CHAPTER 29

3.5K 134 8
                                    

CHAPTER 29

CLOUD

Holy Moly! I can't believe this. Dama ko pa rin sa mga palad ko ang pakiramdam. Parang lalo atang lumaki.

Lumaki?

Mabilis akong bumalik sa table namin halos patakbo iyon halatang may ginawa akong kasalanan kaya nagtatakang napatingin sa akin si Aden at Stephanie.

"What did you do Papa?" Tanong ni Stephanie na parang may ginawa akong kahindik hindik na krimen.

Pinisil ko lang naman ang pagkalalaki ng tatay mo kung saan ka nagmula.

"None." Nakangiting sagot ko.

May itatanong pa sana siya kaso natuon na ang atensiyon niya kay Seth na papalapit sa amin. Umiika ika pa ito habang naglalakad.

"Anyare sayo? Mukha kang tinuli diyan." Natatawang tanong ni Aden.

Hindi siya sumagot sinamaan niya lang ng tingin si Aden. Nang makaupo ay sinamaan niya rin ako ng tingin. Hanggang sa dumating ang order namin, nakasimangot lang siya.

"Are you okay Dad? You look pale." Nagaalalang tanong sa kaniya ni Stephanie.

Napatingin ako sa kaniya. Namumutla nga siya.

Naubos ko na ang kinakain ko pero nagugutom pa ako kaya bumaling ako kay Aden. Marami din siyang in-order.

"Aden..." I called him then I pouted. I used my puppy eyes.

Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya inilapit niya sakin ang pasta na kinakain niya. Wala naman akong arte pagdating sa kaniya kaya mabilis kong kinain iyon.

Naramdaman ko ang masama at matalim na titig ni Seth sa akin. Pero dahil gutom talaga ako ay hindi ko siya pinansin. Untill I finished eating the pasta.

Pero puta! Gutom pa rin ako talaga.  Hindi kasi ako kumain kanina dahil sa inis ko kay Dad at Kuya.

"Aden..." I called him again and do my puppy eyes.

Napabuntong hininga siya bago ilapit ulit sakin ang steak niya. Buti na lang mabait ang mokong na ito.

Naramdaman ko ang paa ni Seth sa ilalim ng lamesa. Kaya nagangat ako ng tingin. He looked so mad. Anong problema nito? Bahala siya wala akong panahong makipagbuno sa kaniya gutom ako.

Naubos ko na ang steak pero ayaw talagang makisama ng sikmura ko. Napatingin ako sa Ice cream ni Aden.

"Aden..."

"Tito Aden..."

Sabay naming tawag sa kaniya. Mukhang interesado din sa Ice cream si Stephanie dahil naka puppy eyes din siya.

Sa kaniya binigay ni Aden ang Ice cream kaya napasibangot ako. Nagulat ako ng iusog ni Seth ang Ice cream niya papunta sa harap ko.

At dahil gutom ako at wala akong panahong mag-inarte ay kinuha ko iyon agad at nilantakan.

I have to control myself. May shoot pa pala ako sa Sañedoza.

Nang matapos kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Si Aden at Stephanie lang ang naguusap, they're really close.

"Tito Aden may bibilhin ako. Samahan moko." Aya sa kaniya ni Stephanie.

Agad namang pumayag si Aden.

"Hoy sandali lang iiwan niyo ko?" Habol na tanong ko sa kanila.

"Mabilis lang kami Pa, I'm just going to buy something sa watsons. Don't come na pagkakaguluhan ka lang doon for sure." Sagot ni Stephanie bago sila lumabas.

The Unknown GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon