Chapter Two

24 1 0
                                    

Chapter Two

 

Kiara's POV
 

Minsan talaga hindi mo matitiis ang mag antay lalo na sa mga taong mahal mo. 

Lalo na ngayon na gagraduate na si bunso ng high school. Feeling ko ang tanda tanda ko na! Huhuhu

Hayyy parang kelan lang ako ang nagpapalit ng lampin nya. Tsaka pag wala si mama, ako ang nagbabantay at nagsisilbing nanay niya. Tapos ngayon binata na siya! Huhuhu

Actually dapat next year pa ako uuwi sa Pinas kaso ayun nga gagraduate na si bunso atsaka di na ako makapag antay. Miss na miss ko na sila eh lalo na si mama at si papa. 

Napatingin ako sa oras. 9:40 a.m. na. Ang tagal naman netong baklang---

"Yeeeeenn!!"

(A/N: Kiara Yenn de Santos ang full name niya kaya tawag sa kanya Yenn)

"Ay baklang palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Paano ba naman kase hinawakan niya yung magkabilang braso ko tapos sumigaw ba naman mismo sa may tenga ko. 

"Aray teh ah? Galing ka lang abroad nanlalait ka na?" Nag make face naman siya na pinapakita niyang nasaktan siya. 

"Drama mo! Tsaka ang tagal mo ah? Dinaig mo pa ako na TUNAY na babae!"

"Che! Inggit ka lang kase mas maganda pa rin ako sayo!" Ayos din tong baklang to eh. Hay nako. "Tara na male-late na tayo daliii! Asan na ba yung kotse mo?" Hinila naman niya ako papunta sa parking lot. 

"Aba, kasalanan ko? Sino kaya yung matagal satin mag ayos, aber?!" 

"Hmp!"

Oo nga pala, siya pala si Stephen Paul Sta. Rosa. Stephanie kapag sa gabi hahahahaha! Best friend ko siya since mga bata pa kami. Nung may mga uhog pa kami sa ilong ahahaha! 

As usual, ang tagal ko nanaman nag antay sa kanya. Tsk, hindi talaga nagbago to. 

Nagkita kami ngayon kase ngayong araw na gagraduate si bunso. Sinama ko na si Stephen since para na namin siyang kapatid ni Kirby (si bunso). 

Sa sobrang excited ko, halos paliparin ko na yung kotse ko papunta sa venue kung saan gaganapin yung ceremony. Baka nga mas excited pa ako kesa sa kapatid ko eh hahaha eh pano dati halos kami na nila mama ang pumasok para lang makagraduate yang batang yan. Jusko, tinadtad ng katamaran eh.

Maya maya, nakarating na rin kami sa venue. In fairness ah, maganda siya at malaki. Hindi katulad sakin noon sa school auditorium lang ginanap ang graduation ceremony namin tapos wala pang aircon! Buti hindi natunaw make up ko nun ahahaha

Pumasok na kami sa loob at hinanap na namin kung saan nakaupo sila mama. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing HeartsWhere stories live. Discover now