Chapter One

19 1 0
                                    

Chapter One

Lawrence’s POV

*BZZT BZZT*

*BZZT BZZT*

*BZZT BZZT*

*BZZT BZZT*

“Aish!” Bumangon ako sa pagkakahiga at biglang napahawak sa ulo ko. “Owww! Hangoverrrr! Nak ng putspa naman oh! Istorbo. Natutulog pa yung tao eh.” Kinuha ko yung phone kong kanina pa nagvi-vibrate sa side table. May tumatawag na unknown number. Sino naman kaya? Bahala na baka naman importante kaya sinagot ko na.

“Hello?”

 

“Hi babe!" Sagot ng babae sa kabilang linya. Hala sino kaya ito? Last time I check single naman ako.

“Who the heck is this?” Naiinis ako ah! Ginising lang ba ako netong babaeng ito para lang makipaglandian?! 

“Babe naman! Nakalimutan mo na ba ako agad ha?”

 

“Aba! Ewan ko sayo! Hindi kita kilala. Atsaka, wag mo akong tawaging babe. Sa pagkakaalam ko, wala akong girlfriend!” Sigaw ko sabay baba ng linya. Madalas may mga babaeng tumatawag sakin at nagfifeeling girlfriend ko sila. O ha! Gwapo ako kaya walang aangal! Mahangin na kung mahangin pero totoo yun! Hahaha

Napag desisyunan ko na rin na tumayo at maligo na lang. Eh ano pang magagawa ko? Nagising na ako ng tuluyan dahil sa lechugas na babaeng iyun! Asar! Pagkatapos kong maligo, nagbihis na rin akong pang jogging ko at isinuot na pati ang running shoes. Syempre kailangan maging fit and healthy para makasungkit ng chix! Hahaha 

Maya maya, naka ilang ikot na rin ako kaya naman tumigil muna ako sa pagtakbo at naglakad para makapag pahinga na rin. Ilang sandali pa’t nakakita akong bench sa may park kaya naman pumunta ako dun para umupo. 

Biglang may kotseng itim na nag pumarada sa tabi ng park. Bumaba yung babae at pumunta sa may compartment para kunin yung ibang gamit niya. Tiningnan ko yung mukha at katawan niya. Aba, sexy to ah. Pwede na! Hahaha

Napansin ko na mukhang nahihirapan siya sa dala dala niya dahil nga bukod sa mabigat, ay marami rami rin. At eto ako nga ako ngayon, umaariba ang kalandian.

“Hi miss! Gusto mong tulungan na kita?” Bati ko. Napatingin siya sakin at ayun mukhang gulat na gulat. Baka na-star struck sa kagwapuhan ko atsaka chinito ata to! Kaya no wonder kung bakit madaling ma-attract yung mga babae sakin!

 “U-uhm…w-wag na! I can handle t-this. Thanks.” Hmm, nauutal siya oh! Sabi sayo eh, gwapo ako! Laging gumagana powers ko pag dating sa mga chix ahahaha!

“No, miss. I insist. Tsaka halatang hirap na hirap ka na diyan oh.” Sabi ko sabay kuha ng ibang dala niya lalo na yung mga mabibigat na gamit. Mukhang lipat bahay to ah? Sana malapit sa unit ko. Bwahaha “Just tell me kung saan yung unit mo.”

Chasing HeartsWhere stories live. Discover now