Kabanata 23

30 4 0
                                    

1344 hours

Pumasok na ako sa hideout namin kung saan napagkasunduan namin nila Nico. Besides, may iba pang naghihintay sa'kin bukod sa kanila. I have now my decision na kailangan kong panindigan.

Dumapo agad ang kanilang mga tingin sa'kin pagkaapak ko sa loob.

"Luther, ito ang mga bagong recruits na sinasabi ko sa'yo." Ani Jam.

Tinanguan ko lamang ang tatlong binatilyo sa tabi nila. Mukha naman silang matitibay.

"So, what do you think?" Usisa ni Nico.

Bumuntong-hininga ako at napakagat sa labi, "Hindi na tayo babalik sa gang."

Nawalan sila ng kibo nang sabihin ko 'yon at bahagyang umawang ang kanilang mga bibig sa gulat. I hope this decision is right.

"Bumalik ka na at tatalikuran mo ulit? Bakit? Dahil ba nalaman na naman ng Dad mo?" Sunod-sunod na tanong ni Jam.

Umiwas ako ng tingin nang hindi ko alam ang sasabihin.

"Hindi niya alam but sooner or later, he'll find it out." Ani ko.

"Nagsasayang lang pala kami ng oras dito. Tara na nga!" Utas ng isang binatilyo at nagsialisan na sila sa bodega.

Naikuyom ko na lang ang aking mga kamao.

"Pa'no na 'yan? Hahayaan na lang ba nating mapasakamay ng iba ang lugar na 'to?"

"Hindi kawalan ang lugar na 'to, Nic." Umismid ako.

"But why did you quit again?"

Kinagat ko ang aking labi dahil wala akong makapa na sagot sa tanong ni Jam. I just want to quit, that's it. Kailangan pa ba 'yon ng rason?

"I just want to quit."

Hindi na nila ako kinulit pa. Tiyaka, matagal na rin namang nagkahiwa-hiwalay ang bawat kasapi ng gang namin. Sina Nico at Jam lang ang natira. Matapos ang pag-uusap naming 'yon ay umalis na ako sa bodega.

Habang nagmamaneho ako ay sumasagi pa rin sa isip ko ang pagbitaw ko sa gang. Hindi ko talaga alam kung tama ba itong ginagawa ko, basta ang alam ko lang ay 'yon na ang pinanghahawakan kong desisyon.

Pagkabalik ko sa condo ay umaalingawngaw ang ingay sa loob nito nang pinihit ko ang pinto. What the hell?! May tao rito sa condo ko? Dahan-dahan ko itong binuksan nang walang nilikhang ingay.

"Sinabi niya na sa'yong hindi ka magtatagumpay, kaya bakit ka pa rin nagpapatuloy? Layuan mo na siya, dahil nagsasayang ka lang ng oras."

"Ginagawa ko lang ang misyon ko kaya h'wag mo akong pangunahan."

Parehong boses iyon ng mga babae ngunit pamilyar iyon sa'king tainga. Who the hell are they?

"Ginagawa mo na naman ang misyong alam mong papalpak ka? Ang lakas pa rin ng loob mo matapos kang mabigo. Pangalawang misyon mo na 'to sa kaniya at sigurado akong hindi ka pa rin magwawagi."

Hindi ko na magawang pumasok dahil sa aking narinig. Mukhang nakumpirma ko na kung sino itong isang babae na kausap niya. What did she mean by that na pangalawang misyon niya na ito? Sino ba ang isang babaeng 'to na nagsabi nun?

Nang hindi ko na mapigilang maghintay pa rito sa labas ay walang atubiling hinakbang ko ang mga paa papunta sa loob. Napalunok ako sa nasaksihan. What the hell is she doing here with... Tulip?

She's EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon