"Hey guys, for more details just check our page. Message me directly na lang for further informations sa Jordan shoes..." Nakabalandra sa harap ng camera ko lahat ng branded na sapatos ng boyfriend ko.
Puro kasi siya ML, magkasama naman kami sa bahay pero parang hangin lang ako sa kaniya. Ewan ko na lang kung hindi mo pa rin ako pansinin.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at alam kong si Miguel na 'yon na bagong ligo, "WHAT THE FVCK?!!" Agad siyang lumapit sabay titig sa'kin nang mariin. "What the hell are you doing? Are you crazy?!" Napahawak pa siya sa sintido niya.
"Binebenta ko lang online mga sapatos mo, hindi mo naman na ginagamit. Para may pakinabang naman. Okay na sigurong nasa 5k to 9k bawat pares ano? Tsaka maraming bibili kasi buy one take one. Ayos ba papi?" nakangiti kong sagot. Mariin siyang napapikit at napabuntong-hininga.
"Bakit mo ibebenta 'yan? Nananahimik 'yan oh, bakit kailangang pakialaman mo? You're not going to sell those! Huwag ka nang dumagdag please!" Napaupo siya sa kama at dinuro ko naman siya.
"Lintik ka! Bakit? Lose streak ka ba't kaya nasabi mong huwag na 'kong dumagdag? Pake ko sa ML na 'yan! Ibebenta ko lahat ng branded mong sapatos. Don't worry may tubo na 'yon 'pag naibigay ko yung kita sa'yo." Ipinaglalagay ko bawat pares sa kani-kanilang box at sinelyuhan. Malalim siyang napapatingin sa ginagawa ko.
"Stop it," malamig na boses niyang utos na binalewala ko na lang. Ano kayang magiging reaksyon nito kapag nalaman niyang nagpa-prank lang ako?
"I said stop." Pinatas ko na lahat sa isang tabi at kinuhaan ng litrato. "May mga o-order na e, ano pang magagawa mo?"
"Kakalimutan kong girlfriend kita kapag binenta mo 'yan." Shit, galit na talaga siya, gusto ko tuloy matawa.
Buong araw niya akong hindi inimik, plano ko talagang sabihing niloloko ko lang siya bago kami matulog nang biglang tumawag sa'kin si Tito Gabriel.
"Good evening Glaidyl, I saw your Facebook live kanina. I want to buy all those Jordan shoes as a birthday present for my son. Masyadong mababa yung benta mo pero bibigyan na kita ng malaking tip. Gusto niya talaga magkaroon ng mga ganoong klase ng sapatos."
Halos hindi ako nakahinga sa sinabi ni Tito. Aaminin ko, takot ako sa kaniya. He's perfectionist at ayaw na ayaw niya sa mga taong walang isang salita. Bigla ko namang naalala yung banta sa'kin ni Miguel pero wala na 'kong naging choice. Mas lamang ang takot ko kay Tito, mapapahiya ako.
"Na-transfer ko na yung payment sa bank account mo Glaidyl, maraming salamat talaga. Mabuti at maaasahan ka," natutuwang sambit ni Tito bago ako tinalikuran at sumakay ng kotse niya.
Wala akong maiharap na mukha kay Miguel dahil naibenta ko na nga yung mga sapatos niya. Nagulat na nga lang ako bigla nang makitang may dala siyang malaking backpack palabas ng bahay.
"Uyyy, papi saan ka pupunta?"
"Aalis ako. Doon muna ako kina Daddy, huwag kang mag-alala sinabihan ko na yung bunso mong kapatid na samahan ka muna rito pansamantala. Magpapalamig muna ako ng ulo," dire-diretso niyang sabi habang papasok sa kotse niya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang mga braso. "Papi sorry na, prank lang talaga 'yun. Nagulat na lang ako na gustong bilhin-"
"Enough. Hayaan mo muna ako. I'm sorry if I can't invest enough time for you, na mas pinipili ko pa maglaro kaya mo nagawa 'yon. I understand, but I want to take a break." Inalis niya ang pagkakahawak ko sabay paandar ng kotse paalis.
Tulala lang ako buong araw, tinadtad ko siya ng chats at ang masakit pa do'n, hindi man lang niya ako sine-seen. Ilang beses ko rin siyang tinatawagan pero binababaan niya ako. Ni hindi nga ako makakain nang maayos at kulang na rin ako sa tulog, hanggang sa halos manghina ako nang may ibinalita sa'kin si Rei, bunso kong kapatid.
"A-Ate... P-Pasensya na kung ngayon ko lang 'to sasabihin..." Napaangat ako ng tingin, napansin kong nanginginig ang mga kamay niya.
"N-Nung gabing sinundo ako ni kuya Miguel sa bahay para dalhin dito, n-narinig kong may kausap siya sa telepono." Awtomatikong lumundag ang puso ko dahil sa kaba.
"B-Baby pa ang tawagan nila ate. Naka-earphones kasi ako sa loob kaso na-lowbatt nga ako tas ayun, hindi niya alam na narinig kong may kausap siya."
Simula nang malaman ko 'yon, hindi ko na makontrol ang sarili ko. Galit na may kasamang sakit ang nararamdaman ko para sa kaniya.
"T*ngina! Magpapalamig ka diba? Ano? Baka nga naiinitan ka pa e! Sabihin mo sa'kin! Huwag mo akong paikutin Miguel!" sugod ko sa boyfriend ko nang makita siyang papasok ng gate nila. Nasa likuran ko lang si Rei na kanina pang kinakabahan sa inaasal ko. "W-What are you doing here?" Nagtataka pang tanong niya.
Nagsimula namang maki-usisa ang mga kapit-bahay pero wala talaga ako sa hulog ngayon. "Prank lang 'yun Miguel! Pero ang tanga mo naman kung dahil lang do'n ay nakahanap ka na agad ng iba. O baka naman may iba ka-"
"I warned you. Kakalimutan kong girlfriend kita." Naiiyak ako dahil sa inis. Ngayon niya lang ako nasaktan ng ganito.
"I told Tito Gabriel to buy those shoes immediately." Nagtataka ma'y nanatili akong tahimik.
"Bago ka pa lang mag-video, alam kong pinagti-tripan mo 'ko kaya inunahan na kita," nakangiti niya nang sabi. Napansin kong nandito rin si Tito, sina Mama at Papa na kabababa pa lang ng kotse at ang kapatid kong parang kinikilig pa sa nakikita.
Napuno ang mga tao sa paligid at nilapitan naman ako ni Miguel sabay yakap nang mahigpit.
"N-Naguguluhan ako..." sabi ko na lang. "From now on, you're no longer my girlfriend..." Humiwalay siya sa yakap sabay luhod sa tapat ko at may dinukot siyang kung ano sa bulsa na ikinalaki ng mga mata ko.
An engagement ring...
Marahan niya itong binuksan at doon ako napaiyak nang tuluyan.
"Can you be my wife? And stay with me for a lifetime?" Naiiyak niyang sabi at napatakip naman ako ng aking bibig. Makailang ulit akong napatango't tumalon sa sobrang galak.
"Yes papi! Yes! I love you so much!" Nang maisuot niya ang singsing ay yinakap ko siya nang napakahigpit.
"I love you too babi... Special thanks sa 'napakalinis' mong prank." At hinalikan niya ang noo ko.
"Nga pala papi, nasa cabinet ko lang yung mga sapatos mo, doon ko itinago."
"What? Pero paanong-"
"Imitation lang yung mga sapatos na binenta ko. Galing yun sa friend kong OFW."
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...