CHAPTER 25

3.3K 136 9
                                    

SETH

Flashback...

"Give me a hard drink." Walang buhay na utos ko sa bartender.

Fuck this! I know he is tired. Always tired because of work! Pero sana naman hindi siya nawawalan ng oras sakin.

Palagi na lang siyang tutok sa trabaho niya! Paano ako? Asawa niya ako pero parang nakikihati lang ako sa oras niya at parang kailangan ko pang mag set ng appointment para lang malambing ko siya!

Inisang lagok ko ang alak bago nanghingi ulit.

It's been a month since the last time we made love. Kung hindi dahil kay Stephanie, lagi niyang dinadahilan na pagod siya sa trabaho. Pilit ko siyang iniintindi pero putsa!

Humingi ulit ako ng isang baso. Mahal ko siya pero parang mas mahal niya ang trabaho niya kaysa sa akin. Pero hindi ko naman magawang magalit sa kaniya!

Iniintindi ko siya ng pilit pero parang siya hindi niya ako iniintindi. Ang pangit naman na lumalago at umuunlad nga ang kumpaniya nawawalan naman siya ng oras sa asawa.

"Seth..." Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil matapang ang alak pero alam kong kay Cindy ang boses na iyon.

"Seth... I want you back. Let's be together again." Desperadang sabi nito habang niyayapos ang braso ko.

Nahihilo na ako pero hindi ako magpapadala sa babaeng ito. Tinabig ko ang kamay niya palayo.

"Leave me alone. I'm married..." Madiing sabi ko.

"Married? With whom? Doon sa Cloud na iyon? Can he warm your bed?" Mapait ang boses niya at may halong pang-aasar.

I clenched my jaw. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Get. Out!" Sigaw ko sa kaniya.

Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa. She kissed me... I can't move, hindi ko siya agad natulak. I was caught of guard.

Nanumbalik ako sa huwisyo ng makarinig ng may nabasag. Agad kong tinulak si Cindy palayo at nilingon ang pinanggalinangan ng nabasag sakto namang huminto ang tugtog.

Natigalgal ako ng makita si Cloud na nakatayo at walang buhay ang mga matang nakatitig sa direksyon ko.

"Cloud..."

I called him. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. Hinabol ko siya ng maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya.

Isang malakas na sapak ang iginawad niya sakin bago siya muling naglakad palayo.

Hindi ko ininda ang mukha ko, kailangan kong magpaliwanag sa kaniya. Muli ko siyang naabutan.

"Cloud... let me explain. Please." Pakiusap ko ngunit tuloy tuloy lang siya sa paglakad.

"Cloud please... mali iyong nakita mo. Let me explain..." Wala siyang pakialam sa sinasabi ko.

Isang malakas na sampal ang muli niyang iginawad sa akin. Ramdam kong pumutok ang labi ko sa sobrang lakas.

"Please Cloud..."

I kneeled. Kumapit ako sa mga binti niya.

"Let me explain please..."

Umiiyak na pakiusap ko. Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa binti niya.

"Please... don't leave me Cloud. Please..." I begged.

Buong puwersa niya akong itinulak palayo. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at mabilis na umalis.

Tumakbo ako sa kotse ko. Kailangan ko siyang sundan... mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko, hindi ko mahagilap ang sasakyan ni Cloud.

The Unknown GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon