"Naku, kailangan na talagang mag-ingat ng mga babae sa panahon ngayon lalo't dumarami ang kaso ng rape..." saad ni Tita sa katawagan niya sa kabilang linya ng telepono.
Alas-otso na ng gabi at nandito pa rin kami sa mall dahil sa dami ng pinamili naming damit at groceries. Hapon na kami nakapunta rito dahil sa tagal ng mga ritwal namin sa mukha kanina.
Tiningnan ko pa muna ang sarili sa salamin saka inayos ang mga hibla ng aking buhok na pina-dye ko ngayon lang sabay kaunting retouch sa medyo haggard ko nang hitsura.
Gawin ba naman akong chaperone sa dami ng pinabitbit sa'kin kanina?
"Uuwi na't lahat-lahat nagpapaganda ka pa?" intriga ni Tita Marites na napapangiwi pa. "Kailangan 'yon Tita dahil kung umalis kang maganda dapat dala-dala mo 'yon hanggang pag-uwi. That's what you called consistency," confident ko pang sabi't napahalakhak siya sa sinabi ko.
Maganda rin kasi siya at ayoko rin namang mapag-iwanan.
"Ni wala pa nga yata akong nababalitaang naging boyfriend mo?" Ito talagang si Tita napaka-KJ minsan.
Pagkaraan ng ilang minuto'y napagpasyahan na naming umuwi at mabuti na lang may pumapasada pa ring jeep ng ganitong oras kaya't dali-dali kaming sumakay.
Medyo kinakabahan pa 'ko dahil may dalawang lalaking kanina pang tingin ng tingin sa amin. Yung tingin na kikilabutan ka talaga. Naka-maikling maong shorts pa naman ako kaya't agad ko na ring tinakpan ng dala kong jacket ang nakasisilaw kong mga legs.
Kahit saan ka talaga magpunta, maraming pakalat-kalat na mga manyak.
"Kuya, diyan lang ho sa tabi..." para ko't sinamaan ko ng tingin yung dalawang lalaking nakasabay namin bago bumaba.
"Mukhang kailangan nating maglakad ngayon pauwi..." Naibaling ko agad ang paningin kay Tita na kalmado lang ang hitsura. "Mag a-alas nueve na po, pwede naman tayong magpasundo Tita mahirap na. Baka mamaya may humablot na lang sa'tin diyan sa daan."
"Balita ko may inuman daw do'n sa kanto—" pag-iiba niya ng usapan at agad na humilakbot ang takot sa sistema ko nang mapagtantong madadaanan namin 'yon pa-uwi. "Magpasundo na lang tayo Tita kaysa maglakad. Natatakot ako..."
"Walang susundo sa'tin, lahat ng kasama nating lalaki sa bahay nando'n rin mismo sa lugar na 'yon. Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. Napa-praning ka na naman."
Hindi na ako nakapag-protesta pa dahil buo na ang loob niyang dumaan sa lupon ng mga lalaking walang ginawa kundi i-cat call lahat ng mga magaganda't sexy-ng babaeng madadapuan nila ng tingin.
Hindi kasi ako komportableng pinagtitinginan ng mga lasing. Kung anu-ano na agad yung pumapasok sa isip ko.
Kagat-kagat ko ang labi, kinikiskis ko pa ang mga kamay ko sa kaba at nagsimula nang mamasa sa pawis ang noo ko. "Tita naman e, ayoko talagang dumaan diyan. Nahihiya ako..."
"Oh, bakit parang nawala ang confidence mo kanina? Husto ka lang pala sa salita."
Naka-ilang lunok pa 'ko nang marinig ang malalakas at dumadagundong na tawanan ng mga kalalakihan sa 'di kalayuan. "Tita, dito na lang ako... Iwanan mo na lang ako..."
"Kakainin ka ba ng buhay ng mga 'yan para matakot ka pa?"
"Bakit po tita? May nabalitaan na ba kayong kinain ng buhay at mukhang masayang-masaya pa?" inosente kong tanong na ikinangiti niya naman. "Depende kasi 'yon, hihi..." aniya habang binabasa-basa pa ang labi.
Matindi ang kapit ko sa braso niya nang may papalapit na mga tambay sa gawi namin. May hawak na sigarilyo't tumutungga pa ng alak habang naglalakad.
"Uyyy... Marites, long time no see ah," bati no'ng pinaka-matangkad sa kanila. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng alak at sigarilyo't bahagya pa akong napa-ubo.
"Tita... Umalis na tayo dito please... Baka kung ano pang gawin sa atin ng mga 'yan e." Yugyog ko sa braso niya't tila wala siyang naririnig.
"Huy..." bulong ko't dedma pa rin siya. Ang hirap naman nitong pilitin. "Tita naman—"
"MAGTIGIL KA NGA ARTURO! ANG KULIT-KULIT MO! TAKOT NA TAKOT KA SA MGA 'TO, E MAS MALAKI PA NGA 'YANG KATAWAN MO SA KANILA!" bulahaw niya mismo sa harapan ko't na aking ikinagulat.
"NAKAKA-HIGH BLOOD KA!"
Napakamot na lang ako sa batok dahil may punto rin siya.
Shutang inerns naman 'tong si Tita. Kasalanan ko bang borta ako? Ang shonga-shonga talaga.
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the real owner.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...