01: MAY FOREVER NGA KAYA SA LAZADA?

154 7 0
                                    

"Ate, tignan mo oh, ang astig ng bebe ko," agad kong balita kay ate nang dumapo ang mga mata ko sa profile picture ni Nic na may suot na helmet.

Sideline niya ngayong quarantine ang pagiging delivery boy ng kilalang online shopping platform na Lazada, habang hindi pa sila nakakapagsimula ng online class. Graduating engineering college student, single at habulin ng mga babae.

Wala naman akong magawa kaya't nagsimula na akong magbasa ng mga comments matapos kong pusuan ang dp niya.

"Kuya Nic, pwedeng ikaw na lang order-in ko?"
"Waaah baby paangkas naman!"
"Magkano ka ba?"

Anak ng, magkano daw amp? HAHAHAHA. Masyadong bulgar.

Agad namang pinisil ni ate ang pisngi ko, "Grade 12 ka pa lang 'no. Pumili-pili ka kasi ng kasing-edad mo. Wala kang pag-asa diyan nako," inirapan ko na lang siya at ibinalik ang buong atensyon ko sa phone.

Halos manginig-nginig ang mga daliri ko sa pagtipa ng maico-comment. Ano namang sasabihin ko? Na cute siya? Na i-crushback naman niya ako? Na magpakasal na kami?

Eh paano 'yun, schoolmates lang kami at hindi pa naman niya ako nakakausap. Panay nood lang kasi ako ng mga basketball practice niya after class. Ni.hindi nga ata niya alam na nag-e-exist ako.

Aish, bahala na nga!

"Kuya Nic o-order sana ako ng wattpad books. :-D
Sana mapansin."

Mabilis akong binalot ng kaba matapos akong makapag-comment, ma-notice na rin niya kaya ako?

Naputol lamang ang pag-iisip ko sa bagay na 'yon nang kumalansing ang mga kubyertos at pinggan sa aming mesa. "Oh, mga anak magsikain na tayo. Mamaya niyo na atupagin ang kaka-cellphone," sabay buhos niya ng tubig sa mga baso namin.

"S-Sige ma," tugon ni ate at sinenyasan niya pa 'ko, "Hoy um-order tayo sa Lazada," baling pa niya sa'kin.

"Nagtanong na ako sa kaniya kung pwedeng um-order ng libro," natutop niya ang bibig at maya-maya'y bumunghalit siya bigla ng tawa. "Baliw! Malamang meron no'n sa Lazada, ba't ba ganun yung tanong mo?" Tse! Makapang-asar naman 'to. Kahit kailan talaga, kontrabida siya sa mga desisyon ko, pero may punto siya huh.

Potek, bawas points 'yun sa bebe ko!

"Hula ko yung crush mo na naman 'yan 'no?" singit ni mama nang may seryosong tingin habang patuloy lang rin si ate sa paghagikhik. Abnormal talaga.

Napangiti naman si mama, "Ah basta, hayaan mo na lang 'yang ate mo, palibhasa napakapihikan pagdating sa mga manliligaw," napanguso naman ate ko, "Pero tandaan mo yung sinabi ng papa mo na kung pipili ka ng lalaking mamahalin mo, dapat tapat, may prinsipyo, at marunong maghintay."

Bigla ko na namang naalala si papa, dalawang taon na rin simula nang mamatay siya sa car accident at hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na wala siya sa tabi ko. Napakahirap mawalan nang ama, dahil bilang anak masakit na magiging bahagi na lang siya ng mga masasayang alaalang babaunin ko habambuhay.

·Nic Junio sent you a message

Shet, nabitawan ko ang blower kong hawak nang mag pop-up bigla yung message notification niya sa phone ko.

My heart shot upward into my throat, i feel the uncontrollable bang inside my chest as i slowly swipe my phone's screen up. I swallowed hard, pushing enough of my efforts not to screech loudly.

"Hi, Cindy, marami pong available na books sa platform. Search mo lang sa app, then may lalabas na agad." Napatalon ako sa tuwa nang mabasa ko ang message niya.

Tumingin-tingin pa muna ako sa salamin saka huminga nang napakalalim.

"Ah, noted po. Salamat. Keep safe, ingat sa pagda-drive," iyon na lang ang ni-reply ko para hindi ako magmukhang feeling close. Alam ko naman na 'yun e. Lutang lang talaga ako nung makapag-comment.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon