CHAPTER 15

4.2K 119 3
                                    

"Oh, do I have to introduce you two?" Ai said while looking at the two guys. What's with the staring contest?

Tumabi siya kay Hugo. "Hugo, this is Kei. Kei, this is Hugo."

Hugo extended his hand. "So you are the Keiran Gabriel I've been hearing about."

Kei just looked down at his hand and turned to her. "Nice to meet your friend. Aalis muna ako." With that, he walked in front of us and left the room.

"Now that's how you meet an asshole," sabi niya kay Hugo. Kinuha niya ang isang basket nito. "Dito ka muna kay Nanay Hilda. May kakausapin lang akong asungot."

Nang tumango si Hugo ay lumabas na rin siya ng kuwarto. Nagulat siya nang makitang nakasandal lang sa pader si Kei. Oh he knew she will follow him.

"You could've been more polite, Kei."

"Sino siya?"

She rolled her eyes. "Didn't you hear? I said he is-"

"Hugo Beltran, yes. I meant who is he to you?"

She crossed her arms on her chest. "He is a friend, okay? You know what, I don't why I'm explaining it to you. Mahalaga si Hugo sa akin, Kei. That's why he's here."

Tumalikod siya para pumasok sana uli nang magsalita ito. "I don't think he thinks the same way."

"Huwag mong lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin."

Umalis na ito sa pagkakasandal sa pader. He fixed his glasses before speaking. "Are you sure that's all you are to him? I don't think so." With that, he walked away.

Oo matagal na silang tinutukso ni Hugo. Totoo naman ang mga sinabi niya. Hugo is one of the most important people in her life. Matagal na rin nilang na-establish na platonic lang ang meron sila. But now that it's coming from Kei, bakit parang pati siya ay nagdududa na sa totoong mayroon sa kanila ni Hugo?

***

Tinulungan ni Ai ang kapatid ni Nanay Hilda na ayusin ang mga gamit nito sa ospital. Mabilis ang pag-improve ng kundisyon ni Nanay Hilda. Mayroong mga araw na dumalaw ang Papa at madrasta niya pero hindi na lamang niya pinansin ang mga ito para hindi ma-stress lalo si Nanay Hilda.

Inayos nalang niya ang transportasyon ng magkapatid papuntang probinsya para hindi na ma-hassle ang mga ito sa pagco-commute.

"Ai?"

Nilingon niya si Nanay Hilda na nakaupo sa hospital bed. Nakapalit na pala ito ng damit. "Ano po iyon, Nanay?"

"Halika nga rito." Tinapik nito ang espasyo sa tabi.

She knew this will come. Their formal goodbyes. Umupo siya sa tabi nito.

"Nabanggit sa akin ng kapatid ko na naipagpaalam na niya ako sa iyo."

Tumango siya. Ayaw niyang magsalita dahil pakiramdam niya ay bubunghalit siya ng iyak anumang oras. She has this strong façade but deep inside she's just really a child.

"Akala ko hindi na darating ang panahon na ito. Alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko habang lumalabo ang paningin ko at mawalan ng malay?"

Umiling siya.

"Ikaw. Naisip kita. Sabi ko, sino na ang mag-aalaga sa batang ito? Paano ang pamilya ko? Paano na sila kung mawawala ako?" Ngumiti ito. "Pero heto at binigyan ako ng Diyos ng isa pang buhay. Isa pang tsansa para makahanap ng mag-aalaga sa iyo at isa pang tsansa para makasama ko ang pamilya ko."

Elites 5: Keiran Gabriel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon