CHAPTER 27

3.4K 141 5
                                    

CHAPTER 27

CLOUD

Napaupo ako sa sofa ng matapos linisin ang sala ng unit ko. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad kong inihinanda ang tsinelas na ibabato ko.

"Aray!" Reklamo ni Aden ng tamaan siya sa mukha.

Napakadugyot ng mokong na 'to.

"Ikaw! Napakabinaboy mong depungal ka! I cleaned the house at pati kuwarto mo dinamay ko na. Ang dugyot mo. Ang daming tissue sa ilalim ng kama mo! Kaya pala lagi tayong nauubusan ng tissue!" Muli ko siyang binato ng isa pang tsinelas.

"Patawad lalaki lang." Katwiran ng ugok habang nakaduko at hinihimas ang mukhang tinamaan ng tsinelas.

Hindi ko din alam kung bakit ko ba kasi hinayaang sumama sa akin itong lalaking ito noon.

______________
Flashback...

Inayos ko ang resignation letter ko para ibigay kay Aden. May sarili naman pala kaming kumpaniya at negosyo tapos nakikipagtrabaho ako sa iba. Ang laki-laki pala ng net worth ko.

Anak lang naman ako ng nagiisang Leonardo Juarez isa sa mga pinakamayan na tao sa mundo tapos nagpaalila ako sa kumpniya ni Aden.

"Aalis ka na talaga? Sama ako..." Sabi niya na parang pupunta lang ako sa malapit.

Mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura ni Aden ngayon. Mukha siyang problemadong problemado.

"Sama na ako sayo..." Pagpupumilit niya.

Akala ko tinraydor niya ako noong tumakas ako ng ospital hindi pala dahil may pinoproblema din pala siya noon.

"Oo na." Napipilitan na pag-payag ko.

Mabilis siyang tamukabo sa kuwarto niya at nagbihis paglabas niya ay may dala na siyang limang maleta.

"Hanep! Ready to go." I sarcastically said.

Pumunta kami ng Spain dahil inasikaso ko ang divorce papers namin ni Seth na hindi naman naging maganda ang resulta kaya pumunta na kami ng Australia.

Hindi na kami nag-hiwalay ng landas ni Aden simula noon.

End of Flashback...
_____________________

"Uuwi ka na talaga wala ng bawian?" Tanong niya nanaman.

Paulit-ulit naman ito nakakarindi.

"Oo. Limang taon na ako dito, tapos na din kontrata ko sa Agency." Sagot ko habang sumisimsim ng alak.

"Kaya pala... kaya pala ang lakas ng loob mong ipakita ng buo yang katawan mo sa latest cover mo." Nanguuyam na sabi niya.

He's talking about my latest magazine cover. It's a cover for the 'World's Hottest Men' and I'm the cover. I was naked riding a horse, wala akong saplot, hindi naman kita lahat dahil natakpan ng ulo ng kabayo ang pribadong parte bahagya lang ang nakasilip. And besides sobrang laki kaya ng offer 500,000 Dollars din iyon.

And that will be my last post any way. Dahil tapos na ang limang taong kontrata ko. Aden and I became a model here in Australia. Wala naman talaga kaming balak noon kaso wala kaming libangan dito at ang boring maging CEO lang ng kumpaniya ni Dad dito kaya naghanap kami ng ibang libangan.

Libangan lang sana iyon hindi naman namin alam na aangat kami sa ganong industriya, hanggang sa sumikat kami at kinilalang international model, ang daming kumuha saming mga bigating kumpaniya kaya napalaki namin lalo ang net worth namin.

The Unknown GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon