CHAPTER NINE

180 8 12
                                    

"Bakit mo tinago sa akin ang anak ko Destiny?" Gabriele demanded of her, his eyes filled with fury. Pero ang mas malala pa don ay sa ilalim ng galit ay may sakit at hinagpis siyang nakikita rito. Nasaktan niya si Gabriele nang hindi niya sinasadya pero ano bang inaasahan nitong gawin niya? Tinalikuran siya nito sa mga panahong handa na siyang ialay ang kanyang buong buhay.

"Hindi ko sinadya at ginustong itago sayo, Gabriele. Nung una hindi ko alam kung nasaan ka ba, kung saan ka pumunta. Nung dumating naman ang oras na alam ko na kung saan ka matatagpuan, huli na ang lahat. Nakakapaglakad at nagsasalita na si Keith at okay na din kami hanggang sa hindi ko na namalayan na lumipas na ang mga taon." halos pabulong na paliwanag ni Destiny. Kabaliktaran naman nito ang kay Gabriele dahil halos pasigaw itong sumagot sa kanya.

"He's my son Destiny! Were you going to tell me once we started working together?" tanong niya. Destiny said nothing but the look she gave him was all the answer he needed. "I see," he growled.

Pabalik balik na naglakad sa maliit na sala si Gabriele at pakiramdam ni Destiny ay isa siyang daga sa daraanan ng makamandag na ahas. Alam niyang muli siyang aatakihin nito pero hindi niya alam kung kaylan, saan at paano. Magkahalong takot, kaba at nerbyos ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero nanatili siyang tahimik dahil ayaw niyang mas lumala pa ang sitwasyon kapag nauna siyang magsalita.

"Hindi mo alam kung gaano ako kagalit sayo ngayon, Destiny. Hindi na nga ako makapag isip! I can't believe you could sit there with me each day, knowing it was one more day I didn't get with my son. I can't believe you would have sex with me and still feel no desire to tell me about him. How can you be this cold?" he spat at her.

"I...you...I don't know." she said, as she threw her hands in the air. Sinisisi sa kanya ni Gabriele ang lahat. Hindi niya manlang tinitignan ang sarili niya kung may nagawa ba siyang mali. Destiny knew he was angry and frustrated but he had to admit he was the one who had walked away.

"Alam mo ba na buntis ka nung gabing nag plano tayong magtanan?" tanong uli sa kanya ni Gabriele.

"Hindi. Hindi ko alam. Isang buwan pa ang lumipas bago ko nalaman." sagot naman ni Destiny. Pero hindi niya alam kung bakit pa tinanong iyon ni Gabriele. May magbabago ba?Kung nalaman niya ba noon na may nabuo sa nangyari sa kanila hindi siya iiwan nito? Ibig sabihin ay dahil lang sa dinadala niya kaya siya pakikisamahan ni Gabriele at hindi dahil gusto siya talaga nitong makasama.

"I won't spend another day without him." mariing salita ni Gabriel na tila ba may halong pagbabanta. Alam na ni Destiny na hahantong sila sa ganito.

"Talaga bang seryoso kang kalabanin ako para sa anak ko?" mangiyak ngiyak niyang tanong. Pinipigilan niya lang ang sarili at tinatatagan ang loob pero malapit na siyang lumuhod at magmakaawa kay Gabriele. Nanlambot at namanhid na ang mga tuhod ni Destiny kaya napaupo nalang siya sa couch. She couldn't even look at him anymore, she was hurting so badly.

Tahimik lang si Gabriele na nakatayo roon. Destiny couldn't look up at him, as she was fearful of the look in his eyes. Tila ang nakakabinging katahimikan ni Gabriele ang sagot sa kanyang tanong. She knew he was going to fight her for Keith. She had nine years of being his mother and had done the best possible job she could but he had the money for the best attorneys and if he took her to court he'd probably win.

At hindi nakakatulong ang sobrang pangungulila ni Keith sa kanyang ama. He'd bonded with him instantly. The courts always interviewed the kids. Tatanungin nila ang kanyang anak kung saan nito gustong sumama. Kung kay Gabriele ba na kanyang ama o sa kanya. At dahil mura pa ang kanyang isip, sasabihin nito na gusto niyang kasama sila pareho.

They'd look at what each parent could provide and he'd win hands down. Makikipaglaban siya sa kahit anong paraan pero alam niyang malakas ang laban ni Gabriele. She felt defeated and devastated.

GET EVENWhere stories live. Discover now