Chapter 1

5.7K 154 20
                                    

LISA'S POV

Nasa balcony ako at pinapanood silang maghalikan sa labas ng bahay namin. They bid their goodbyes bago pumasok si Jennie sa bahay namin















Tiningnan ko ang oras at nilagok ang laman ng baso ko. Nagsalin ulit ako ng alak at hinintay pumasok si Jennie sa kwarto namin



















3 am? So 5 hours silang magkasama ng boyfriend nya, I hope she's happy today















Dahan Dahan nyang binuksan ang pinto at sinara para hindi sya makagawa ng ingay. Nakasandal lang ako sa pader habang pinapanood syang magmadaling magpalit ng damit














"San ka galing?"















Nagulat pa sya ng magsalita ako pero agad ding umayos
















"Nagpahangin lang ako. Bakit gising ka pa?"















"Inintay kita"















Di nya ako pinansin at pumasok sya sa CR kaya umupo nalang ulit ako sa Balcony para magpahangin
















2 years na laging ganito ang tagpo ng buhay namin. Pagtulog na ko ay tatakas sya para makipagkita sa boyfriend nya. Pag nakikita ko sila ay nananahimik nalang ako dahil alam kong magagalit lang sya pag tinannong ko kung sino ang kasama nya.
















2 years akong nagtatanga- tangahan para manatili sya sakin dahil ayokong iwanan nya ako. Natatakot ako na baka isang araw ay iwan nya nalang ako at sumama sa totoong mahal nya















Sa 2 years naming pagsasama, para lang kaming hangin sa isa't isa. Minsan ay kinakamusta ko sya pero never nya akong kinausap ng kusa. Ayaw nya rin akong ipakilala sa mga kaibigan nya dahil hindi nya naman daw talaga ako mahal, hindi ko na daw kailangan makilala ang mga mahahalagang tao para sakanya















Narinig kong bumukas ang pinto kaya natigil ang pag-iisip ko. Alam kong nakatingin sya sakin ngayon pero di pa rin ako lumingon. Di ko alam kung magagalit ba ako sakanya o sa sarili ko.














"Bakit ka umiinom?" Tanong nya, walang bakas na pag aalala. Parang tinanong nya lang ako para maitaliwas ang nakita ko kanina














"Nagpapaantok lang" ngumiti ako  kahit alam kong hindi nya nakikita ang muka ko dahil madilim at patay ang ilaw















"Okay"













Ilang sandali pa ay mukang nakatulog na sya dahil malalalalim na hininga nya nalang ang naririnig ko















Dahan dahan akong umupo  sa tabi nya at pinanood syang matulog. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilin ang ingay na nagmumula dito dahil sa pag iyak ko, ayokong magising sya ng dahil sakin, magagalit nanaman sya sakin

















"H-How are you, Honey? Kamusta kayo ni Kai? Okay naman ba kayo? Masaya ka bang nagkita ulit kayo?" Nakangiti ako habang kinakausap sya pero ang luha ko ay patuloy lang sa pagtulo















Selfish || Jenlisa ✓Where stories live. Discover now