Kabanata 39 (Breaking Up)

21 11 0
                                    

#LHNG39

Ganun lang ba yun kadali? Para paghiwalayin kaming dalawa? This is not what I wanted to feel. Ang sakit sakit nito! Gustuhin ko mang umiyak pero wala na akong lakas. I don't want to process what his father wanted him to do.

Parang gago lang! Hindi ko mapigilan ang sakit o ni luha ay hindi ko na maramdaman kung may tumulo ba.

It’s not easy to overhear those words. It feels like a million dagger hitting my inner. Mas lalo lang din akong sinaksak ng katotohanan na hindi talaga kami pwede, kasi sa mata ng mga tao ay hindi! Sino pa ba niloloko namin?

Naglakad lang ako ng wala sa sarili. Bumubuhos ang luha ko na parang talon na ayaw tumigil sa pagagos. Pero tanong ko sa sarili.

Bakit ngayon pa?

Bakit kung kailan matagal na saka pa may hahadlang?Bakit may mga tao talagang gagawa ng paraan para paghiwalayin nila kami?

I only want Jet to settle myself and my future into place. Kasali na siya sa mga plano ko, parte na siya ng buhay ko at ang hirap lang ding magpanggap na hindi masakit kasi kahit ganito ako, tao pa rin ako!

Nasasaktan!

Na makakaramdam ng sakit.

I nevermind the car until I saw him standing in front of me. He saw my tears and I know that he knew why I am crying.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumuha. Kaya bago ako humarap sa kanya. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang humarap sa kanya.

“Hubby? Bakit ka nandito?” tanong ni Jet sa akin.

“Wala... n-napadaan lang ako... pauwi na,” sagot ko naman agad. I don’t know how to hide my feelings anymore. Basta sumagot lang ako ng parang wala sa sarili. "Ikaw?" I asked without stuttering. 

“Hindi kaba uuwi sa inyo?” tumango lang ako bilang tungon. “Gusto mo bang sa Condo nalang tayo umuwi?” tanong niya ulit sa akin, pero this time hinarap ko na siya.

Tinignan ko siya sa mata bago tumango. Siguro, hindi niya alam na pumunta ako sa kanila. Wala siguro nasabi ng Yaya niya. Pero bakit pakiramdam ko ay may mali talaga. Kahit ang totoo ay alam ko na ang dahilan? Bakit niya pa ililihim kung sa huli ay hindi pa rin kami pwede?

Ang bilis ng mga nangyari. Tuloy hindi ko na maproseso sa dami ng mga nagaganap sa buhay ko ngayon. Although, I’m happy because I've finally graduated. But little did I know that there's a bit of satisfaction was in my head. It’s hurt me more when the situation was really predicted. Parang lahat ay alam ko na kung ano ang mangyayari.

I hope that after this, magiging okay rin ako. I really hope that after this, I’m going to be better and stronger enough. I assure myself that someday I’ll be fine and find some way to get over him.

Kasi mahirap. Napakamahirap. Nakakasakal, nakakaubos, nakalasakit lalo at nakakapagod.

Pagod na pagod na ako. Akala ko pa naman kakayanin ko? But there’s always no ‘No in the choices’. I was wrong because it breaks me into small pieces of myself. Inunti unti akong sinisira. How could it be? Paano na ang sarili ko? Paano kung ako muna? I need to find myself confidence to overcome this so-called challenge. I need to prepare myself for this obstacle.

Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya. Nung tuluyan na akong makapasok ay hindi na ulit ako umimik. Ano pang sasabihin ko? Eh! Ni isa sa mga gusto kong sabihin ay walang lumalabas sa bibig ko.

Hindi niya ba pansin na umiiyak ako. Nagdrive lang siya papuntang Condominium namin. Tuluyan na kaming nakarating at pumasok agad. Walang nagsasalita. Na para bang pag may magsasalita ay hindi na kaagad mapipigilan.

 Love Has No Gender ✓ (BL Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz