Kabanata 33

27 3 0
                                    

1080 hours

Masakit ang ulo ko nang gumising ako sa tanghali. Damn it! Nagpakalasing nga pala ako kagabi, dumagdag pa ang alaalang nangyari kahapon. Mas lalong nakakasakit ng ulo.

Lumabas ako ng kwarto nang walang nakikitang si Tulip. She's busy somewhere even I know the fact that she's everywhere. Nagmamasid din kaya siya sa'kin ngayon at ayaw niya lang talagang magpakita? or maybe, abala siya ngayon kay Tristan.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay napapadaan ang isip ko sa larawang magkasama silang dalawa. Hinahayaan niya lang si Tristan samantalang naduduwag ako upang aminin sa kaniya ang nararamdamn ko. Fuckin' coward. Fuckin' feelings. Ngunit ano pa ba ang magiging kahihinatnan ng mga salitang 'yon when I know the fact that all the memory of her will be gone in the end. Mabubura rin siya sa alaala ko, pati sa puso ko. There's no point on fighting for what I feel. She doesn't feel the same anyway.

Sumalampak ako sa sofa habang hawak ang tasa ng kape. Kailangan ko itong inumin kahit nakakadagdag ng init sa katawan. Pinagpapawisan na nga ako kahit wala akong pang-itaas na damit.

Manghihiram na lang ako ng notes kay Nico mamaya at magpapa-special quiz kung sakaling meron. Ayoko nang lumiban sa klase but darn, lumiliban na naman ako ngayon. Kung hindi ko sana nakita ang eksenang 'yon kagabi ay hindi ko maiisipang magpakalasing lalo na rin doon sa pagpunta ni Mom. Inihilamos ko ang bakanteng palad sa mukha ko. I'm such a mess right now. Walang naniniwala sa'kin, maski ang sarili kong ina.

Nakarinig ako ng doorbell kaya agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan upang ito'y pagbuksan. Tumambad ang nakangiting mukha ni Tita Rachel. She's all dressed formally. Sinalubong niya ako ng halik sa pisnge as usual. Pinapasok ko na siya at naupo na kami doon sa sofa.


"Hindi ako tinatablan ng abs mong 'yan, sunshine."

Humagalpak ako sa tawa sa panimulang pangungusap na binitiwan niya. Halatang naaasiwa siya rito.

"I didn't say anything, Tita. Why are you here anyway?" Humilig ako sa kinauupuan habang nakataas ang kilay niya sa'kin.

"Hindi ka pumasok sa klase, wala ka rin naman sa casino kaya nagbabakasali akong nandito ka. You're back with your old habit? Akala ko ba mag-aaral ka na nang mabuti?"

Hinaplos ko ang aking batok sa naging reaksyon niya. She's already jumping to conclusion at medyo naiirita ako.

"I'm even better now, Tita. Masakit ang ulo ko dahil sa kalasingan ko kagabi kaya hindi ako makakapasok ngayon."

"Why is that?" Mapanuring mga mata ang dumapo sa'kin mula sa kaniya.

Hindi naman ako makaimik. Sumimsim na lamang ulit ako ng kape. Ang dulas talaga ng dila ko. Damn it. Kapag si Tita na kasi ang kaharap ko ay hindi ako nahihirapang sabihin sa kaniya ang mga bagay-bagay. She's more like a mom to me than the real one.

"I heard, binugbog mo raw si Conan?" Aniya na ikinabasag ng katahimikan.

Napabuga ako ng malalim na hininga. Hanggang kailan ko ba isasawalat ang totoo? Nobody cares, though. No one believes. I wonder if maniniwala rin kaya si Tita sa sasabihin ko.

"Tired explaining, Tita. Just ask Conan, he's a good son here." Napangiwi ako sa sinabi ko.

Hindi ko na siya binalingan ng tingin at umayos na ng upo.

"Alam kong sinugod ka ni Angelica kahapon dahil sa nangyari, don't ask."

Hindi ko na ikinagulat kung may nalalaman siya. At hindi ko na rin ipinagtataka ang pagpanig nila kay Conan. It's not my point, though. All I ever want is that maniniwala sila sa sasabihin ko.

She's EverywhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon