Kabanata 22

33 5 0
                                    

1368 hours

Nagtimpla ako ng kape at tinungo ang dining table. Sinimulan ko na itong higopin habang naglakbay na naman ang aking isip sa kung saan. Wala rin naman akong balak na pumasok sa klase. For sure, wala ring magaganap na klase ngayon dahil abala pa ang mga professors namin sa computation ng grades.

"Hindi ka pa papasok, Lut-Lut?"

Nakagat ko ang sailing dila nang mapaso ito sa gulat. Damn it, Tulip! Nilingon ko siya sa likuran.

"Sa lunes na ako papasok. Nakakatamad." Ani ko.

Humigop ulit ako ng kape.

"It is the hardworking farmers who ought to have the first share of the crops. Just like a hardworking student, Lut-Lut, he will be rewarded with his own success of what he sow."

Tuluyan ko na siyang hinarap nang nakapaywang, "Tigilan mo ako sa mga pangaral mo. Hindi naman ako laging tinatamad. In fact, mas ginalingan ko na ang pag-aaral. Can't you see it, Flower girl?"

Imbes na sagutin niya ako ay nagkibit balikat lamang siya. What the hell?! Am I hallucinating?

"Mukhang may natutuhan ka na rin sa'kin." Humagalpak na ako sa tawa.

Nalasing ako sa sarili kong tawa nang tinaasan niya ako ng kilay. Damn, girl.
She learned that already?

"The way you shrug and raise your brow like that." Halakhak ko.

Binaba niya ang kaninang nakatakas na kilay at ngayo'y nakangiti na. Nangingiti akong umiling sa ginawa niya. She's really funny. Natigilan kaming dalawa nang makarinig ng doorbell. Damn it! Ruined my mood again.

Hindi naman alintana sa'king nandito si Tulip kaya pinagbuksan ko na ito. Tumambad ang nga mukha nina Nico at Jam. Hay, nandito na naman ang mga ungas.

"Surprise!" Bungad ni Nico.

Tinulak ng palad ko ang mukha niya.

"Ow!" Aniya.

Hinayaan ko na silang pumasok. Nang ibinalik ko ang tingin sa loob ay namataan kong wala na doon si Tulip. Nakaramdam ako ng panghihinayang nang hindi na siya makita ngunit napapanatag na rin ang kalooban ko dahil alam kong nandiyan lang siya. Can't believe I think that way. Tss.

"What brings you here, bastards?" Panimula ko.

Inilapag ko ang tasa ng kape sa dining table at nilapitan sila sa sofa.

"Binibisita ka namin, obviously."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Nico. Oh, right. Sugatan nga pala ako.

"You look fine matapos kang saksakin kahapon, a. Anong ginawa ni Tulip sa'yo para gumaling ka agad nang ganyan?" Usisa ni Jam.

"Ginamot niya lang ako." Sabay taas ng T-Shirt ko upang ipakita ang bandage.

"Hindi naman gano'n kalalim ang sugat. I remain undefeated after all." dagdag ko pa.

"Ang lakas pa rin talaga ng hanging tumama sa ulo mo." Halakhak ni Jam.

She's EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon