The clamor, busy streets of Mendiola seemed not enough to match the ear-splitting noises coming from the high pitched stereo here inside the Mini-Stop.
"Click-clack botta bing, botta boom~" the hype's getting stronger as "Boombayah" by Blackpink was being played.
I'm not that totally a fan of that stunning girl group but I need to be.
Bumili lang ako ng energy drink dito sa loob, medyo ngalay na rin ang mga balikat ko sa backpack na kanina pang nakasukbit sa aking likod.
"Come again, sir," anang balinkinitang cashier kaya tinanguan ko na lang rin siya bilang pagbati.
Nang saktong makalabas ako'y naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking telepono kaya't dali-dali ko itong pinaunlakan dahil si Misis na pala itong tumatawag.
"Hon? Pauwi na 'ko..." bungad ko. Ni hindi ko mapigilang ngumiti sa isiping atat na atat na naman siya sa'king pag-uwi.
Siguro gising pa silang dalawa ng bunso ko dahil pinangakuan ko itong bibigyan siya ng pasalubong dahil birthday niya ngayong araw.
"Edison, dumiretso ka na sa bahay ah. Baka kung saan-saan ka pa magpupunta, hindi mo na talaga kami makikita ng mga anak mo," mahabang babala niya kaya't napatawa akong bigla.
"Huwag mo 'kong matawan-tawanan diyan. Teka? Bakit ang ingay? Nasaan ka na ba? Nagba-bar ka ba?!" histerya niya pa kaya't lumayo ako ng kaunti para makapagpaliwanag.
Magsasalita pa sana ako nang bigla niya namang babaan ako ng telepono.
She's overthinking again. We've been through a lot in this relationship, pero kahit kasal na kami at may sarili ng pamilya, nasa dugo na nga niya ata talaga ang pagdududa.
Well, I can't blame her. Marami akong naging babae bago kami nagkaroon ng relasyon. Ni hindi pa nga ako halos nakaka-move-on sa ex ko nung nililigawan ko siya but she chose to understand my feelings.
Until my heart found it's way to reach hers.
"Kuya..." Halos mangilabot ako nang may kung sinong babaeng bumulong sa'king likuran
I shifted my gaze into the back and a girl wearing a Blackpink shirt and denim pants popped around my sight.
She seems few years younger than me. Nagulat na lang ako nang agad niyang hinawakan ang aking palapulsuhan.
Series of confusion start to mingle at my system.
"Kuya, matatanggal ako sa trabaho ko kapag hindi ako nakapagbenta o kumita..." Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok nang pasadahan niya nang haplos ang aking mga braso.
Hinayaan ko siyang hilahin ako papunta sa isang eskinita.
Tanging mamundi-munding ilaw na lamang sa isang lumang poste ang nagbibigay ng manilaw-nilaw na liwanag sa paligid.
"Labag man sa loob ko pero..." Unti-unting bumibigat ang paghinga ko lalo na nung marahan niyang inilapit ang kaniyang mukha. "Isang gabi kapalit ng malaking halaga. May sakit po ang Lola ko... Ayaw ko namang masisante sa pagbebenta ng mga Blackpink merchandise. Kailangan may maibigay akong pera sa kanila."
Napapikit ako nang mariin, biglang pumasok sa isipan ko sina Aliyah at mga anak ko.
"Edison dumiretso ka na sa bahay ah. Baka kung saan-saan ka pa magpupunta, hindi mo na talaga kami makikita ng mga anak mo..." tila sirang plaka iyong nagpaulit-ulit.
Huminga ako nang malalim at pinakatitigan ang babaeng kaharap ko ngayon. Nagulat na lang ako nang akma niya 'kong hahalikan kaya't isinangga ko ang aking mga braso.
"Shit, wait. Hindi ako handa," usal ko.
"Bakit wala ka bang baong-"
Napatigil siya sa pagsasalita nang buksan ko ang aking backpack at iminuwestra ang sandamakmak na blackpink merch sa kaniya.
"Ayan ready na. Pili ka na jan, bawal na magpa-customizekasi gabi na. Bilhin mo na 'tong lighstick imitation tapos ibenta mo ulit para sa mas malaking tubo. Dalian mong pumili at hinihintay na ako ng misis ko. High quality lahat 'yan. Bili na!"
"What the-"
"Ipapaalala ko lang sa'yo, na diyan sa trabahong pinasok mo, produkto ang dapat na ibinebenta, hindi katawan."
PLAGIARISM IS A CRIME.
@jay.destro
Photo credits to the owner.
BINABASA MO ANG
That Golden Boy: Collection of Random Short Stories
Teen FictionThis is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can visit my Facebook writing account: Jay-jay Destro for recent updates. Salamat sa pagbabasa! Book Cov...