CHAPTER 22

3.6K 156 7
                                    

CHAPTER 22

SETH

Iniwan ko si Cloud habang nagaayos siya. Gusto kong maging pamilyar siya ulit sa silid naming dalawa.

Pagbalik ko sa kuwarto ay nadatnan ko siyang nakaupo sa may kama at mukhang may malalim na iniisip.

"Cloud are you okay?" I asked him.

Tumingin siya sa 'kin na para bang binubusisi ako ng masinsinan.

"Seth. Umamin ka na." Malamig ang tonong sabi niya.

Napakunok ako at napahinto. Anong ibig niyang sabihin? May naaalala na kaya siya? Alam niya na ba na ako ang asawa niya?

"W-what?" Naguguluhang tanong ko.

Natatakot ako. Baka iwan niya ako. Hindi ko kakayanin.

"Umamin ka na Seth... hindi ako magagalit." Madiing wika niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Natatakot ako.

"I'm sorry." Napaduko ako at nanghihinang napaupo sa tabi niya.

"Hindi ko sinasadya." Dagdag ko.

Siya naman ay nagtaas ng dalawang kilay at nagtatakang nakatingin.

"Ang OA mo! Ulol ka! Bakit hindi mo na lang sinabi sa 'kin? Bakit hindi ka na lang nagpakilala hah?" Magkakasunod na tanong niya.

Ako naman ngayon ang naguguluhan. Anong bang sinasabi niya...

CLOUD

I can't believe this! All this time siya lang pala si S Puta! Apat na taon niya na pala akong kilala at sinusundan.

Those Unknown Calls...

Unknown Messages...

Unknown Gifts...

Unknown Notes...

Siya pala lahat iyon. Seth is the Unknown Guy behind all of those!

"Ano?" Nagtatakang tanong niya.

Ginawaran ko siya ng isang malutong na kaltok.

"Ikaw pala si S hayop ka!" Muli ko siyang kinaltukan.

"Bakit hindi ka nalang nagpakilala ng personal! Hindi ka nalang umamin na crush mo pala ako!" Dinagdagan ko pa ng isang malutong kaltok.

"Alam mo bang natakot ako. Iniisip ko na pano kung biglang magpakita si S Naguluhan ako kasi parang parehas kayo ng puwang sa 'kin." Ginawaran ko siya ng pang-apat na kaltok.

"Nakakagigil ka!" Kakaltukan ko sana siya ng panglimang beses kaso nahuli niya na ang kamao ko.

"Tama na! Nahihilo na 'ko!" Asik niya habang pumupungay ang mga mata niya na parang lasing.

Shit! Napalakas ata ang mga kaltok ko. Hanggang sa dahan dahan siyang napahiga at nakatulog.

Buwisit! Hindi pa 'ko tapos magtanong eh! Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Gago ka alam mo iyon..." Pagkausap ko sa kaniya habang humihilik na siya.

"Dati pa kita gustong gusto makita at makilala. Akala ko pangit ka sa personal gwapo ka pala..." Parang tanga akong kinakausap ang tulog.

"Hindi ako galit sa 'yo naiinis lang. Letse ka kasi! Dapat nagpakilala ka na lang Seth... tatanggapin naman kita."

Pinaglandas ko ang daliri ko sa tungki ng matangos niyang ilong pababa sa malambot at mapula niyang labi.

The Unknown GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon