Chapter 11

5.4K 122 21
                                    

LISA'S POV

I smiled at her kahit na nahihirapan akong iwanan sya







"...this time I'm letting you go. I want you to be happy and free. I promise I won't do anything stupid again. I Love You So Much, Honey"






Tumayo na ako at hinalikan ang noo nya





I miss this. Namiss ko ang feeling na malapit sya sakin at naamoy ko sya






"Take care"






Tumalikod na ako sakanya bago pa man magbago ang isip ko at sabihing tutuparin ko ang pangako ko hanggang sa araw na mawala na ako sa mundong ito






Honey, pigilan mo ko please. Isang sabi mo lang ng pangalan ko ay hihinto na ako sa paglalakad at tatakbo pabalik sayo. Magtitiis ulit ako hanggang sa mahalin mo din ako






Isang tawag mo lang sakin Jennie, di ako magdadalawang isip na bumalik kahit na saktan mo ako ng saktan






Mabigat ang dibdib kong kinuha nag gamit ko at lumabas ng bahay






Naramdaman kong may nakatingin sakin, kahit na di ko ito tingnan ay alam kong si Jennie yun. Malamang ay masaya na sya dahil pinakawalan ko na sya, matutupad na ang mga pangarap nila ni Kai na sinira ko





Sana mapatawad nya pa ako






Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yun ng mabagal dahil nagbabaka sakali pa rin ako na hahabulin nya ako





Nakalabas na ako ng gate namin pero walang Jennie ang humabol sakin






Pinaharurot ko na ang kotse ko papunta sa unit ni Seulgi





Kinuha ko ang isang bag ko at umakyat sa floor ng unit ni Seul. Nag aalangan akong kumatok sakanya dahil madaling araw na, ayoko namang maging istorbo sakanya





Napagpasyahan kong pumunta nalang ng office para dun muna manatili






"Miss Manoban, bakit po kayo nandito?" Tanong sakin ng head Guard namin





"Dito po muna ako matutulog, Mr. Yang"






"Ah ganun po ba? Advice lang po Miss Manoban, kung nag away po kayo ng asawa nyo, wag nyo po syang hayaang matulog ng may galit sa puso nya, baka isipin nya po na hindi mo na sya mahal" ngumiti ako sakaniya at tumango kahit alam ko sa sarili ko na wala na akong aayusin dahil wala na sya sakin, hindi na sya sakin






"Aalis na po ako"






"Ingat po" sabi ko sakanya at nagbow muna bago pumasok sa office ko






Umupo ako sa swivel chair ko at pumikit. Ang sakit palang pakawalan ang taong mahal na mahal mo. Akala ko masakit na yung pagpapaalam ko sakanya, mas masakit pala ang pagtapos ng paalam dahil maisip ko palang na pinakawalan ko ang taong sobrang mahal ko ay para na akong pinapatay dahil sa sakit but I'm late. Di ko na mababawi ang sinabi ko. Ang kailangan ko nalang gawin ay tanggapin ang pagkatalo ko...






Pagdilat ko ay tumama ang paningin ko sa frame na may laman ng picture namin






Unti unting bumalik sa alaala ko ang una naming pagkikita at kung pano ko sya minahal





Selfish || Jenlisa ✓Where stories live. Discover now