CHAPTER 16

4.1K 155 13
                                    

CHAPTER 16

SETH

Isang oras na ang lumipas mula nang bumaba si Cloud. Kanina pa ako naghihintay sa kama. Akala niya palalagpasin ko ang ginawa niyang pagtulak sa 'kin, nagkapasa kaya ako sa braso.

Lulumpuhin ko siya sa sarap. Bakit ba ang tagal non!

2:06 AM. And he's still not here. Maybe he's scared, well he should be.

Bumaba ako para tignan siya pero tahimik na sa baba mukhang tulog na lahat ng tao. Saan nanaman kaya nagpunta iyon?

Umakyat ako at tinignan ang mga guest room pero wala. Hindi naman 'yon matutulog sa tabi ni Mama kaya pumunta ako sa kuwarto ni Stephanie.

Tinutok ko ang tenga ko sa pinto dahil narinig ko silang nagtatawanan.

"Yeah Papa. Daddy is such a badass." Tumatawang sabi ni Stephanie.

They're talking about me.

"Yes he is. At ikaw naman kanina mo pa sinsabing matutulog ka na pero kinukuwentuhan mo 'ko ng kinukuwentuhan. Sleep now." Maautoridad ang boses ni Cloud.

"Okay Papa. Goodnight!" Stephanie said.

Pagkalipas ng ilang minuto tumahimik na ang dalawa kaya binuksan ko ang pinto.

Mahimbing na silang natutulog. Nakatakas siya sa parusa ko ngayon pero bukas hindi.

Pinagmasdan ko silang dalawa habang natutulog at humihilik. Cloud and Stephanie looks so cute together.

Nabahala ako ng maalala ko ang sinabi ni Cloud kanina...I'm so guilty. He thinks that we abandoned him. Pero hindi ginawa ko iyon para protektahan ang utak niya.

Sana kapag dumating ang araw na manumbalik ang alaala niya hayaan niya akong magpaliwanag. I can't lose him. He's my life, silang dalawa ni Stephanie ang buhay ko.

At hindi ko alam ang gagawin ko kung may mawawala sa kanila or worse baka mawala silang dalawa sa akin. Knowing Cloud kapag nalaman niya na lahat makikipaghiwalay siya sakin at kukunin niya si Stephanie. And he can do that because he's rich----he's super rich. He's a son of Leonardo Juarez after all.

My Mom and his Parents are really good friends, sila ang tumulong kay Mama noong mamatay si Papa. They helped us and our company be on top again.

Nang mapansin nilang hindi maganda ang turingan namin ni Cloud noon because we're still young and confused.

They made a way for us to be closed to each other hanggang sa lumalim ng lumalim ang closeness namin from being best buddies to in a relationship.

Noong una sobrang gulo... iniisip namin noon na baka masira ang ugnayan ng mga pamilya namin kapag nalaman nila ang namamagitan samin ni Cloud.

Pero kabaligtaran ang nangyari dahil tuwang tuwa sila ng malamang may namamagitan saming dalawa. Sa sobrang tuwa nila ay pinagusapan agad nila ang kasal kahit kakasabi pa lang namin.

I asked them to give us more time. At nung sigurado na ako sa pagkatao at sa sarili ko at alam kung sigurado na ako kay Cloud, I proposed to him then we got married in Madrid, Spain. Since same sex marriage is not allowed here in our country.

2 years after our Marriage we decided to have a baby... naghanap kami ng surrogate mother sa Madrid, Spain din dahil doon kami ikinasal. Nang makahanap ay nagkaroon ng legal na paguusap bago isinagawa ang proseso. They got the specimen on me.

Then Stephanie Summer came into our lives. We're so happy back then, we are really happy, a happy couple with a child, a perfect family. But then my Ex-fiance entered the picture... doon nagkagulo ang lahat.

The Unknown GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon