Prologue

29 1 0
                                    

Prologue

 

Lawrence’s POV

 

“Duuuuude! You’re wasted hahahaha! Halika na nga’t dadalhin na kita sa unit mo!” Andito kami ngayon ng kaibigan kong si Nathan sa bar malapit sa condo na tinitirahan ko ngayon. Walking distance lang siya kaya naman halos gabi gabi kami nandito. Yun nga lang, ako ang laging naiiwang lasing na lasing. Matibay kase tong si Nathan eh. Akala mo tubig lang ang iniinom niya. 

 

“Tol, ang bigat mo! Sa susunod nga mag dala ka ng wheelchair. Gabi gabi hirap akong maghatid sayo buti sana kung may suweldo ako sa pag buhat ko sayo!” Reklamo naman niya.

“Ikaw naman…hik…para namang hindi mo ako mahal! Mga sanggol palang tayo mag bestpren na tayo! Hehehe…hik!” Lambing ko naman sa kanya. 

“Ingay mo, tol! Manahimik ka na lang dyan. Malapit na tayo.” Pinindot niya yung button kung saang floor ang unit ko. At nang makaakyat na kami, kinaladkad ulit nanaman ako nito papunta sa unit ko. “Hoy, susi?” Kinapa ko muna yung bulsa ko at kinuha yung susi. Kinuha naman nya at binuksan ang pinto tas hinatid at binagsak na ako sa kama ko.

“Ang bait mo talaga, tol! Salamat…hik! Pakiss nga papi!” Ngumuso naman ako at pilit na lumapit kay Nathan.

“Kadiri oy! Bakla ka ba?! Nababakla ka nanaman sa kagwapuhan ko eh.” Binatukan nya ako at pilit na kumalas sa pagkahawak ko.

“Hehehe joke lang naman eh…hik! Hindi tayo talo, tol!”

 

“Alam ko. O siya, sige na. Uwi na ako para makatulog na ako.”

“Okaaaay! Bye papiiiiii!” Kumaway ako kahit na sobrang bigat at nanlalambot kong braso dahil sa kalasingan.

“Sira ulo!” Napatawa kaming parehas at nagpaalam na siyang tuluyan.

Welcome to my life! O ano? May problema ka?! Wala? Beri gud. Shattap ka muna diyan at magbasa! Ikukuwento ko naman sayo lahat eh. Chill ka lang diyan.

 Laging ganito ang eksena. Gabi gabi ganito. Party dun, party dito. Inuman dito, inuman dun. Chix dito, chix dun. Saya diba? Pero nakakasawa din dahil paulit ulit nalang ganito. Gusto ko naman magbago pero wala akong magawa atsaka nakakatamad din ahahaha! Atsaka hindi naman magiging ganito buhay ko kung hindi nangyari yun.

Minsan nga napapaisip ako eh, pano kaya kung…magmahal ulit ako?

Aish! Ayoko na! Masakit! Oo na-inlove na ako. Tao rin naman ako uy! Pero ayoko nang maulit yun. Simula nun ayoko nang magmahal. Natatakot akong masaktan ulit. Tama na yun.

Chasing HeartsWhere stories live. Discover now