May mga bagay talagang hindi mo maasahan na mangyayari. Magugulat ka na lang na nangyayari na ang mga bagay na hindi mo kailan man naisip. Magugulat ka na lang din na ang nakaraan ay humabol sa’yo. Yung bang lahat ng katarantaduhan mo ay humahabol sayo at pinaparusahan ka na pala. Makikita mo na lang rin na yung karma ay nakabuntot na pala sayo.At higit sa lahat, magugulat ka na lang ipinag gagantihan ka na pala ng taong nasaktan mo ng sobra sobra…