako sa gawi ni Tulip. Reapers are angels...
Napapabilang kaya ako sa kaharian? Susunduin niya kaya ako papunta sa totoong paraiso? I doubt that. Napansin niya ang mga mata ko sa kaniya ngunit ngumiti lamang siya.

Hindi ako nagdalawang-isip na pumila sa oras ng Communion. I participated. I accepted his body and blood upon me. It's been a long time simula no'ng hindi na ako dumadalo sa ganitong pagtitipon. 'Yong nararamdaman ko ang init na bumabalot sa'king katawan dahil sa kaniyang presensiya. And I don't know how to thank him for sending Tulip here on earth.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mawala si Tulip sa'king tabi matapos naming lumabas ng simbahan. The mass has ended, yet I didn't see her. Baka natatabunan na naman 'yon ng mga tao. Lilingon na sana ako upang igala ang mga paningin sa kaniya ngunit naudlot iyon nang may biglang yumapos sa'kin mula sa likuran. Tumatambol ang puso ko at hindi ko alam kung nasa tamang tibok pa ito. Sumungaw ang ulo ni Tulip sa'king balikat na mas lalong nagpapahataw nang husto ng bawat pintig ng puso ko. She's smiling innocently. I can't freakin' move. Gusto kong kalasin ang pagkakayakap niya sakin ngunit hindi ko magawa. Naninigas ako sa kinatatayuan.

She's EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon