Kabanata 42 (Good news)

27 12 0
                                    

#LHNG

Naghihintay lang ako sa labas dahil tinitignan pa ng doktor ang kalagayan ni Jet sa ngayon. Habang naghihintay, hindi ako mapakali at palakad-lakad lang habang nilalaro ang mga daliri ko.

Gusto kong pumunta sa loob pero ayaw ko namang pumasok dahil kawalan ng respeto kung papasok ako nang walang pahintulot. Wala na kami, at kahit anong gawin ko, alam kong wala na kami... at iyon ang dahilan kung bakit siya ganito! Ako ang dahilan kung bakit siya walang malay.Makalipas ang ilang sandali, lumabas na rin ulit ang doktor. Bahagyang nagtaka, at pinuntahan ko ito para malaman kung ano ang resulta.

"Doc, ano na pong balita?" bungad kong tanong sa Doktor.

Maaliwalas naman ang mukha niya at mukha namang walang nangyaring masama kaya panatag ang loob ko.

"Okay naman ang kalagayan niya sa ngayon iho, pero kung patuloy lang siyang ganyan at walang improvement ang mga test at analysis na ginagawa namin, maaaring hindi na siya gigising," paliwanag ng Doktor.

"Ano ang ibig mong sabihin, Doc?" tanong ko. Hindi ko maunawaan ang posibleng mangyari kung patuloy akong susundan ang tibok ng puso ko.

Kumplikado isipin kung hindi gigising si Jet mula sa koma, baka tuluyan na siyang mawala."Kung hindi magising ang pasyente hanggang sa susunod na buwan, tuluyan na siyang mawawala. Binanggit na namin ito sa mga magulang niya at sumang-ayon sila sa sinabi ko," sabi ng doktor na nagpabagsak sa aking loob.

"Ano 'yon, doc?" hindi ko mapigilang mapanlaki at panginginig ng kamay ko. Nabasa ang gilid ng mata ko at walang kung anuman na bumagsak dito.

Tahimik akong nagdasal sa aking isipan na sana ay hindi totoo ang sinabi ng doktor. Pero ilang sandali pa'y walang sumagot sa aking dasal.

"Kailangan na naming tanggalin ang kanyang suporta sa buhay dahil iyon lang ang nagpapanatili sa kanya," sabi niya, na siyang dahilan ng pagbuhos ng aking mga luha. "Sige iho, makakabuti kung kausapin mo siya. Subukan mong kausapin siya. Panalangin lang 'yan iho, maniwala ka sa himala," dagdag niya.

Iniwan na ako ng Doktor at naiwan akong nakatayo sa pintuan ng kwarto ni Jet. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa aking isipan ngunit nanghihina ako sa bawat galaw na ginagawa ko. Hindi ko matanggap na mangyayari ito sa amin ni Jet.

Pumasok na ako. Ako lang naman dito pero hindi ko parin mapigilang mapaluha. Ang sakit lang ng sinabi ng Doktor! Maaaring mamatay siya kung patuloy ang ganitong kalagayan niya.Nang makalapit ako, agad ko siyang hinawakan at kinausap.

"Jet?" hirap na sambit ko sa pangalan niya. "Hindi mo naman kami iiwan, 'di ba? Jet? Alam mong maraming nagmamahal sa iyo." Napahinto ako at pinunasan ang luha sa mata."Please gumising ka na," pagmamakaawa ko. "Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka. Nahihirapan na ako. Kami ng pamilya mo," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang kamay.Kahit wala akong natatanggap na sagot, ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-uusap sa kanya hanggang sa nakatulog ako sa sobrang iyak at pagod.

Isang mahinang tinig ang bumungad sa aking mga tainga. Nang magmulat ako, nakita ko si Ate Gabrielle. Lumabas ako mula sa kama ni Jet at inayos ang sarili ko bago umupo sa sofa."Jay, umuwi ka muna sa inyo," sabi ni Ate Gabrielle. Nang mapansin niya na narito lang ako.

Nakatulog pa nga sa pagbabantay.

"Okay lang po ako, Ate Gabrielle," sabi ko habang tinatanaw pa rin si Jet na nakahiga at walang malay.

Maraming buwan na ang lumipas. Ganun pa rin ang sitwasyon ni Jet. Walang araw na hindi ako pumupunta sa ospital para makita siya at bantayan siya.

Ang sakit na makita ang lalaking nagbago sa akin, wala pa ring malay hanggang ngayon. Mas mahirap ang bawat sandali dahil hindi pa rin siya nagigising.

 Love Has No Gender ✓ (BL Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora